Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Nobyembre 2027 › Nobyembre 19
Kalendaryong Orthodox · Nobyembre 6 (lumang kalendaryo)
Mga pagbasang Ortodokso — Nobyembre 19, 2027
Biyernes · Ika-22 linggo pagkatapos ng Pentekostes · Tono 4
Mga kapistahan at mga santo
Banal na Hirarka Pablo, Kumpesor, Patriyarka ng Constantinopla (350)
Araw ng pag-aayuno
Pag-aayuno: may langis
Ito ay ayon sa panuntunan ng monasteryo. Sa parokya, ang sukat ng pag-aayuno ay itinatakda kasama ng kumpesor, ayon sa kalusugan, edad at kalagayan.
Mga pagbasa sa araw na ito
Sulat
10Binabati kayo ni Aristarco na aking kapwa bilanggo, pati na rin si Marcos, ang pinsan ni Barnabas tungkol sa kung saan natanggap ninyo ang mga kautusan, “Kung pupunta siya sa inyo tanggapin ninyo siya,” 11at si Jesus na tinatawag din nilang Justu. Sila lamang sa pagtutuli ang kapwa ko manggagawa para sa kaharian ng Diyos. Sila ang nakapagbigay ng kaginhawaan sa akin. 12Binabati kayo ni Epafras. Isa siya sa inyo at isang alipin ni Cristo Jesus. Lagi siyang nagsisikap na manalangin para sa inyo, upang tumayo kayong ganap at punong-puno ng katiyakan sa lahat ng kalooban ng Diyos. 13Sapagkat naging saksi ako sa kaniya, nagpakahirap siyang gumagawa para sa inyo, para sa mga nasa Laodicea at Hierapolis. 14Bumabati sa inyo si Demas at si Lucas na minamahal na manggagamot. 15Batiin mo ang mga kapatid sa Laodicea, si Nimfas at sa iglesiya na nasa kaniyang bahay. 16Kapag nabasa na ang sulat na ito sa inyo, basahin din ninyo ito sa iglesia ng mga taga-Laodicea at siguraduhin din ninyong nabasa ang liham mula sa Laodicea. 17Sabihin ninyo kay Archipus, “Tingnan mo ang gawain na iyong natanggap sa Panginoon, na dapat mong tapusin ito.” 18Ang pagbating ito ay sa pamamagitan ng aking sariling kamay—Pablo. Alalahanin ninyo ang aking mga kadena. Sumainyo nawa ang biyaya.
Ebanghelyo
2Ngunit walang nakatago ang hindi maisisiwalat, at walang lihim ang hindi malalaman. 3Kaya kung anuman ang inyong nasabi sa kadiliman ay maririnig sa liwanag, at anuman ang inyong ibinulong sa pinakaloob ng mga silid ay maihahayag sa ibabaw ng mga bubong. 4Sinasabi ko sa inyo aking mga kaibigan, huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan, at pagkatapos iyon, ay wala na silang magagawa. 5Ngunit babalaan ko kayo tungkol sa dapat ninyong katakutan. Katakutan ang taong pagkatapos pumatay ay may kapangyarihang itapon kayo sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo, katakutan siya. 6Hindi ba ang limang mga maya ay ipinagbibili sa dalawang maliit na barya? Ganun pa man, wala ni isa sa kanila ang nalilimutan sa paningin ng Diyos. 7Ngunit kahit ang mga buhok ninyo sa ulo ay bilang na lahat. Huwag matakot. Higit kayong mas mahalaga kaysa sa maraming maya. 8Sinasabi ko sa inyo, ang bawat taong kumikilala sa akin sa harap ng mga tao, kikilalanin din siya ng Anak ng Tao sa harap ng mga anghel ng Diyos, 9ngunit ang magkaila sa akin sa harap ng mga tao ay ikakaila sa harap ng mga anghel ng Diyos. 10Ang bawat taong magsasabi ng salita laban sa Anak ng Tao, ito ay patatawarin, ngunit ang lumapastangan sa Banal na Espiritu, ay hindi patatawarin. 11Kung kayo ay dinala nila sa harap ng mga sinagoga, ng mga pinuno, at mga may kapangyarihan, huwag kayong matakot kung paano kayo magsasalita upang ipagtanggol ang inyong sarili, o kung ano ang inyong sasabihin, 12dahil ang Banal na Espiritu ang magtuturo sa inyo sa oras na iyon kung ano ang dapat ninyong sabihin.
Mga santo ng araw
- Kagalang-galang na Barlaam ng Khutyn (1192)
- Mga Paring Martir Nicetas, Obispo ng Orekhovo-Zuyevo, Anatolio, Arsenio, Nicolas, Nicolas at Constantino, mga pari, mga Kagalang-galang na Martir Barlaam, Gabriel at Gabriel, at mga Kagalang-galang na Martir Nina at Serafina (1937)
- Kagalang-galang na Lucas ng Tauromenio (800-820)
- Paring Martir Basilio, pari (1938)
- Mga Martir Tecusa, Alejandra, Polactia, Claudia, Eufrosina, Atanasia at Matrona (ika-3 siglo)
- Paggunita sa pagkatagpo sa Mahal na Krus at sa mga pako ng Banal na Reyna Elena, Kapantay ng mga Apostol, sa Jerusalem (326)
- Kagalang-galang na Lucas, ekonomo ng mga Kuweba ng Kyiv (ika-13 siglo)
- Banal na Hirarka German, Arsobispo ng Kazan (1567)
- Kagalang-galang na Barlaam ng Keret (ika-16 siglo)
Ang mga petsa ay ayon sa kalendaryong Juliano ng Simbahang Ruso (gaya ng mga Simbahang Serbiyo at Heorhiyano at ng Bundok Athos): ang Nobyembre 6 sa kalendaryo ng simbahan ay Nobyembre 19 sa sibil na kalendaryo. Ipinagdiriwang ng mga Simbahan sa bagong kalendaryo (Gresya, Romania, Bulgaria, Ukraine…) ang mga di-nagagalaw na kapistahan at ang mga santo sa mismong petsang sibil, 13 araw na mas maaga, at iba ang ilan sa kanilang mga pagbasa; pareho ang Pasko ng Pagkabuhay at ang mga araw na nakasalalay rito.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan