Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Setyembre 2027 › Setyembre 24
Kalendaryong Katoliko
Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Setyembre 24, 2027
Biyernes · Ika-25 linggo sa Karaniwang Panahon
Mga kapistahan at mga santo
Biyernes ng ika-25 linggo sa Karaniwang Panahon
Karaniwang araw · Kulay ng liturhiya: berde
Pag-aayuno at pagpepenitensiya
Araw ng pagpepenitensiya
Bawat Biyernes ay araw ng pagpepenitensiya; ang bawat kumperensiya ng mga obispo ang nagtatakda kung paano ito ginagawa: pag-iwas sa karne o ibang gawa ng penitensiya. Ang pag-aayuno ay para sa edad 18 hanggang 59, ang pag-iwas sa karne mula 14.
Mga pagbasa sa araw na ito
Unang Pagbasa
1Sa ikadalawampu't isang araw ng ikapitong buwan, dumating ang salita ni Yahweh sa pamamagitan ng kamay ni Hagai, ang propeta at sinabi, 2“Magsalita ka sa gobernador ng Juda, kay Zerubabel na anak ni Sealtiel at sa punong pari na si Josue na anak ni Josadac at sa mga natitirang tao. Sabihin mo, 3'Sino ang nananatili sa inyo na nakakita sa dating kaluwalhatian ng tahanang ito? At paano ninyo ito nakikita ngayon? Parang wala lang ba ito sa inyong paningin? 4Ngayon, magpakatatag ka, Zerubabel!' -ito ang pahayag ni Yahweh- at magpakatatag ka, punong paring Josue anak ni Josadac; at magpakatatag kayong lahat na mga tao sa lupain!'—ito ang pahayag ni Yahweh— 'at gumawa kayo sapagkat kasama ninyo ako! —ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo. 5'Sa pamamagitan ng mga pangakong nakapaloob sa kasunduang itinatag ko sa inyo nang lumabas kayo sa Egipto at ang aking Espiritu ay kasama ninyo, huwag kayong matakot!' 6Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Sa sandaling panahon yayanigin kong muli ang kalangitan at ang lupa, ang karagatan at ang tuyong lupain! 7At yayanigin ko ang bawat bansa, at ang bawat bansa ay magdadala ng kanilang mga mahahalagang bagay sa akin, at pupunuin ko ang tahanang ito ng kaluwalhatian!' sabi ni Yahweh ng mga hukbo. 8Akin ang pilak at ginto!'—ito ang pahayag ni Yahweh ng mga Hukbo. 9Magiging mas dakila ang kaluwalhatian ng tahanang ito sa hinaharap kaysa sa simula, sabi ni Yahweh ng mga hukbo, 'at ibibigay ko ang kapayapaan sa lugar na ito!'—ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo.”
Salmong Tugunan
1Hatulan mo ako, O Diyos, at ipagtanggol ang aking kapakanan laban sa makasalanang bansa; 2Dahil ikaw ang Diyos ng aking kalakasan; bakit mo ako itinapon palayo? Bakit ako nagluluksa dahil sa pang-aapi ng kaaway? 3O, ipadala mo ang iyong liwanag at katotohanan; hayaan mong pangunahan nila ako; hayaan mong dalhin ako sa banal mong burol at sa iyong tabernakulo. 4Pagkatapos, pupunta ako sa altar ng Diyos, sa Diyos na aking lubos na kaligayahan; at sa aking alpa pupurihin kita, O Diyos, aking Diyos.
Ebanghelyo
18Nangyari nga, na habang siya ay mag-isang nananalangin, kasama ang kaniyang mga alagad, at sila ay kaniyang tinanong na sinasabi, “Ano ang sinasabi ng maraming tao kung sino ako?” 19Sumagot sila at nagsabi, “Si Juan na Tagapagbautismo, ngunit ang iba ay nagsasabing ikaw ay si Elias, ang iba ay nagsasabing isa ka sa mga propeta mula noong unang panahon na nabuhay muli.” 20Sinabi niya sa kanila, “Ngunit sino ako para sa inyo?” Sumagot si Pedro at sinabi, “Ang Cristo na nagmula sa Diyos.” 21Ngunit nagbigay siya ng babala sa kanila, binilin sa kanila ni Jesus na huwag nila itong ipagsabi sa kahit kaninuman, 22sinasabi niya na ang Anak ng Tao ay kailangang dumanas ng maraming bagay at hindi tatanggapin ng mga nakatatanda, mga punong-pari at mga eskriba, at siya ay papatayin, at sa ikatlong araw ay bubuhayin muli.
Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo B, taon ng karaniwang araw I.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan