Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Nobyembre 2027 › Nobyembre 10
Kalendaryong Katoliko
Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Nobyembre 10, 2027
Miyerkules · Ika-32 linggo sa Karaniwang Panahon
Mga kapistahan at mga santo
Miyerkules ng ika-32 linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita · Kulay ng liturhiya: puti
San Leon Magno, papa at pantas ng Simbahan · Paggunita
Mga pagbasa sa araw na ito
Unang Pagbasa
Wala sa saling ito
Salmong Tugunan
3Ipagtanggol mo ang mahihirap at mga ulila sa ama; panatilihin mo ang mga karapatan ng pinapahirapan at dukha. 4Sagipin mo ang mahihirap at nangangailangan; alisin mo sila sa kamay ng masasama. 6Sinabi ko, “Kayo ay mga diyos, at lahat kayong mga anak ng Kataas-taasan. 7Gayumpaman mamamatay kayo tulad ng mga tao at babagsak tulad ng isa sa mga prinsipe.”
Ebanghelyo
11Nangyari na habang sila ay nasa daan patungong Jerusalem, siya ay naglalakbay sa lupaing pagitan ng Samaria at Galilea. 12At sa kaniyang pagpasok sa isang nayon, doon ay sinalubong siya ng sampung lalaking ketongin. Tumayo sila nang malayo sa kaniya 13at nilakasan nila ang kanilang tinig, sinasabi, “Jesus, Amo, maawa ka sa amin.” 14Nang makita niya sila, sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo at ipakita ninyo ang inyong mga sarili sa mga pari.” At nangyari nga na habang sila ay papunta, sila ay nalinisan. 15Nang makita ng isa sa kanila na gumaling siya, bumalik siya nang may malakas na tinig na niluluwalhati ang Diyos. 16Yumuko siya sa paanan ni Jesus, nagpapasalamat sa kaniya. Isa siyang Samaritano. 17Sumagot si Jesus, sinabi, “Hindi ba sampu ang nilinis? 18Nasaan ang siyam? Wala bang ibang bumalik upang luwalhatiin ang Diyos, maliban sa dayuhang ito?” 19Sinabi niya sa kaniya, “Tumayo ka, at humayo. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.”
Mga santo ng araw
- San Leon Magno, papa at pantas ng Simbahan
Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo B, taon ng karaniwang araw I.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan