Bible Explorer Kunin ang app

Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Nobyembre 2027 › Nobyembre 15

Kalendaryong Katoliko

Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Nobyembre 15, 2027

Lunes · Ika-33 linggo sa Karaniwang Panahon

Mga kapistahan at mga santo

Lunes ng ika-33 linggo sa Karaniwang Panahon

Malayang Paggunita · Kulay ng liturhiya: berde

San Alberto Magno, obispo at pantas ng Simbahan · Malayang Paggunita

Mga pagbasa sa araw na ito

Unang Pagbasa

Wala sa saling ito

Salmong Tugunan

Awit 119:53, 61, 134, 150, 155, 158

53Napuno ako ng matinding galit dahil sa mga masasama na hindi sumusunod sa iyong batas. 61Nabitag ako ng lubid ng masasama; hindi ko kinalimutan ang iyong batas. 134Tubusin mo ako mula sa pang-aapi ng mga tao para masunod ko ang mga tagubilin mo. 150Papalapit nang papalapit sa akin ang mga umuusig sa akin, pero malayo sila sa iyong batas. 155Malayo ang kaligtasan mula sa masasama, dahil hindi nila minamahal ang iyong alituntunin. 158Tinitingnan ko ng may pagkasuklam ang mga mandaraya dahil hindi nila sinusunod ang iyong salita.

Ebanghelyo

Luc 18:35–43

35At nangyari, nang palapit si Jesus sa Jerico, may isang bulag na lalaking nakaupo sa tabi ng kalsada na namamalimos, 36at nang narinig niya ang maraming tao na dumaraan, tinanong niya kung ano ang nangyayari. 37Sinabi nila sa kaniya na dumaraan si Jesus na taga-Nazaret. 38Kaya sumigaw ang bulag na lalaki, sinasabi, “Jesus, anak ni David, maawa ka sa akin.” 39Sinaway ng mga naunang naglalakad ang bulag na lalaki, sinasabi sa kaniya na manahimik. Ngunit lalo pa siyang sumigaw, “Anak ni David, maawa ka sa akin.” 40Huminto si Jesus at iniutos na dalhin sa kaniya ang lalaki. At nang malapit na ang bulag na lalaki, tinanong siya ni Jesus, 41“Ano ang gusto mong gawin ko sa iyo?” Sinabi niya, “Panginoon, gusto kong makakita.” 42Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Tanggapin mo ang iyong paningin. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” 43Kaagad niyang natanggap ang kaniyang paningin, at sumunod sa kainya na niluluwalhati ang Diyos. Pagkakita nito, nagbigay ng papuri ang lahat ng tao sa Diyos.

Mga santo ng araw

Mga santo ng Nobyembre 15

Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo B, taon ng karaniwang araw I.

Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan