Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Nobyembre 2027 › Nobyembre 20
Kalendaryong Orthodox · Nobyembre 7 (lumang kalendaryo)
Mga pagbasang Ortodokso — Nobyembre 20, 2027
Sabado · Ika-22 linggo pagkatapos ng Pentekostes · Tono 4
Mga kapistahan at mga santo
Ang mga Martir sa Melitene: Hieron, Hesiquio, Nicandro, Atanasio, Mamas, Baraquio, Calinico, Teogenes, Nicon, Longino, Teodoro, Valerio, Xantio, Teodulo, Calimaco, Eugenio, Teodoco, Ostriquio, Epifanio, Maximiano, Ducicio, Claudiano, Teofilo, Gigancio, Doroteo, Teodoto, Castricio, Aniceto, Temelio, Eutiquio, Hilarion, Diodoto at Amonito (ika-3 siglo)
Pag-aayuno
Walang pag-aayuno
Ito ay ayon sa panuntunan ng monasteryo. Sa parokya, ang sukat ng pag-aayuno ay itinatakda kasama ng kumpesor, ayon sa kalusugan, edad at kalagayan.
Mga pagbasa sa araw na ito
Sulat
1Alam natin na kung nasira ang ating lupang tahanan na tinitirahan, mayroon tayong tahanan sa langit na ginawa ng Diyos. Ito ay tirahan na hindi ginawa ng kamay ng tao, kundi walang hanggang tahanan, sa langit. 2Sapagkat dumaraing tayo sa katawang lupa na ito, na naghahangad na madamitan ng ating makalangit na tahanan. 3Hinahangad natin ito sapagkat sa pamamagitan ng ating pagsuot dito hindi tayo madaratnang hubad. 4Sapagkat habang nakatira pa tayo sa toldang ito, tayo ay dumaraing dahil nabibigatan. Ayaw nating matanggalan ng damit. Sa halip, nais nating madamitan, upang ang katawang namamatay ay mapalitan ng buhay. 5Ang naghanda sa atin para sa ganitong pagbabago ay ang Diyos mismo, na nagbigay sa atin ng Espiritu bilang katibayan sa kung ano ang darating. 6Kaya maging laging malakas ang loob. Dapat nating malaman na habang tayo ay nasa katawang-lupa, malayo tayo sa Panginoon. 7Sapagkat lumalakad tayo sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi sa mga bagay na nakikita. 8Kaya mayroon tayong lakas ng loob. Mas pipiliin pa nating iwanan ang katawang ito at manirahan kasama ng Panginoon. 9Kaya gawin natin itong layunin, kung tayo man ay nasa ating katawang lupa dito sa mundo o sa langit man, upang malugod siya. 10Sapagkat tayo ay haharap sa hukuman ni Cristo, upang ang bawat isa ay makatanggap ng nararapat sa lahat ng bagay na kaniyang ginawa sa katawan, maging sa mabuti man o masama.
Ebanghelyo
1Tinawag niya ang Labindalawa at binigyan sila ng kapangyarihan at karapatan laban sa lahat ng mga demonyo at upang magpagaling ng mga sakit. 2Sila ay isinugo niya upang ipangaral ang kaharian ng Diyos at upang pagalingin ang mga may sakit. 3Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong magdadala ng anuman para sa inyong paglalakbay—maging tungkod, o pitaka, o tinapay o salapi—ni magdala ng dalawang panloob na tunika.” 4Saanmang bahay kayo pumasok, manatili kayo doon hanggang sa pag-alis ninyo sa lugar na iyon. 5Para naman sa mga hindi tatanggap sa inyo, kung kayo ay aalis sa lungsod na iyon, pagpagin ninyo ang alikabok sa inyong mga paa bilang patotoo laban sa kanila.” 6Pagkatapos sila ay umalis at pumunta sa mga nayon, ipinapahayag ang magandang balita at nagpapagaling ng mga tao sa lahat ng dako.
Mga santo ng araw
- Kagalang-galang na Lazaro ng Galesion (1053)
- Mga Paring Martir Cirilo, Metropolita ng Kazan, Miguel, Alejandro, Alejandro, Miguel, Alejandro, Nicolas, Alexis, Pablo, Basilio at Paulino, mga pari, Juan at Benjamin, mga diyakono, Martir Nicolas at Martir Elisabet (1937)
- Mga Paring Martir Sergio, Arsobispo ng Yelets, Nicolas na pari, at Martir Jorge (1937)
- Mga Martir Melasipo at Casinia at ang kanilang anak na si Antonino (363)
- Kagalang-galang na Zosimo ng Vorbozomo (c. 1550)
- Kagalang-galang na Cirilo ng Novoezersk (1532)
- Mga Martir Aucto, Taurion at Tesalonica
- Ikon ng Ina ng Diyos na “Paglukso sa Tuwa”, ng Ugresha (1795)
Ang mga petsa ay ayon sa kalendaryong Juliano ng Simbahang Ruso (gaya ng mga Simbahang Serbiyo at Heorhiyano at ng Bundok Athos): ang Nobyembre 7 sa kalendaryo ng simbahan ay Nobyembre 20 sa sibil na kalendaryo. Ipinagdiriwang ng mga Simbahan sa bagong kalendaryo (Gresya, Romania, Bulgaria, Ukraine…) ang mga di-nagagalaw na kapistahan at ang mga santo sa mismong petsang sibil, 13 araw na mas maaga, at iba ang ilan sa kanilang mga pagbasa; pareho ang Pasko ng Pagkabuhay at ang mga araw na nakasalalay rito.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan