Bible Explorer Kunin ang app

Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Setyembre 2027 › Setyembre 27

Kalendaryong Katoliko

Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Setyembre 27, 2027

Lunes · Ika-26 linggo sa Karaniwang Panahon

Mga kapistahan at mga santo

Lunes ng ika-26 linggo sa Karaniwang Panahon

Paggunita · Kulay ng liturhiya: puti

San Vicente de Paul, pari · Paggunita

Mga pagbasa sa araw na ito

Unang Pagbasa

Zac 8:1–8

1Dumating sa akin ang salita ni Yaweh ng mga hukbo at sinabi, 2“Ito ang sinabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Madamdamin ako para sa Zion nang may matinding kasigasigan, at madamdamin ako para sa kaniya nang may matinding galit!' 3Sinabi ito ni Yahweh ng mga hukbo: 'Babalik ako sa Zion at mananahan ako sa kalagitnaan ng Jerusalem, sapagkat tatawaging Lungsod ng Katotohanan ang Jerusalem at tatawaging Banal na Bundok ang bundok ni Yahweh ng mga hukbo!”” 4Sinabi ito ni Yahweh ng mga hukbo: 'Muling magkakaroon sa mga lansangan ng Jerusalem ng mga matatandang kalalakihan at mga matatandang kababaihan at kakailanganin ng bawat tao ang isang tungkod sa kaniyang kamay dahil napakatanda na niya. 5At mapupuno ang mga lansangan ng lungsod ng mga batang lalaki at batang babaing naglalaro dito.''' 6''Ito ang sinabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Kung may isang bagay na hindi kapani-paniwala sa mga mata ng nalalabi sa mga taong ito sa mga araw na iyon, hindi rin ba ito kapani-paniwala sa aking mga mata?”' Ito ang pahayag ni Yahweh. 7“Ito ang sinabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Masdan ninyo, malapit ko ng iligtas ang aking mga tao mula sa lupaing sinisikatan ng araw at mula sa lupaing linulubugan ng araw! 8Sapagkat ibabalik ko sila at maninirahan sila sa kalagitnaan ng Jerusalem, kaya muli silang magiging aking mga tao at ako ang magiging Diyos nila sa katotohanan at sa katuwiran!'''

Salmong Tugunan

Awit 102:15–20, 28, 21–22

15Igagalang ng mga bansa ang iyong pangalan, Yahweh, at pararangalan ng lahat ng mga hari sa daigdig ang iyong kaluwalhatian. 16Muling itatayo ni Yahweh ang Sion at makikita sa kanyang kaluwalhatian. 17Sa oras na iyon, tutugon siya sa panalangin ng dukha; hindi niya tatanggihan ang kanilang panalangin. 18Ito ay masusulat para sa mga darating na salinlahi, at pupurihin si Yahweh ng isang bayan na hindi pa ipinapanganak. 19Dahil tumingin siya pababa mula sa kanyang banal na kaitaasan; mula sa langit tiningnan ni Yahweh ang daigdig, 20para dinggin ang pagdaing ng mga bilanggo, para palayain ang mga nahatulan ng kamatayan. 28Patuloy na mabubuhay ang mga anak ng iyong mga lingkod, at ang kanilang mga kaapu-apuhan ay mabubuhay sa iyong presensya. 21Pagkatapos ihahayag ng mga tao ang pangalan ni Yahweh sa Sion at ang kanyang papuri sa Jerusalem 22sa panahon na ang mga tao at mga kaharian ay magtitipon para paglingkuran si Yahweh.

Ebanghelyo

Luc 9:46–50

46Pagkatapos, isang pagtatalo ang nagsimula sa kanila tungkol sa kung sino ang magiging lubos na dakila. 47Ngunit nang malaman ni Jesus ang kanilang mga pangangatwiran sa kanilang mga puso, kumuha siya ng isang bata at nilapit sa kaniyang tabi, 48at sinabi sa kanila, “Kung sinuman ang tumanggap sa isang maliit na batang katulad nito sa aking pangalan, siya rin ay tumatanggap sa akin, at kung sinuman ang tumatanggap sa akin, siya rin ay tumatanggap sa kaniya na nagsugo sa akin. Dahil kung sinuman ang pinakamababa sa inyong lahat ay siyang dakila.” 49Sumagot si Juan at sinabi, “Panginoon, may nakita kaming isang tao na nagpapalayas ng demonyo gamit ang iyong pangalan at pinigilan namin siya sapagkat siya ay hindi sumusunod sa atin.” 50Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “Huwag ninyo siyang pigilan, sapagkat siya na hindi laban sa inyo ay kasama ninyo.”

Mga santo ng araw

Mga santo ng Setyembre 27

Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo B, taon ng karaniwang araw I.

Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan