Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Mayo 2027 › Mayo 21
Kalendaryong Katoliko
Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Mayo 21, 2027
Biyernes · Ikapitong linggo sa Karaniwang Panahon
Mga kapistahan at mga santo
Biyernes ng ikapitong linggo sa Karaniwang Panahon
Malayang Paggunita · Kulay ng liturhiya: berde
San Cristobal Magallanes, pari, at mga kasama, mga martir · Malayang Paggunita
Pag-aayuno at pagpepenitensiya
Araw ng pagpepenitensiya
Bawat Biyernes ay araw ng pagpepenitensiya; ang bawat kumperensiya ng mga obispo ang nagtatakda kung paano ito ginagawa: pag-iwas sa karne o ibang gawa ng penitensiya. Ang pag-aayuno ay para sa edad 18 hanggang 59, ang pag-iwas sa karne mula 14.
Mga pagbasa sa araw na ito
Unang Pagbasa
Wala sa saling ito
Salmong Tugunan
Awit 119:12, 16, 18, 27, 34–35
12Purihin ka, O Yahweh; ituro mo sa akin ang iyong mga alituntunin. 16Nasisiyahan ako sa iyong mga alituntunin; salita mo ay hindi ko kalilimutan. 18Buksan mo ang aking mga mata para makita ko sa batas mo ang mga kahanga-hangang bagay. 27Ipaunawa mo sa akin ang mga kaparaanan ng mga tagubilin mo, para mapag-isipan ko nang mabuti ang mga kamangha-manghang katuruan mo. 34Bigyan mo ako ng pang-unawa at iingatan ko ang iyong utos; buong puso ko itong susundin. 35Gabayan mo ako sa landas ng mga kautusan mo dahil nasisiyahan akong lumakad dito.
Ebanghelyo
1Iniwan ni Jesus ang lugar na iyon at pumunta sa rehiyon ng Judea at sa lugar lampas sa Ilog ng Jordan at muling pumunta ang mga tao sa kaniya. Tinuruan niyang muli ang mga ito, gaya ng kaniyang nakagawian. 2At pumunta sa kaniya ang mga Pariseo upang subukin siya at nagtanong, “Naaayon ba sa batas ang hiwalayan ng asawang lalaki ang kaniyang asawa?” 3Sumagot siya, “Ano ba ang iniutos sa inyo ni Moises?” 4Sinabi nila, “Pinahintulutan ni Moises ang lalaki na sumulat ng katibayan ng paghihiwalay at pagkatapos ay paaalisin siya.” 5Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ito ay dahil sa matitigas ninyong mga puso, kaya isinulat niya ang batas na ito. 6Ngunit sa simula pa lamang ng paglikha, 'Ginawa sila ng Diyos na lalaki at babae.' 7'Sa kadahilanang ito, iiwanan ng lalaki ang kaniyang ama at ina upang makipisan sa kaniyang asawa, 8at ang dalawa ay magiging isang laman.' Kaya hindi na sila dalawa, kundi iisang laman. 9Kaya ang pinagbuklod ng Diyos, huwag paghiwalayin ng tao.” 10Nang nasa bahay na sila, muli siyang tinanong ng kaniyang mga alagad tungkol dito. 11Sinabi niya sa kanila, “Sinumang makipaghiwalay sa kaniyang asawang babae at mag-asawa ng ibang babae ay nangangalunya laban sa kaniya. 12At kung makikipaghiwalay ang babae sa kaniyang asawa at mag-asawa ng ibang lalaki, siya ay nangangalunya.”
Mga santo ng araw
- San Cristobal Magallanes, pari, at mga kasama, mga martir
Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo B, taon ng karaniwang araw I.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan