Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Oktubre 2027 › Oktubre 2
Kalendaryong Orthodox · Setyembre 19 (lumang kalendaryo)
Mga pagbasang Ortodokso — Oktubre 2, 2027
Sabado · Ika-15 linggo pagkatapos ng Pentekostes · Tono 5
Mga kapistahan at mga santo
Sabado pagkatapos ng Pagtatampok sa Krus
Pag-aayuno
Walang pag-aayuno
Ito ay ayon sa panuntunan ng monasteryo. Sa parokya, ang sukat ng pag-aayuno ay itinatakda kasama ng kumpesor, ayon sa kalusugan, edad at kalagayan.
Mga pagbasa sa araw na ito
Sulat (Sabado pagkatapos ng Pagtatampok sa Krus)
26Tumingin kayo sa pagkatawag ng Diyos sa inyo, mga kapatid. Iilan lamang ang marurunong sa inyo sa pamamagitan ng pamantayan ng tao. Iilan lamang ang makapangyarihan sa inyo. Iilan lamang ang may maharlikang kapanganakan sa inyo. 27Ngunit pinili ng Diyos ang mga bagay na mangmang sa mundo upang hiyain ang mga marurunong. Pinili ng Diyos kung anong mahihina sa mundo upang hiyain ang malakas. 28Pinili ng Diyos kung ano ang mabababa at hinamak sa mundo. Pinili nga niya ang mga bagay na itinuring na walang kabuluhan, upang mawalang kabuluhan ang mga bagay na pinanghahawakang mahalaga. 29Ginawa niya ito upang walang sinuman ang may dahilan upang magyabang sa harapan niya.
Sulat
17Ito ang dahilan kung bakit ko pinapunta sa inyo si Timoteo, ang aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon. Siya ang magpapaalala sa inyo ng aking mga kaparaanan kay Cristo, gaya ng pagtuturo ko sa kanila sa lahat ng dako at sa bawat iglesya. 18Ngayon, ang iba sa inyo ay lubhang mayabang, kumikilos na parang hindi ako darating sa inyo. 19Ngunit malapit na akong pumunta sa inyo, kung kalooban ng Panginoon. At hindi ko lamang malalaman ang salita ng mga mayayabang na ito, ngunit makikita ko ang kanilang kapangyarihan. 20Sapagkat ang kaharian ng Diyos ay hindi naglalaman ng usapin kundi ng kapangyarihan. 21Ano ba ang gusto ninyo? Kailangan ko bang pumunta sa inyo na may pamalo o nang may pag-ibig at sa espiritu ng kahinahunan? 5:1Narinig namin ang ulat na may nangyayaring sekswal na imoralidad sa inyo, ang uri ng imoralidad na hindi nga pinahihintulutan kahit sa mga Gentil. Ang ulat ay ganito, may isa sa inyo na nakikipagtalik sa asawa ng kaniyang ama. 2At masyado kayong mayabang. Sa halip, hindi ba dapat na magluksa kayo? Dapat maalis sa inyo ang gumawa nito. 3Sapagkat, kahit na wala ako sa katawan ngunit kasama pa rin ninyo ako sa espiritu, at hinatulan ko na ang siyang gumawa nito, na parang nariyan ako. 4Kung magtitipun-tipon kayo sa ngalan ng ating Panginoong Jesus, at nariyan din ang aking espiritu sa kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus, hinatulan ko na ang taong iyan. 5Ginawa ko ito upang maipasakamay ang taong ito kay Satanas para sa pagkawasak ng laman, upang maaaring maligtas ang kaniyang espiritu sa araw ng Panginoon.
Ebanghelyo (Sabado pagkatapos ng Pagtatampok sa Krus)
21Sinabi niya muli sa kanila, “Ako ay aalis; hahanapin ninyo ako at mamamatay kayo sa inyong kasalanan. Kung saan ako pupunta, hindi kayo makakasama.” 22Sabi ng mga Judio “Papatayin ba niya ang kaniyang sarili, siya na nagsabi, 'Kung saan ako pupunta, hindi kayo makakasama'?” 23Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kayo ay nagmula sa ibaba; ako ay nagmula sa itaas. Kayo ay sa sanlibutang ito; ako ay hindi sa sanlibutang ito. 24Kaya, sinabi ko sa inyo na mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan. Sapagkat maliban na maniniwala kayo na AKO NGA, mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.” 25Kaya sinabi nila sa kaniya, “Sino ka?” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung ano sinabi ko sa inyo mula pa sa simula. 26Marami akong mga bagay na sasabihin at hahahtulan tungkol sa inyo. Subalit, ang nagpadala sa akin ay totoo; at ang mga bagay na narinig ko sa kaniya, ang mga ito ay sinasabi ko sa mundo.” 27Hindi nila naunawaan na siya ay nagsasalita sa kanila tungkol sa Ama. 28Sinabi ni Jesus, “Kapag itinaas na ninyo ang Anak ng Tao, saka ninyo makikilala na AKO NGA, at wala akong ginawa sa aking sarili. Ayon sa itinuro ng aking Ama, sinasabi ko ang mga bagay na ito. 29Ang nagsugo sa akin ay nasa akin, at hindi niya ako iniwang mag-isa, dahil palagi kong ginagawa ang mga bagay na nakakalugod sa kaniya.” 30Habang sinasabi ni Jesus ang tungkol sa mga bagay na ito, marami ang naniwala sa kaniya.
Ebanghelyo
1Lumabas si Jesus mula sa templo at nagpatuloy sa kaniyang pupuntahan. Nilapitan siya ng mga alagad niya upang ipakita sa kaniya ang mga gusali ng templo. 2Ngunit sumagot siya at sinabi sa kanila, “Hindi ba ninyo nakikita ang lahat ng mga ito? Totoo itong sinasabi ko sa inyo, wala ni isa mang bato na maiiwang nakapatong sa isa pang bato na hindi guguho.” 3Habang nakaupo si Jesus sa Bundok ng mga Olibo, sarilinang lumapit ang mga alagad sa kaniya at sinabi nila, “Sabihin mo sa amin, kung kailan mangyari ang mga ito? Ano ang magiging palatandaan sa inyong pagparito at ang katapusan ng mundo?” 4Sumagot si Jesus sa kanila at sinabi, “Mag-ingat kayo na walang makahikayat sa inyo na mailigaw kayo. 5Sapagkat marami ang paririto sa aking pangalan. Sasabihin nila, 'Ako ang Cristo,' at marami ang maililigaw. 6Makaririnig kayo ng mga digmaan at mga balita tungkol sa digmaan. Tingnan ninyo na hindi kayo mababalisa, sapagkat kailangang mangyari ang mga ito; ngunit hindi pa ito ang katapusan. 7Sapagkat lalabanan ng isang bansa ang kapwa bansa, at kaharian sa kapwa kaharian. Magkakaroon ng mga taggutom at mga lindol sa iba't ibang mga lugar. 8Ngunit lahat ng mga ito ay simula pa lamang ng sakit ng paghilab ng babaeng manganganak. 9Pagkatapos nito, dadalhin nila kayo sa kapighatian at papatayin kayo. Kasusuklaman kayo ng lahat ng mga bansa ng dahil sa pangalan ko. 10At marami ang matitisod at ipagkanulo nila ang isa't isa, at kasusuklaman nila ang isa't isa. 11Marami ang lilitaw na mga bulaang propeta at ililigaw nila ang marami. 12Dahil lalaganap ang katampalasanan, ang pag-ibig ng karamihan ay lalamig. 13Ngunit kung sino ang makapagtitiis hanggang sa katapusan, siya ang maliligtas.
Mga santo ng araw
- Pagkatapos ng Kapistahan ng Pagtataas sa Krus ng Panginoon
- Mga Martir Trofimo, Sabacio at Dorimedonte (276)
- Mga Tapat na Prinsipe Teodoro ng Smolensk (1299) at ang kaniyang mga anak na sina David (1321) at Constantino, mga Manggagawa ng Himala ng Yaroslavl
- Kagalang-galang na Alexis ng Zosimova (1928)
- Paring Martir Constantino at ang dalawang martir na kasama niya (1918)
- Paring Martir Nicolas, pari (1919)
- Paring Martir Nilo, pari, at Kagalang-galang na Martir Maria (1938)
- Martir Zosimo, ermitanyo (ika-4 siglo)
- Tapat na Dakilang Prinsipe Igor ng Chernihiv at Kyiv (1147)
Ang mga petsa ay ayon sa kalendaryong Juliano ng Simbahang Ruso (gaya ng mga Simbahang Serbiyo at Heorhiyano at ng Bundok Athos): ang Setyembre 19 sa kalendaryo ng simbahan ay Oktubre 2 sa sibil na kalendaryo. Ipinagdiriwang ng mga Simbahan sa bagong kalendaryo (Gresya, Romania, Bulgaria, Ukraine…) ang mga di-nagagalaw na kapistahan at ang mga santo sa mismong petsang sibil, 13 araw na mas maaga, at iba ang ilan sa kanilang mga pagbasa; pareho ang Pasko ng Pagkabuhay at ang mga araw na nakasalalay rito.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan