Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Agosto 2027 › Agosto 16
Kalendaryong Katoliko
Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Agosto 16, 2027
Lunes · Ika-20 linggo sa Karaniwang Panahon
Mga kapistahan at mga santo
Lunes ng ika-20 linggo sa Karaniwang Panahon
Malayang Paggunita · Kulay ng liturhiya: berde
San Esteban ng Hungria · Malayang Paggunita
Mga pagbasa sa araw na ito
Unang Pagbasa
11Ginawa ng bayan ng Israel ang masama sa paningin ni Yahweh at sila'y naglingkod sa mga Baal. 12Humiwalay sila kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ama, na naglabas sa kanila sa lupain ng Ehipto. Sumunod sila sa ibang diyus-diyosan, sa mga diyus-diyosan ng mga taong nasa palibot nila, at nagpatirapa sila sa kanila. Kanilang ginalit si Yahweh dahil 13humiwalay sila kay Yahweh at sumamba kay Baal at sa mga Ashtoret. 14Nag-alab ang galit ni Yahweh sa Israel, at ibinigay sila sa mga sumalakay na nagnakaw ng kanilang mga ari-arian mula sa kanila. Sila ay kaniyang ipinagbili bilang mga aliping hawak ng lakas ng kanilang mga kaaway na nakapalibot pa sa kanila, para hindi na nila maipatanggol ang kanilang mga sarili laban sa kanilang mga kaaway. 15Saanman magtungo ang Israel para lumaban, ang kamay ni Yahweh ay laban sa kanila para matalo sila, gaya ng kaniyang isinumpa sa kanila. At sila'y nasa matinding kapighatian. 16Si Yahweh ay nagtaas ng mga hukom, na nagligtas sa kanila mula sa kapangyarihan ng mga nagnanakaw ng kanilang mga ari-arian. 17Gayunma'y hindi sila nakinig sa kanilang mga hukom. Sila ay hindi tapat kay Yahweh at ibinigay ang kanilang mga sarili tulad ng mga bayarang babae sa ibang mga diyus-diyosan at sumamba sa kanila. Sa madaling panahon ay lumihis sila mula sa paraan ng pamumuhay ng kanilang mga ama—iyong mga sumunod sa mga utos ni Yahweh—pero sila mismo ay hindi ito ginawa. 18Nang magtaas si Yahweh ng mga hukom para sa kanila, tinulungan ni Yahweh ang mga hukom at iniligtas sila mula sa kapangyarihan ng kanilang mga kaaway sa buong buhay ng hukom. Dahil nahabag si Yahweh sa kanila nang dumaing sila dahil sa mga umapi at nagpahirap sa kanila. 19Pero kapag namatay ang hukom, tatalikod sila at gagawa ng mga bagay na higit na masahol kaysa sa ginawa ng kanilang mga ama. Susunod sila sa ibang mga diyus-diyosan para paglingkuran at sambahin sila. Tumanggi silang isuko ang anumang masasamang gawi nila o ang kanilang mga suwail na paraan.
Salmong Tugunan
34Hindi nila nilipol ang mga bansa gaya ng iniutos ni Yahweh sa kanila, 35pero nakisalamuha sila sa mga bansa at ginaya ang kanilang mga pamamaraan 36at sinamba ang kanilang mga diyus-diyosan, na naging patibong sa kanila. 37Inalay nila ang kanilang mga anak na lalaki at babae sa mga demonyo. 39Nadungisan sila dahil sa kanilang mga gawa; sa kanilang mga kilos, katulad sila ng mga babaeng bayaran. 40Kaya nagalit si Yahweh sa kaniyang bayan, at hinamak niya ang kaniyang sariling bayan. 43Maraming beses, pumunta siya para tulungan sila, pero nanatili silang naghihimagsik at ibinaba sila dahil sa sarili nilang kasalanan. 44Gayumpaman, binigyan niya ng pansin ang kanilang kahirapan nang narinig niya ang kanilang daing para sa tulong.
Ebanghelyo
16Masdan ito, isang lalaki ang lumapit kay Jesus at sinabi, “Guro, ano ang mabuting bagay na kinakailangan kong gawin upang ako ay magkaroon ng buhay na walang hanggan?” 17Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Bakit mo ako tinatanong tungkol sa kung ano ang mabuti? Isa lang ang mabuti, ngunit kung nais mong pumasok sa buhay, tuparin mo ang mga kautusan.” 18At sinabi ng lalaki sa kaniya, “Alin sa mga kautusan? Sinabi ni Jesus, “Huwag kang pumatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnakaw, huwag kang magsinungaling sa iyong pagsaksi, 19igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, at ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamamhal mo sa iyong sarili. 20At sinabi ng binatang lalaki sa kaniya, ang lahat nang ito ay sinunod ko. Ano pa ba ang kailangan ko? 21Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kung nais mong maging ganap, humayo ka at ipagbili mo ang iyong ari-arian at ibigay sa mahihirap, at magkakaroon ka ng yaman sa langit. At halika, sumunod ka sa akin.” 22Subalit ng marinig ng binatang lalaki ang sinabi ni Jesus, umalis siya na malungkot, sapagkat siya ay may napakaraming mga ari-arian.
Mga santo ng araw
- San Esteban ng Hungria
Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo B, taon ng karaniwang araw I.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan