Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Nobyembre 2027 › Nobyembre 20
Kalendaryong Katoliko
Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Nobyembre 20, 2027
Sabado · Ika-33 linggo sa Karaniwang Panahon
Mga kapistahan at mga santo
Sabado ng ika-33 linggo sa Karaniwang Panahon
Malayang Paggunita · Kulay ng liturhiya: berde
Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado · Malayang Paggunita
Mga pagbasa sa araw na ito
Unang Pagbasa
Wala sa saling ito
Salmong Tugunan
1Para sa punong manunugtog; nakatakda sa estilo ng Muth Laben. Isang awit ni David. Buong puso akong magpapasalamat kay Yahweh; ihahayag ko ang lahat ng kamangha-mangha mong mga gawain. 2Magagalak ako at magsasaya sa iyo; aawit ako ng papuri sa iyong pangalan, Kataas-taasan! 3Kapag bumalik ang mga kaaway ko, madadapa sila at mapupuksa sa harapan mo. 5Sinindak mo ang mga bansa sa pamamagitan ng iyong panlabang sigaw; winasak mo ang masama; binura mo ang kanilang alaala magpakailanman. 15Lumubog ang mga bansa sa hukay na ginawa nila; nahuli ang mga paa nila sa lambat na tinago nila. 18Dahil ang mga nangangailangan ay hindi kailanman makalilimutan, o itataboy ang mga pag-asa ng mga inaapi.
Ebanghelyo
27Nang magpunta sa kaniya ang ilan sa mga Saduceo, na nagsasabing walang muling pagkabuhay, 28tinanong nila siya, sinabi, “Guro, sumulat si Moises sa amin na kung ang kapatid na lalaki ng isang lalaki ay namatay, na may asawa, at walang anak, dapat kunin ng lalaki ang asawa ng kaniyang kapatid, at magkaroon ng anak para sa kaniyang kapatid. 29May pitong magkakapatid na lalaki at nag-asawa ang panganay, ngunit namatay nang walang anak, 30at ganoon din ang pangalawa. 31Napangasawa ng ikatlong kapatid ang babae, at ganoon din ang pito ay hindi nag-iwan ng mga anak, at namatay. 32Pagkatapos ang babae ay namatay din. 33Sa muling pagkabuhay, kaninong asawa ang babae? Sapagkat siya ay naging asawa ng pito? 34Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang mga anak na lalaki ng mundong ito ay mag-aasawa at ibinibigay upang makapangasawa. 35Ngunit ang mga nahatulan na karapat-dapat na tumanggap ng muling pagkabuhay mula sa mga patay at pumasok sa walang hanggang ay hindi mag-aasawa at hindi ibinibigay upang makapangasawa. 36At hindi na rin sila mamamatay, sapagkat kapantay nila ang mga anghel at sila ay mga anak ng Diyos, bilang mga anak ng muling pagkabuhay. 37Ngunit ang mga patay ay binuhay na muli, maging si Moises ay ipinakita niya, sa lugar ng mababang punong kahoy, na tinawag niya ang Panginoon na ang Diyos ni Abraham at Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob. 38Ngayon, hindi siya Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay, sapagkat ang lahat ay nabubuhay sa kaniya.” 39Sumagot ang ilan sa mga eskriba, “Guro, mahusay ang iyong sagot,” 40At hindi na sila nangahas pang magtanong sa kaniya ng anumang tanong.
Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo B, taon ng karaniwang araw I.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan