Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Oktubre 2027 › Oktubre 29
Kalendaryong Katoliko
Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Oktubre 29, 2027
Biyernes · Ika-30 linggo sa Karaniwang Panahon
Mga kapistahan at mga santo
Biyernes ng ika-30 linggo sa Karaniwang Panahon
Karaniwang araw · Kulay ng liturhiya: berde
Pag-aayuno at pagpepenitensiya
Araw ng pagpepenitensiya
Bawat Biyernes ay araw ng pagpepenitensiya; ang bawat kumperensiya ng mga obispo ang nagtatakda kung paano ito ginagawa: pag-iwas sa karne o ibang gawa ng penitensiya. Ang pag-aayuno ay para sa edad 18 hanggang 59, ang pag-iwas sa karne mula 14.
Mga pagbasa sa araw na ito
Unang Pagbasa
1Sinasabi ko ang katotohanan sa pamamagitan ni Cristo. Hindi ako nagsisinungaling, at kasamang nagpapatunay ang aking konsiyensya sa Banal na Espiritu, 2na sa akin ay may labis na kalungkutan at walang tigil na kirot sa aking puso. 3Sapagkat nanaisin kong ako na lamang ang maisumpa at maihiwalay kay Cristo para sa kapakanan ng aking mga kapatid, silang aking mga kalahi ayon sa laman. 4Sila ay mga Israelita. Nasa kanila ang pagkupkop, ang kaluwalhatian, ang mga kasunduan, ang kaloob ng batas, ang pagsamba sa Diyos, at ang mga pangako. 5Sa kanilang mga ninuno nagmula si Cristo ayon sa laman—na siyang Diyos sa lahat. Nawa purihin siya magpakailanman. Amen.
Salmong Tugunan
12Purihin niyo si Yahweh, kayong mga mamamayan ng Jerusalem! Purihin niyo ang inyong Diyos, Sion. 13Dahil pinalalakas niya ang rehas ng inyong mga tarangkahan, pinagpapala niya ang mga batang kasama ninyo. 14Pinagyayaman niya ang mga nasa loob ng inyong hangganan, pinasasaya niya kayo sa pamamagitan ng pinakamaiinam na trigo. 15Pinadadala niya ang kaniyang kautusan sa mundo, dumadaloy ito nang maayos. 19Ipinahayag niya ang kaniyang salita kay Jacob, ang mga alituntunin niya at makatuwirang mga utos sa Israel. 20Hindi niya ginawa ito sa ibang bayan, wala silang alam sa kaniyang mga utos. Purihin si Yahweh.
Ebanghelyo
1Nangyari sa isang Araw ng Pamamahinga, nang pumunta si Jesus sa bahay ng isa sa mga pinuno ng mga Pariseo upang kumain ng tinapay, na minamanmanan nila si Jesus. 2Masdan ito, doon sa kaniyang harapan ay may isang lalaking nagdurusa dahil sa pamamanas. 3Tinanong ni Jesus ang mga dalubhasa sa kautusan ng Judio at ang mga Pariseo, “Naaayon ba sa batas na magpagaling sa Araw ng Pamamahinga o hindi?” 4Ngunit nanatili silang tahimik. Kaya hinawakan siya ni Jesus, pinagaling siya at pinaalis. 5Sinabi niya sa kanila, “Sino sa inyo ang may isang lalaking anak o isang baka na kapag mahulog sa balon sa Araw ng Pamamahinga, ang hindi kaagad mag-aahon sa kaniya?” 6Hindi sila nakapagbigay ng sagot sa mga bagay na ito.
Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo B, taon ng karaniwang araw I.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan