Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Disyembre 2026 › Disyembre 31
Kalendaryong Orthodox · Disyembre 18 (lumang kalendaryo)
Mga pagbasang Ortodokso — Disyembre 31, 2026
Huwebes · Ika-31 linggo pagkatapos ng Pentekostes · Tono 5
Mga kapistahan at mga santo
Mga Martir Sebastian at ang kaniyang mga kasama: Nicostrato (ang tagapag-ingat ng kabang-yaman), ang kaniyang asawang si Zoe, Castorio, Tranquilino na pari at ang kaniyang mga anak na sina Marcelino at Marcos, mga diyakono, Claudio na pinuno ng mga bilangguan, ang kaniyang anak na si Sinforiano, ang kaniyang kapatid na si Victorino, Tiburcio at Castulo (c. 287 o 304)
Pag-aayuno ng Pasko
Pag-aayuno: may langis
Ito ay ayon sa panuntunan ng monasteryo. Sa parokya, ang sukat ng pag-aayuno ay itinatakda kasama ng kumpesor, ayon sa kalusugan, edad at kalagayan.
Mga pagbasa sa araw na ito
Sulat
19Alam ninyo ito, mga minamahal kong kapatid. Bawat tao ay dapat mabilis sa pakikinig, dahan-dahan sa pananalita, at hindi agad nagagalit, 20sapagkat ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Diyos. 21Kaya alisin ninyo ang lahat ng gawaing makasalanan at ang kasamaan na nasa lahat ng dako, at sa kababaang-loob tanggapin ang itinanim na salita, na makakapagligtas sa inyong kaluluwa. 22Sundin ninyo ang salita, huwag lamang itong pakinggan, kung saan dinadaya ninyo lang ang inyong mga sarili. 23Sapagkat kung sinuman ang nakarinig ng salita at hindi ito ginagawa, para siyang isang taong humarap sa salamin at tiningnan ang kaniyang likas na mukha sa salamin. 24Tinignan ang kaniyang mukha, at umalis, at hindi nagtagal nakalimutan niya kung ano ang kaniyang itsura. 25Ngunit ang taong tumitingin ng maingat sa ganap na batas, ang batas na nagbibigay ng kalayaan, at patuloy na sinusunod ito, hindi lamang siya naging tagapakinig na nakakalimot, ang taong ito ay pagpapalain habang ginagawa niya ito. 26Kung sinuman ang nag-iisip sa kaniyang sarili na siya ay relihiyoso, ngunit hindi mapigilan ang kaniyang dila, niloloko niya ang kaniyang sarili at ang kaniyang relihiyon ay walang kabuluhan. 27Ito ay dalisay at walang karumihang relihiyon sa harap ng ating Diyos at Ama: para tulungan ang mga walang ama at balo sa kanilang kapighatian, at para pangalagaan ang sarili mula sa katiwaliaan ng mundo.
Ebanghelyo
10Kaya inilihim nila ang nangyari sa kanilang mga sarili, ngunit pinag-usapan nila kung ano ang ibig sabihin ng “bumangon mula sa patay.” 11Siya ay tinanong nila, “Bakit sinasabi ng mga eskriba na dapat maunang dumating si Elias?” 12Sinabi niya sa kanila, “Tunay na mauunang darating si Elias upang ibalik sa dati ang lahat ng bagay. Kung gayon bakit nasusulat na ang Anak ng Tao ay maghihirap ng maraming bagay at kasusuklaman? 13Ngunit sinasabi ko sa inyo na si Elias ay dumating na at ginawa nila ang lahat ng gusto nilang gawin sa kaniya, tulad ng sinasabi ng kasulatan tungkol sa kaniya.” 14At nang makabalik sila sa mga alagad, nakita nila ang napakaraming tao na nakapalibot sa kanila at nakikipagtalo ang mga eskriba sa kanila. 15At nang makita nila si Jesus, namangha ang lahat ng mga tao at kaagad nagsipagtakbuhan papunta sa kaniya upang siya ay batiin. 16Tinanong niya ang kaniyang mga alagad, “Ano ang inyong pinagtatalunan sa kanila?”
Mga santo ng araw
- Martir Victor (1936)
- Paring Martir Tadeo, Arsobispo ng Tver (1937)
- Mga Paring Martir Nicolas, Arsobispo ng Veliky Ustyug, Elias, Juan, Vladimir at Nicolas, mga pari (1937)
- Paring Martir Sergio, diyakono, at Martir Vera (1942)
- Banal na Hirarka Modesto, Arsobispo ng Jerusalem (633-634)
- Kagalang-galang na Floro, Obispo ng Amisos (ika-7 siglo)
- Kagalang-galang na Miguel, Kumpesor (c. 845)
- Kagalang-galang na Sebastian ng Sokhot, ng Poshekhonye (c. 1500)
- Pagpaparangal kay Matuwid na Simeon ng Verkhoturye (1694)
Ang mga petsa ay ayon sa kalendaryong Juliano ng Simbahang Ruso (gaya ng mga Simbahang Serbiyo at Heorhiyano at ng Bundok Athos): ang Disyembre 18 sa kalendaryo ng simbahan ay Disyembre 31 sa sibil na kalendaryo. Ipinagdiriwang ng mga Simbahan sa bagong kalendaryo (Gresya, Romania, Bulgaria, Ukraine…) ang mga di-nagagalaw na kapistahan at ang mga santo sa mismong petsang sibil, 13 araw na mas maaga, at iba ang ilan sa kanilang mga pagbasa; pareho ang Pasko ng Pagkabuhay at ang mga araw na nakasalalay rito.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan