Bible Explorer

Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Si Solomon

Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Si Solomon

Ang Dagat na tanso

1 Hari 7:23–26 · 2 Cro 4:2–5

1 Mga Hari

1 Hari 7:23–26

23Naghulma ng pabilog na dagat na bakal si Hiram, sampung kubit mula sa labi't labi. Ang taas nito ay limang kubit, at ang dagat ay tatlumpung kubit ang palibot na sukat.

24Sa ilalim ng labi ay nakapalibot sa dagat ay bunga ng halamang gumagapang, sampu sa bawat kubit, hinulma lahat kasabay ng hinulmang dagat.

25Ang dagat ay nakapatong sa labing dalawang hinulmang baka, tatlong nakaharap sa hilaga, tatlong nakaharap sa kanluran, tatlong nakaharap sa timog, at tatlong nakaharap sa silangan. Ang dagat ay nakapatong sa kanila, at ang lahat ng kanilang puwitan ay nakapwesto sa bandang loob.

26Ang dagat ay kasing kapal ng isang kamay, at ang labi nito ay hinulma tulad ng labi ng isang tasa, tulad ng isang bulaklak na liryo. Ang dagat ay naglalaman ng dalawang libong bat na tubig.

2 Mga Cronica

2 Cro 4:2–5

2Ginawa rin niya ang lagayan ng tubig na tinawag na bilog na dagat na gawa sa hinulmang metal, na may sampung siko ang luwang ng labi. Ang taas nito ay limang siko, at ang dagat ay tatlumpung siko ang sukat pabilog.

3Sa ilalim ng labi nito ay mga toro na pumapalibot sa dagat, sampu sa bawat siko na kasamang hinulma nang hulmahin ang dagat.

4Ang lagayan ng tubig na tinawag na dagat ay nakapatong sa labindalawang toro, ang tatlo ay nakaharap sa hilaga, ang tatlo ay nakaharap sa timog, ang tatlo ay nakaharap sa kanluran, at ang tatlo ay nakaharap sa silangan. Ang dagat ay nakapatong sa mga ito, at lahat ng kanilang mga puwitan ay nakapaloob.

5Ang dagat ay kasing kapal ng lapad ng isang kamay, at ang labi nito ay pinanday gaya ng labi ng kopa, gaya ng bulaklak na liryo. Ang dagat ay may lamang tatlong libong baldeng tubig.

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY