Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Mayo 2027 › Mayo 22
Kalendaryong Katoliko
Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Mayo 22, 2027
Sabado · Ikapitong linggo sa Karaniwang Panahon
Mga kapistahan at mga santo
Sabado ng ikapitong linggo sa Karaniwang Panahon
Malayang Paggunita · Kulay ng liturhiya: berde
Santa Rita ng Cascia · Malayang Paggunita
Mga pagbasa sa araw na ito
Unang Pagbasa
Wala sa saling ito
Salmong Tugunan
13Kung paanong may pagkahabag ang isang ama sa kanyang mga anak, gayundin pagkahabag ni Yahweh sa mga nagbibigay ng parangal sa kanya. 14Dahil alam niya kung paano tayo binuo; alam niya na tayo ay alabok. 15Pero ang tao, parang damo ang kanyang mga araw; lumalago siya tulad ng isang bulaklak sa isang bukid. 16Hinihipan ito ng hangin, at ito ay naglalaho, at wala man lamang makapagsabi kung saan ito minsang tumubo. 17Pero ang katapatan sa tipan ni Yahweh ay magpasawalang-hanggan sa mga nagbibigay parangal sa kanya. Ang kanyang katuwiran ay umaabot sa kanilang mga kaapu-apuhan. 18Iniingatan nila ang kanyang tipan at tinatandaang sumunod sa kanyang mga tagubilin.
Ebanghelyo
13At dinala nila ang kanilang mga anak sa kaniya upang sila ay maaari niyang hawakan, ngunit sinaway sila ng mga alagad. 14Ngunit nang mabatid ito ni Jesus, labis na sumama ang kaniyang loob at sinabi sa kanila, “Pahintulutan ninyong pumunta sa akin ang mga maliliit na bata at huwag ninyo silang pagbawalan, dahil nabibilang ang mga katulad nila sa kaharian ng Diyos. 15Totoo, sinasabi ko ito sa inyo, sinumang hindi tatanggap sa kaharian ng Diyos na tulad ng isang maliit na bata ay tiyak na hindi makakapasok dito.” 16Pagkatapos, kinalong niya ang mga bata at binasbasan niya sila sa pagpatong ng kaniyang kamay sa kanila.
Mga santo ng araw
- Santa Rita ng Cascia
Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo B, taon ng karaniwang araw I.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan