Bible Explorer

Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Ang pagbagsak ng Jerusalem

Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Ang pagbagsak ng Jerusalem

Si Jehoyakim, hari ng Juda

2 Hari 23:36–37; 24:1–7 · 2 Cro 36:5–8

2 Mga Hari

2 Hari 23:36–37; 24:1–7

23:36Si Jehoiakim ay dalawamput limang taong gulang nang nagsimula siyang maghari, at naghari siya ng labing isang taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Zebida; siya ay ang anak ni Pedaias ng Ruma.

23:37Ginawa ni Jehoiakim kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, tulad ng lahat ng ginawa ng kaniyang mga ninuno.

24:1Sa panahon ng paghahari ni Jehoiakim, nilusob ni Nebucadnezar hari ng Babilonia ang Juda; naging lingkod niya si Jehoiakim sa loob ng tatlong taon. Pagkatapos nagtaksil si Jehoiakim at naghimagsik laban kay Nebucadnezar.

24:2Nagpadala si Yahweh laban kay Jehoiakim ng mga pangkat ng mga Caldean, Aramean, Moabita, at Ammonita; ipinadala niya sila laban sa Juda para wasakin ito. Ito ay naaayon sa salita ni Yahweh na sinabi sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na mga propeta.

24:3Tiyak na nangyari ito sa Juda sa utos ni Yahweh, para alisin sila mula sa kaniyang paningin, dahil sa mga kasalanan ni Manases, lahat ng kaniyang mga ginawa,

24:4at dahil din sa mga inosenteng dugo na kaniyang pinadanak, dahil pinuno niya ang Jerusalem ng inosenteng dugo. Hindi mapapatawad ni Yahweh ang mga iyon.

24:5Sa ibang mga bagay patungkol kay Johoiakim, at lahat ng kaniyang ginawa, hindi ba nasusulat ang mga iyon sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda?

24:6Humimlay si Johoiakim kasama ng kaniyang mga ninuno, at ang kaniyang anak na si Jehoiakin ang naging hari kapalit niya.

24:7Hindi na muling sumalakay ang hari ng Ehipto sa labas ng kaniyang lupain, dahil sinakop na ng hari ng Babilonia ang lahat ng mga lupain na hawak ng hari ng Ehipto, mula sa batis ng Ehipto hanggang sa Ilog Eufrates.

2 Mga Cronica

2 Cro 36:5–8

5Dalawampu't limang taong gulang si Jehoiakim nang magsimula siyang maghari, at labing-isang taon siyang naghari sa Jerusalem. Ginawa niya kung ano ang masamang sa paningin ni Yahweh na kaniyang Diyos.

6At nilusob siya ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia at iginapos siya ng kadena upang dalhin sa Babilonia.

7Dinala rin ni Nebucadnezar ang ilan sa mga bagay sa tahanan ni Yahweh sa Babilonia at inilagay ang mga iyon sa kaniyang palasyo sa Babilonia.

8Para naman sa mga ibang usapin tungkol kay Jehoiakim, ang mga kasuklam-suklam na bagay na ginawa niya at ang mga nalaman laban sa kaniya ay nasusulat sa Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel. Pagkatapos, ang kaniyang anak na si Jehoiakin ang pumalit sa kaniya bilang hari.

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY