Bible Explorer Kunin ang app

Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Agosto 2027 › Agosto 23

Kalendaryong Orthodox · Agosto 10 (lumang kalendaryo)

Mga pagbasang Ortodokso — Agosto 23, 2027

Lunes · Ikasampung linggo pagkatapos ng Pentekostes · Tono 8

Mga kapistahan at mga santo

Pagkatapos ng Kapistahan ng Pagbabagong-anyo ng Panginoon

Pag-aayuno ng Pagkakatulog ng Theotokos

Mahigpit na pag-aayuno (tuyong pagkain: tinapay, gulay, prutas)

Ito ay ayon sa panuntunan ng monasteryo. Sa parokya, ang sukat ng pag-aayuno ay itinatakda kasama ng kumpesor, ayon sa kalusugan, edad at kalagayan.

Mga pagbasa sa araw na ito

Sulat

1 Cor 15:12–19

12Ngayon kung si Cristo ay naipahayag na nabuhay mula sa mga patay, paanong sinasabi ng ilan sa inyo na walang pagkabuhay muli sa mga patay? 13Ngunit kung walang pagkabuhay muli sa mga patay, maging si Cristo ay hindi muling nabuhay. 14At kung si Cristo ay hindi muling nabuhay, ang aming pangangaral ay walang kabuluhan at ang pananampalataya rin ninyo ay walang kabuluhan. 15At kami ay makikitang hindi tunay na saksi patungkol sa Diyos, sapagkat kami ay nagpatotoo ng laban sa Diyos, sinasabing nabuhay muli si Cristo, ngunit hindi naman. 16Sapagkat kung ang mga patay ay hindi bubuhayin, kahit si Cristo hindi na rin sana binuhay. 17At kung hindi nabuhay muli si Cristo, ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan at kayo ay nanatili pa rin sa inyong mga kasalanan. 18At kung magkaganun ang mga namatay kay Cristo ay napahamak rin. 19Kung sa buhay lang na ito tayo umaasa para sa pang-hinaharap kay Cristo, sa lahat ng mga tao, tayo na ang pinakakawawa.

Ebanghelyo

Mat 21:18–22

18Kinaumagahan nang pabalik na si Jesus sa lungsod, nagutom siya. 19Nakakita siya ng puno ng igos sa tabi ng daan. Pinuntahan niya ito, subalit wala siyang nakitang bunga kundi mga dahon lamang. At sinabihan niya ito, “Hindi ka na magbubunga mula ngayon at magpakailan man.” Kaagad-agad ang puno ng igos ay natuyo. 20At nang makita ito ng kaniyang mga alagad, namangha sila at sinabi, “Paanong ang puno ng igos ay kaagad-agad na natuyo?” 21Sumagot at sinabi ni Jesus sa kanila, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo, kung kayo ay may pananampalataya at hindi mag-alinlangan, hindi lang ninyo magagawa kung ano ang nangyari sa puno ng igos, maaari ninyo ring sabihin sa burol na ito, 'Maiangat ka at maihagis sa dagat,' at ito ay magaganap. 22Lahat ng hihilingin ninyo sa panalangin na may paniniwala, matatanggap ninyo.”

Mga santo ng araw

Mga santo ng Agosto 23

Ang mga petsa ay ayon sa kalendaryong Juliano ng Simbahang Ruso (gaya ng mga Simbahang Serbiyo at Heorhiyano at ng Bundok Athos): ang Agosto 10 sa kalendaryo ng simbahan ay Agosto 23 sa sibil na kalendaryo. Ipinagdiriwang ng mga Simbahan sa bagong kalendaryo (Gresya, Romania, Bulgaria, Ukraine…) ang mga di-nagagalaw na kapistahan at ang mga santo sa mismong petsang sibil, 13 araw na mas maaga, at iba ang ilan sa kanilang mga pagbasa; pareho ang Pasko ng Pagkabuhay at ang mga araw na nakasalalay rito.

Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan