Bible Explorer Kunin ang app

Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Disyembre 2026 › Disyembre 31

Kalendaryong Katoliko

Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Disyembre 31, 2026

Huwebes · Panahon ng Pasko

Mga kapistahan at mga santo

Disyembre 31: Ikapitong araw sa Oktaba ng Pasko

Malayang Paggunita · Kulay ng liturhiya: puti

San Silvestre I, papa · Pag-alaala

Mga pagbasa sa araw na ito

Unang Pagbasa

1 Juan 2:18–21

18Mga bata, ito na ang huling oras. Gaya nang narinig ninyo na ang antikristo ay darating, kahit ngayon ay may marami nang mga antikristong dumating, sa pamamagitan nito nalalaman nating ito na ang huling oras. 19Sila ay lumabas mula sa atin, pero hindi sila sa atin. Pagkat kung sila ay naging sa atin, sana ay nagpatuloy silang kasama natin. Pero nang sila ay lumabas, iyon ang nagpakitang sila ay hindi sa atin. 20Pero kayo ay may basbas mula sa Kabanal-banalan, at alam ninyong lahat ang katotohanan. 21Hindi ako sumulat sa inyo dahil sa hindi ninyo alam ang katotohanan, pero dahil sa alam ninyo ito at dahil walang kasinungalingan ang nasa katotohanan.

Salmong Tugunan

Awit 96:1–2, 11–13

1O, umawit kay Yahweh ng isang bagong awitin; umawit kay Yahweh, buong daigdig. 2Umawit kay Yahweh, purihin ang kanyang pangalan; ipahayag ang kanyang kaligtasan araw-araw. 11Hayaang ang kalangitan ay magalak, at ang daigdig ay magdiwang; hayaang ang dagat ay rumagasa at ang mga laman nito ay sumigaw nang may kagalakan. 12Hayaang magalak ang mga bukirin at lahat ng nasa kanila. Pagkatapos hayaang ang mga puno sa kagubatan sumigaw sa kagalakan 13sa harapan ni Yahweh, dahil siya ay darating. Siya ay darating para hatulan ang daigdig batay sa katuwiran at ang mga tao batay sa kanyang katapatan.

Ebanghelyo

Juan 1:1–18

1Sa simula pa lamang ay ang Salita, at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. 2Itong Salitang ito ay nasa simula pa kasama ng Diyos. 3Ang lahat nang mga bagay ay nalikha sa pamamagitan niya, at kung wala siya, ay wala kahit isang bagay ang nilikha na nalikha. 4Sa kaniya ay buhay, at ang buhay na iyon ay liwanag sa lahat ng sangkatauhan. 5Ang liwanag ay sumisinag sa kadiliman, at ito ay hindi napawi nang kadiliman. 6May isang lalaki na isinugo mula sa Diyos, na ang pangalan ay Juan. 7Dumating siya bilang isang saksi upang magpatotoo tungkol sa liwanag, upang ang lahat ay maaaring maniwala sa pamamagitan niya. 8Hindi si Juan ang liwanag, ngunit naparito upang makapagpatotoo siya tungkol sa liwanag. 9Iyon ang tunay na liwanag na dumarating sa mundo at iyon ang nagpapaliwanang sa lahat. 10Siya ay nasa mundo, at ang mundo ay nalikha sa pamamagitan niya, at ang mundo ay hindi nakakakilala sa kaniya. 11Dumating siya sa kaniyang sariling kababayan, at hindi siya tinanggap ng kaniyang sariling mga kababayan. 12Ngunit sa kasing-dami nang tumanggap sa kaniya, na naniwala sa kaniyang pangalan, sa kanila niya ipinagkaloob ang karapatang maging mga anak ng Diyos, 13ipinanganak sila hindi sa pamamagitan nang dugo, ni hindi sa pamamagitan nang kagustuhan ng laman, ni hindi sa pamamagitan nang kagustuhan ng tao, kundi sa pamamagitan ng Diyos. 14Ngayon ang Salita ay naging laman at namuhay na kasama namin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatiang katulad ng nasa nag-iisang natatanging katauhan na naparito mula sa Ama, punong-puno ng biyaya at katotohanan. 15Pinatotohanan ni Juan ang tungkol sa kaniya at sumigaw na nagsasabi, “Siyang sinabi ko sa inyo, 'Ang darating kasunod ko ay mas higit sa akin, sapagkat siya ay nauna sa akin.'” 16Sapagkat mula sa kaniyang kapuspusan tayong lahat ay nakatanggap ng sunod-sunod na libreng kaloob. 17Sapagkat ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises. Biyaya at katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. 18Kailanman, walang tao ang nakakita sa Diyos. Ang isa at nag-iisang katauhan, na mismo ay Diyos, na siyang nasa dibdib ng Ama, nagawa niya siyang maipakilala.

Mga santo ng araw

Mga santo ng Disyembre 31

Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo B, taon ng karaniwang araw I.

Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan