Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Hulyo 2027 › Hulyo 29
Kalendaryong Katoliko
Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Hulyo 29, 2027
Huwebes · Ika-17 linggo sa Karaniwang Panahon
Mga kapistahan at mga santo
Huwebes ng ika-17 linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita · Kulay ng liturhiya: puti
Santa Marta, Santa Maria at San Lazaro · Paggunita
Mga pagbasa sa araw na ito
Unang Pagbasa
16Ito ang ginawa ni Moises; sumunod siya sa lahat ng iniutos ni Yahweh. Ginawa niya ang lahat ng mga ito. 17Kaya ang tabernakulo ay naitayo noong unang araw ng unang buwan ng ikalawang taon. 18Itinayo ni Moises ang tabernakulo, inilagay ang mga tuntungan nito sa kanilang mga lugar, inilagay ang mga tabla, ikinabit ang mga tubo, at itinayo ang mga haligi at poste. 19Inilatag niya ang pantakip sa ibabaw ng tabernakulo at naglagay ng tolda sa ibabaw nito, ayon sa inutos ni Yahweh. 20Kinuha niya ang mga tipan ng kautusan at inilagay ito sa loob ng kaban. Inilagay niya din ang mga baras sa kaban at inilagay ang takip ng luklukan ng awa doon. 21Dinala niya ang kaban sa loob ng tabernakulo. Iniayos niya ang kurtina para ito ay magtabing sa kaban ng mga tipan ng kautusan, ayon sa inutos ni Yahweh sa kaniya. 34Pagkatapos binalot ng ulap ang tolda ng pagpupulong, at napuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang tabernakulo. 35Hindi makapasok si Moises sa tolda ng pagpupulong dahil ang ulap ay palaging naroon, at dahil pinuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang tabernakulo. 36Kahit na ang ulap ay umalis sa ibabaw ng tabernakulo, ang bayan ng Israel ay magpapatuloy sa kanilang paglalakbay. 37Pero kung hindi tumaas ang ulap mula sa tabernakulo, pagkatapos ang bayan ay hindi makakapaglakbay. Sila ay mananatili hanggang sa ito ay tumaas. 38Dahil ang ulap ni Yahweh ay nasa taas ng tabernakulo kapag umaga, at ang kaniyang apoy ay nasa itaas nito kapag gabi, sa patag na tanawin ng lahat ng bayan ng Israel sa buo nilang paglalakbay.
Salmong Tugunan
2Nananabik ako sa mga patyo ni Yahweh, pinagod ako ng aking pagnanais para dito. Ang aking puso at ang buo kong pagkatao ay tumatawag sa buhay na Diyos. 3Kahit ang maya ay nakahanap ng isang tirahan para sa kaniya na maging ang pugad ng inakay ng layang-layang ay malapit sa inyong mga altar, Yahweh ng mga hukbo, aking Hari, at aking Diyos. 4Pinagpala mo sila na nakatira sa inyong tahanan; patuloy ka nilang pinupuri. Selah 5Pinagpala ang tao na ang lakas ay nasa iyo, na ang puso ay mga daanan papunta sa Sion. 7Sila ay naglalakbay mula sa kalakasan patungo sa kalakasan; ang bawat isa sa kanila ay humaharap sa Diyos sa Sion. 10Dahil ang isang araw sa iyong patyo ay mas mabuti kaysa isang libo sa ibang dako. Mas nanaisin kong maging bantay sa pinto ng tahanan ng aking Diyos, kaysa mabuhay sa tolda ng mga masasama.
Ebanghelyo
o: Luc 10:38–42
19Maraming mga Judio ang pumunta kina Marta at Maria, upang aliwin sila tungkol sa kanilang kapatid na si Lazaro. 20At nang marinig ni Marta na paparating si Jesus, pumunta siya at sinalubong siya, ngunit si Maria ay nanatiling nakaupo pa rin sa kanilang bahay. 21Sinabi ni Marta kay Jesus, “Panginoon, kung nandito ka lang sana, hindi mamamatay ang kapatid ko. 22Kahit ngayon, alam ko na kahit ano ang iyong hingiin sa Diyos ay ibibigay niya sa iyo.” 23Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ang kapatid mo ay babangong muli.” 24Sinabi ni Marta sa kaniya, “Alam ko na muli siyang babangon sa muling pagkabuhay sa huling araw.” 25Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay; ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya ay mamamatay, gayon ma'y mabubuhay siya; 26at sinuman ang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi na mamatay. Naniniwala ka ba dito?” 27Sinabi niya sa kaniya, “Oo Panginoon, naniniwala ako na ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos na siyang paparito sa mundo.”
Mga santo ng araw
- Santa Marta, Santa Maria at San Lazaro
Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo B, taon ng karaniwang araw I.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan