Bible Explorer

Tuklasin › Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi › Pagtuturo

Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi · Pagtuturo

Ang ilaw ng katawan

Mat 6:22–23 · Luc 11:34–36

Mateo

Mat 6:22–23

22Ang mata ay ang ilaw ng katawan. Kaya kung mabuti ang inyong mata, mapupuno ng liwanag ang buong katawan.

23Ngunit kung masama ang inyong mata, ang inyong buong katawan ay puno ng kadiliman. Kaya kung ang liwanag na nasa inyo ay pawang kadiliman, napakatindi ng kadilimang iyon!

Lucas

Luc 11:34–36

34Ang iyong mata ay ilawan ng iyong katawan. Kapag ang iyong mata ay malinaw, ang buong katawan ay napupuno ng liwanag. Ngunit kung ang iyong mata ay malabo, ang iyong buong katawan ay puno ng kadiliman.

35Samakatuwid kayo ay mag-ingat na ang liwanag na nasa inyo ay hindi kadiliman.

36Kung ganoon nga, na ang iyong buong katawan ay puno ng liwanag, na walang bahagi nito na nasa kadiliman, ang iyong buong katawan ay magiging tulad ng ilawan na kumikinang ang liwanag sa iyo.”

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY