Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Oktubre 2027 › Oktubre 17
Kalendaryong Orthodox · Oktubre 4 (lumang kalendaryo)
Mga pagbasang Ortodokso — Oktubre 17, 2027
Linggo · Tono 8
Mga kapistahan at mga santo
Ika-17 Linggo pagkatapos ng Pentekostes
Pag-aayuno
Walang pag-aayuno
Ito ay ayon sa panuntunan ng monasteryo. Sa parokya, ang sukat ng pag-aayuno ay itinatakda kasama ng kumpesor, ayon sa kalusugan, edad at kalagayan.
Mga pagbasa sa araw na ito
Ikaanim na Ebanghelyo ng Panalangin sa Umaga
36Habang pinag-uusapan nila ang mga bagay na ito, tumayo si Jesus mismo sa kalagitnaan nila, at sinabi niya sa kanila, “Kapayapaan ay sumainyo.” 37Ngunit sila ay nasindak at napuno ng takot, at inakala nila na espiritu ang kanilang nakita. 38Sinabi ni Jesus sa kanila, “Bakit kayo naguguluhan? Bakit may mga katanungan sa inyong puso? 39Tingnan ninyo ang aking mga kamay at paa, na ako talaga ito. Hawakan ninyo ako at tingnan ninyo. Sapagkat ang espiritu ay walang buto at laman, gaya ng inyong nakikita na nasa akin.” 40Pagkatapos niyang sabihin ito, pinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at paa. 41Habang sila ay hindi pa rin makapaniwala dahil sa galak, at namangha, sinabi ni Jesus sa kanila, “Mayroon ba kayong anumang makakain?” 42Siya ay binigyan nila ng inihaw na isda. 43Kinuha ito ni Jesus at kinain niya ito sa harapan nila. 44Sinabi niya sa kanila, “Nang kasama ko kayo, sinabi ko sa inyo na lahat ng nakasulat sa kautusan ni Moises at ng mga propeta at sa Aklat ng Mga Awit ay kailangan matupad.” 45At binuksan niya ang kanilang mga isipan upang maunawaan nila ang Kasulatan. 46Sinabi niya sa kanila, “Nasusulat, na kailangang maghirap ang Cristo, at muling mabuhay mula sa patay sa ikatlong araw. 47At ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan ay dapat maipangaral sa kaniyang pangalan sa lahat ng mga bansa, mula sa Jerusalem. 48Kayo ay mga saksi ng lahat ng ito. 49Tingnan ninyo, ipadadala ko sa inyo ang ipinangako ng aking Ama. Ngunit mag-hintay kayo sa lungsod, hanggang kayo ay mapagkalooban ng kapangyarihang mula sa taas.” 50At inilabas sila ni Jesus hanggang malapit na sila sa Bethania. Itinaas niya ang kaniyang mga kamay, at binasbasan sila. 51Nangyari na, habang sila ay binabasbasan niya, sila ay iniwan niya at siya ay dinala paakyat sa langit. 52Kaya siya ay sinamba nila, at bumalik sila sa Jerusalem nang may labis na kagalakan. 53Namalagi sila sa Templo, na nagpupuri sa Diyos.
Sulat
16At anong kasunduan mayroon sa pagitan ng templo ng Diyos at sa mga diyus-diyosan? Sapagkat tayo ang templo ng buhay na Diyos, katulad ng sinabi ng Diyos: “Ako ay mananahan sa kanila at lalakad kasama nila. Ako ang magiging Diyos nila at sila ay magiging bayan ko.” 17Kaya, “Lumabas kayo mula sa kanilang kalagitnaan, at maihiwalay kayo,” sabi ng Panginoon. “Huwag humawak ng anumang maruming bagay, at tatanggapin ko kayo. 18Ako ay magiging Ama sa inyo, at kayo ay magiging aking mga anak na lalaki at babae,” sabi ng Panginoong Makapangyarihan. 7:1Mga minamahal, dahil mayroon tayo ng mga pangakong ito, linisin natin ang ating mga sarili mula sa lahat ng bagay na nagpaparumi sa ating katawan at espiritu. Sikapin nating maging banal sa pagkatakot sa Diyos.
Ebanghelyo
31Kung anuman ang nais ninyong gawin ng mga tao sa inyo, ganoon din ang dapat ninyong gawin sa kanila. 32Kung ang minamahal lamang ninyo ay ang mga taong nagmamahal sa inyo, anong kapurihan iyon sa inyo? Sapagkat kahit ang mga makasalan ay minamahal din ang mga nagmamahal sa kanila. 33Kung sa mga taong gumawa sa inyo ng mabuti lamang kayo gumagawa ng mabuti, anong kapurihan iyon sa inyo? Sapagkat kahit ang mga makasalanan ay ganoon din ang ginagawa. 34Kung ang inyong pinapahiraman lamang ay ang mga tao na inaasahan ninyong magbibigay ng mga ito pabalik sa inyo, anong kapurihan iyon sa inyo? Kahit ang mga makasalanan ay nagpapahiram sa mga makasalanan at umaasang iyon ding halaga ang muling matatanggap. 35Ngunit mahalin ninyo ang inyong kaaway at gawin ang mabuti sa kanila. Pahiramin ninyo sila na hindi kailanman nag-aalala kung may babalik pa sa inyo at ang inyong gantimpala ay magiging dakila. Kayo ay magiging mga anak ng Kataas-taasan, sapagkat siya mismo ay mabuti sa mga taong hindi marunong magpasalamat at masasama. 36Maging maawain, gaya ng inyong Ama na maawain.
Mga santo ng araw
- Paring Martir Hieroteo, Obispo ng Atenas (ika-1 siglo)
- Pagkatagpo sa mga relikya ng mga Banal na Hirarka Gurias, Arsobispo ng Kazan, at Barsanufio, Obispo ng Tver (1595)
- Paring Martir Demetrio, pari (1918)
- Mga Paring Martir Nicolas, Miguel, Jacobo at Tikhon, mga pari, at Kagalang-galang na Martir Basilio (1937)
- Banal na Quionia, Kumpesor (1945)
- Mga Martir Gaius, Fausto, Eusebio at Queremon (ika-3 siglo)
- Paring Martir Pedro ng Capitolias (ika-3–4 siglo)
- Mga Martir Domnina at ang kaniyang mga anak na babae na sina Berenice (Veronica) at Prosdoce (305-306)
- Martir Adaucto (c. 305-313)
- Kagalang-galang na Amon (c. 350)
- Kagalang-galang na Pablo ang Payak (ika-4 siglo)
- Tapat na Prinsipe Vladimir Yaroslavich ng Novgorod, Manggagawa ng Himala (1052)
- Mga Kagalang-galang na Heladio at Onesimo ng mga Kuweba ng Kyiv (ika-12–13 siglo)
- Kagalang-galang na Amon, ermitanyong nakakulong ng mga Kuweba ng Kyiv (ika-13 siglo)
- Banal na Matuwid na Esteban Štiljanović (1515)
Ang mga petsa ay ayon sa kalendaryong Juliano ng Simbahang Ruso (gaya ng mga Simbahang Serbiyo at Heorhiyano at ng Bundok Athos): ang Oktubre 4 sa kalendaryo ng simbahan ay Oktubre 17 sa sibil na kalendaryo. Ipinagdiriwang ng mga Simbahan sa bagong kalendaryo (Gresya, Romania, Bulgaria, Ukraine…) ang mga di-nagagalaw na kapistahan at ang mga santo sa mismong petsang sibil, 13 araw na mas maaga, at iba ang ilan sa kanilang mga pagbasa; pareho ang Pasko ng Pagkabuhay at ang mga araw na nakasalalay rito.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan