Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Ang pagbagsak ng Jerusalem
Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Ang pagbagsak ng Jerusalem
Si Jehoahaz, hari ng Juda
2 Hari 23:31–35 · 2 Cro 36:1–4
2 Hari 23:31–3531Si Jehoahas ay dalawampu't tatlong taong gulang nang nagsimula siyang maghari, at siya ay naghari nang tatlong buwan sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Hamutal; siya ang anak na babae ni Jeremias ng Libna.
32Ginawa ni Jehoahas kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, tulad ng lahat ng ginawa ng kaniyang mga ninuno.
33Ikinadena siya ni Faraon Neco sa Ribla sa lupain ng Hamat, para hindi siya makapaghari sa Jerusalem. Pagkatapos minultahan ni Neco ang Juda ng isang daang talento ng pilak at isang talento ng ginto.
34Ginawang hari ni Faraon Neco si Eliakim anak ni Josias, bilang kapalit ng kaniyang amang si Josias, at pinalitan ang kaniyang pangalan sa Jehoiakim. Pero dinala niyang palayo si Jehoahas sa Ehipto, at namatay doon si Jehoahas.
35Ibinayad ni Johoiakim kay Faraon ang pilak at ginto. Binuwisan niya ang lupain para ibayad ang pera, para sundin ang utos ni Faraon. Pinilit niya ang bawat isang lalaki sa mga mamamayan ng lupain na magbayad ng pilak at ng ginto para ibigay ito kay Faraon Neco.
2 Cro 36:1–41Pagkatapos ay pinili ng mga tao ng lupain si Jehoahaz na anak ni Josias at ginawa siyang hari bilang kapalit ng kaniyang ama sa Jerusalem.
2Si Jehoahaz ay dalawampu't tatlong taong gulang nang magsimula siyang maghari, at naghari siya ng tatlong buwan sa Jerusalem.
3Tinanggal siya ng hari ng Ehipto sa Jerusalem at pinagmulta ang lupain ng isang daang talentong pilak at isang daang talentong ginto.
4Ginawa ng hari ng Ehipto si Eliakim, na kaniyang kapatid bilang hari ng Juda at Jerusalem at binago ang kaniyang pangalan sa Jehoiakim. Pagkatapos, dinala niya ang kapatid ni Eliakim na si Jehoahaz at dinala siya sa Ehipto.
May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.
Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY