Bible Explorer Kunin ang app

Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Setyembre 2027 › Setyembre 25

Kalendaryong Katoliko

Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Setyembre 25, 2027

Sabado · Ika-25 linggo sa Karaniwang Panahon

Mga kapistahan at mga santo

Sabado ng ika-25 linggo sa Karaniwang Panahon

Malayang Paggunita · Kulay ng liturhiya: berde

Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado · Malayang Paggunita

Mga pagbasa sa araw na ito

Unang Pagbasa

Zac 2:1–5, 10–11

1Pagkatapos nito, itiningala ko ang aking mga mata at nakita ko ang isang lalaki na mayroong panukat na lubid sa kaniyang kamay. 2Sinabi ko, “Saan ka pupunta?” Kaya sinabi niya sa akin, “Susukatin ko ang Jerusalem, upang malaman ang luwang at haba nito.” 3Pagkatapos, umalis ang anghel na nakipag-usap sa akin at lumabas ang isa pang anghel upang salubungin siya. 4Sinabi sa kaniya ng ikalawang anghel, “Tumakbo ka at sabihin mo sa binatang iyon: sabihin mo, 'Uupo ang Jerusalem sa bansang walang pader dahil sa napakaraming tao at mga hayop na nasa kaniya. 5Sapagkat Ako ang magiging pader na apoy sa palibot niya at ako ang magiging kaluwalhatian sa kalagitnaan niya — ito ang pahayag ni Yahweh. 10Umawit ka nang may kagalakan, anak na babae ng Zion, sapagkat ako mismo ang darating at mananahan sa inyo! Ito ang pahayag ni Yahweh.” 11Pagkatapos, makikiisa kay Yahweh ang mga malalaking bansa sa araw na iyon. Sinasabi niya, “At kayo ang magiging mga tao ko sapagkat mananahan ako sa inyong kalagitnaan.” At malalaman ninyo na si Yahweh ng mga hukbo ang nagpadala sa akin sa inyo.

Salmong Tugunan

Jer 31:10–13

10“ Dinggin ninyo mga bansa ang salita ni Yahweh. Ibalita sa mga baybayin na nasa kalayuan. Kayong mga bansa, dapat ninyong sabihin, “Ang nagkalat sa Israel ang nagtitipon at nag-iingat sa kaniya kagaya ng pag-iingat ng isang pastol sa kaniyang tupa” 11Sapagkat tinubos ni Yahweh si Jacob at iniligtas siya sa kamay ng napakalakas para sa kaniya. 12Pagkatapos, darating sila sa taas ng Sion na may galak. Magagalak sila dahil sa kabutihan ni Yahweh, dahil sa mais at sa bagong alak, sa langis at sa anak ng mga kawan at mga inahin. Sapagkat ang kanilang pamumuhay ay magiging katulad ng isang dinidiligang hardin at hindi na sila muling makakaramdam ng anumang kalungkutan 13At sasayaw nang may galak ang mga birhen at mga binata at mga matatandang kalalakihan. Sapagkat papalitan ko ang kanilang pagdadalamhati ng pagdiriwang. Kahahabagan ko sila at magagalak sa halip na nagluluksa.

Ebanghelyo

Luc 9:43–45

43Silang lahat ay namangha sa kadakilaan ng Diyos. Ngunit habang sila ay namamangha parin sa mga bagay na kaniyang ginawa, sinabi niya sa kaniyang mga alagad, 44“Palalimin ninyo ang mga salitang ito sa inyong mga tainga, sapagkat ang Anak ng Tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao.” 45Ngunit hindi nila naintindihan ang ibig sabihin ng mga pahayag na ito, at ito ay lingid sa kanila, kaya hindi nila ito maintindihan. Natakot silang magtanong sa kaniya tungkol sa pahayag na iyon.

Mga santo ng Setyembre 25

Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo B, taon ng karaniwang araw I.

Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan