Bible Explorer Kunin ang app

Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Nobyembre 2027 › Nobyembre 8

Kalendaryong Katoliko

Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Nobyembre 8, 2027

Lunes · Ika-32 linggo sa Karaniwang Panahon

Mga kapistahan at mga santo

Lunes ng ika-32 linggo sa Karaniwang Panahon

Karaniwang araw · Kulay ng liturhiya: berde

Mga pagbasa sa araw na ito

Unang Pagbasa

Wala sa saling ito

Salmong Tugunan

Awit 139:1–10

1Yahweh, sinayasat mo ako at kilala. 2Alam mo kung kailan ako uupo at babangon; kahit malayo ka sa akin nauunawaan mo ang aking saloobin. 3Minamasdan mo ang aking daan at kapag ako ay nahihiga; alam mo ang lahat sa aking pamumuhay. 4Yahweh, wala akong sinasabi na hindi mo lubos na alam. 5Sa likuran at harapan ay nandoon ang iyong mga kamay sa akin. 6Ang ganoong kaalaman ay labis para sa akin; ito ay labis na mataas at hindi ko ito kayang maunawaan. 7Saan ako maaaring pumunta para makatakas mula sa iyong Espiritu? Saan ako makakalayo mula sa iyong presensiya? 8Kung aakyat ako sa kalangitan, naroon ka; kung gagawa ako ng higaan sa sheol, makikita na naroon ka. 9Kung lilipad ako palayo sa mga pakpak ng umaga at pupunta para mamuhay sa pinakamalayong mga bahagi sa kabila ng karagatan, 10kahit doon ang iyong kamay ang aakay sa akin, at ang iyong kanang kamay ang hahawak sa akin.

Ebanghelyo

Luc 17:1–6

1Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Tiyak na darating ang mga bagay na magiging dahilan upang tayo ay magkasala, ngunit aba sa taong pagmumulan ng mga ito! 2Mas mabuti pa sa kaniya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang gilingang bato at ihagis siya sa dagat, kaysa maging sanhi ng pagkakatisod ng maliliit na ito. 3Mag-ingat kayo. Kung nagkasala ang iyong kapatid na lalaki, sawayin mo siya, at kung siya ay nagsisi, patawarin mo siya. 4Kapag nagkasala siya laban sa iyo ng pitong beses sa isang araw, at pitong beses na bumalik sa iyo, sinasabi, 'Nagsisisi ako,' dapat mo siyang patawarin!” 5Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan mo ang aming pananampalataya.” 6Sinabi ng Panginoon, “Kung may pananampalataya kayo na tulad ng isang butil ng mustasa, sasabihin ninyo sa puno ng sicamorong ito, 'Mabunot ka, at matanim sa dagat,' at kayo ay susundin nito.

Mga santo ng Nobyembre 8

Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo B, taon ng karaniwang araw I.

Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan