Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Oktubre 2027 › Oktubre 1
Kalendaryong Orthodox · Setyembre 18 (lumang kalendaryo)
Mga pagbasang Ortodokso — Oktubre 1, 2027
Biyernes · Ika-15 linggo pagkatapos ng Pentekostes · Tono 5
Mga kapistahan at mga santo
Pagkatapos ng Kapistahan ng Pagtataas sa Krus ng Panginoon
Araw ng pag-aayuno
Pag-aayuno: may langis
Ito ay ayon sa panuntunan ng monasteryo. Sa parokya, ang sukat ng pag-aayuno ay itinatakda kasama ng kumpesor, ayon sa kalusugan, edad at kalagayan.
Mga pagbasa sa araw na ito
Sulat
8Bago pa, nang hindi pa ninyo kilala ang Diyos, kayo ay mga alipin sa mga bagay na likas na hindi talaga diyos. 9Ngunit ngayon na kilala na ninyo ang Diyos, o higit na mabuting sabihin, ngayon na kilala na kayo ng Diyos, bakit kayo muling bumabalik sa mahina at walang silbing mga pasimulang tuntunin? Gusto niyo bang maging mga alipi muli? 10Mahigpit ninyo ipinagdiriwang ang mga natatanging araw, mga bagong buwan, mga panahon, at mga taon. 11Natatakot ako para sa inyo. Natatakot ako na anumang paraan ay naghirap ako sa inyo ng walang kabuluhan. 12Nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, maging katulad ninyo ako, sapagkat ako ay naging katulad rin ninyo. Wala kayong ginawang mali sa akin. 13Ngunit alam ninyo na dahil sa sakit na pisikal kaya ko ipinahayag ang ebanghelyo sa inyo sa unang pagkakataon. 14Kahit na inilagay kayo ng aking pisikal na kalagayan sa pagsubok, hindi ninyo ako hinamak o tinanggihan. Sa halip tinanggap ninyo ako tulad ng anghel ng Diyos, na para bang ako mismo si Cristo Jesus. 15Saan, samakatuwid, na ngayon ang inyong kaligayahan? Sapagkat aking pinatotohanan sa inyo na, kung maaari, dinukot na ninyo ang inyong mga sariling mga mata at ibinigay ang mga ito sa akin. 16Kaya noon, naging kaaway na ba ninyo ako dahil sinasabi ko ang katotohanan sa inyo? 17Nagmamalasakit sila inyo, ngunit hindi sa ikabubuti. Gusto nila kayong ihiwalay sa akin para sumunod kayo sa kanila. 18Laging mabuti ang magmalasakit para sa mga mabubuting dahilan, at hindi lang kung ako ay nariyan na kasama ninyo. 19Maliliit kong mga Anak, ako ay nagdaranas muli ng sakit tulad ng babaing nanganganak para sa inyo hanggang si Cristo ay mabuo sa inyo. 20Gusto kong nariyan ako ngayon kasama ninyo at baguhin ang aking tono, dahil ako ay naguguluhan tungkol sa inyo. 21Sabihin ninyo sa akin, kayo na gustong magpasailalim sa kautusan, hindi ba ninyo narinig kung ano ang sinasabi ng kautusan?
Ebanghelyo
45Agad niyang pinasakay ang kaniyang mga alagad sa bangka at pinauna sila sa kabilang dako, sa Betsaida, habang pinaaalis niya ang mga tao. 46Nang wala na sila, umakyat siya sa bundok upang manalangin. 47Sumapit ang gabi, nasa kalagitnaan na ng dagat ang bangka, at siya ay nag-iisa sa lupa. 48At nakita niyang nahihirapan ang mga alagad habang nagsasagwan dahil ang hangin ay salungat sa kanila. Nang madaling-araw na pumunta siya sa kanila na naglalakad sa dagat at gusto niyang lagpasan sila. 49Ngunit nang makita nilang naglalakad siya sa dagat, naisip nila na isa siyang multo at nagsigawan sila, 50dahil nakita at natakot sila sa kaniya. Agad niya silang kinausap at sinabi sa kanila, “Lakasan ninyo ang inyong loob! Ako ito! Huwag kayong matakot!” 51Sumakay siya sa bangka at tumigil ang pag-ihip ng hangin at lubos silang namangha sa kaniya. 52Sapagkat hindi nila naintindihan kung ano ang kahulugan ng tinapay, ngunit mabagal umintindi ang kanilang mga kaisipan. 53Nang makatawid na sila, nakarating sila sa lupain ng Genesaret at idinaong nila ang bangka.
Mga santo ng araw
- Kagalang-galang na Eumenio, Obispo ng Gortina (ika-7 siglo)
- Pagpaparangal kay Kagalang-galang na Eufrosina ng Suzdal, sa mundo ay Teodulia (1698)
- Kagalang-galang na Hilarion ng Optina (1873)
- Mga Paring Martir Alexis at Pedro, mga pari (1918)
- Mga Paring Martir Anfiloquio, Obispo ng Krasnoyarsk, Juan, Boris, Miguel, Vladimir, Benjamin at Constantino, mga pari, at Martir Sergio (1937)
- Martir Ariadna (ika-2 siglo)
- Mga Martir Sofia at Irene (ika-3 siglo)
- Mga Martir Bidzina, Shalva at Elizbar, mga prinsipe ng Ksani (1660)
- Martir Castor
- Mga Ikon ng Ina ng Diyos ng Molchensk (1405), ang tinatawag na “Manggagamot” (ika-18 siglo), at ng Staraya Russa (1888)
Ang mga petsa ay ayon sa kalendaryong Juliano ng Simbahang Ruso (gaya ng mga Simbahang Serbiyo at Heorhiyano at ng Bundok Athos): ang Setyembre 18 sa kalendaryo ng simbahan ay Oktubre 1 sa sibil na kalendaryo. Ipinagdiriwang ng mga Simbahan sa bagong kalendaryo (Gresya, Romania, Bulgaria, Ukraine…) ang mga di-nagagalaw na kapistahan at ang mga santo sa mismong petsang sibil, 13 araw na mas maaga, at iba ang ilan sa kanilang mga pagbasa; pareho ang Pasko ng Pagkabuhay at ang mga araw na nakasalalay rito.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan