Bible Explorer

Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Ang pagbagsak ng Jerusalem

Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Ang pagbagsak ng Jerusalem

Dinalang-bihag si Jehoyakin sa Babilonia

2 Hari 24:8–17 · 2 Cro 36:9–10

2 Mga Hari

2 Hari 24:8–17

8Si Johoiakin ay labing walong taong gulang nang nagsimula siyang maghari; naghari siya sa Jerusalem sa loob ng tatlong buwan. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Nehusta. Siya ay ang anak na babae ni Elnatan ng Jerusalem.

9Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh - ginawa niya lahat ng nagawa ng kaniyang ama.

10Nang panahong iyon sinalakay ng hukbo ni Nebucadnezar hari ng Babilonia ang Jerusalem at pinaligiran ang lungsod.

11Dumating sa lungsod si Nebucadnezar hari ng Babilonia habang pinaliligiran ito ng kaniyang mga kawal,

12at si Jehoiakin ang hari ng Juda ay lumabas patungo sa hari ng Babilonia, siya, ang kaniyang ina, mga lingkod, prinsipe, at opisyal. Binihag siya ng hari ng Babilonia sa ika-walong taon ng kaniyang paghahari.

13Kinuha mula roon ni Nebucadnezar ang lahat ng mga mahahalagang bagay sa tahanan ni Yahweh, at ang mga nasa palasyo ng hari. Pinira-piraso niya ang lahat ng mga gintong bagay na ginawa ni Solomon hari ng Israel sa templo ni Yahweh, gaya ng sinabi ni Yahweh na mangyayari.

14Dinala niyang bihag ang lahat ng Jerusalem, mga pinuno at mga mandirigma, sampung libong mga bihag, at lahat ng mga mahuhusay na manggagawa at mga panday. Walang naiwan kung hindi ang mga pinakamahihirap na mga tao sa lupain.

15Itinapon ni Nebucadnezar si Jehoiakin sa Babilonia, pati na ang ina ng hari, mga asawa, opisyal, at ang pangunahing mga lalaki ng lupain. Ipinatapon niya sila sa Babilonia mula sa Jerusalem.

16Lahat ng mga kawal, pitong libo ang bilang, at isang libong mahuhusay na mangagawa at mga panday, lahat sa kanila may kakayahang lumaban - itinapon ng hari ng Babilonia ang mga lalaking ito sa Babilonia.

17Ginawa ng hari ng Babilonia si Matanias, ang kapatid na lalaki ng ama ni Jehoiakin, na hari kapalit niya, at pinalitan sa Zedekias ang kaniyang pangalan.

2 Mga Cronica

2 Cro 36:9–10

9Walong taong gulang si Jehoiakin nang magsimula siyang maghari. Naghari siya ng tatlong buwan at sampung araw sa Jerusalem. Ginawa niya kung ano masama sa paningin ni Yahweh.

10Noong tagsibol, nagpadala si Haring Nebucadnezar ng mga kalalakihan at dinala siya sa Babilonia, kasama ng mga mahahalagang bagay mula sa tahanan ni Yahweh at ginawa niyang hari ng Juda at Jerusalem ang kaniyang kamag-anak na si Zedekias.

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY