Bible Explorer Kunin ang app

Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Oktubre 2027 › Oktubre 9

Kalendaryong Katoliko

Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Oktubre 9, 2027

Sabado · Ika-27 linggo sa Karaniwang Panahon

Mga kapistahan at mga santo

Sabado ng ika-27 linggo sa Karaniwang Panahon

Malayang Paggunita · Kulay ng liturhiya: berde

San Dionisio, obispo, at mga kasama, mga martir · Malayang Paggunita

San Juan Leonardi, pari · Malayang Paggunita

San John Henry Newman, pari at pantas ng Simbahan · Malayang Paggunita

Mga pagbasa sa araw na ito

Unang Pagbasa

Joel 3:12–21

12Hayaan mong gisingin ng mga bansa ang kanilang mga sarili at pumunta sa lambak ni Jehoshafat. Sapagkat doon ako uupo upang hatulan ang lahat ng nakapalibot na mga bansa. 13Gamitin ninyo ang karit dahil hinog na ang ani. Halikayo, durugin ninyo ang mga ubas dahil puno na ang mga pigaan ng ubas, umaapaw na ang mga kawa dahil katakut-takot ang kanilang kasamaan. 14Mayroong kaguluhan, isang kaguluhan sa lambak ng Paghuhukom. Dahil ang araw ni Yahweh ay malapit sa lambak ng Paghuhukom. 15Didilim ang araw at buwan, mawawalan ng liwanag ang mga bituin. 16Sisigaw si Yahweh mula sa Zion, at lalakas ang kaniyang tinig mula sa Jerusalem. Mayayanig ang kalangitan at lupa, ngunit si Yahweh ang magiging kanlungan ng kaniyang mga tao at sandigan para sa mga tao ng Israel. 17“Upang malaman ninyo na ako si Yahweh ang inyong Diyos na nananahan sa Zion, sa aking banal na bundok. At magiging banal ang Jerusalem, at wala nang hukbo ang muling sasalakay pa sa kaniya. 18At mangyayari nga sa araw na iyon na papatak ang matamis na alak sa mga bundok, aapaw ang gatas sa mga burol, dadaloy ang tubig sa lahat ng mga batis ng Juda, at isang bukal ang manggagaling sa tahanan ni Yahweh at didiligan ang lambak ng Acacia. 19Magiging wasak na lugar ang Egipto at magiging napabayaang ilang ang Edom dahil sa ginawa nilang karahasan sa mga tao ng Juda, dahil nagpadanak sila ng dugo ng mga walang kasalanan sa kanilang lupain. 20Ngunit mananahan ang Juda magpakailanman, at mananahan ang mga salinlahi ng Jerusalem. 21Ipaghihiganti ko ang kanilang dugo na hindi ko pa naipaghiganti,” sapagkat nananahan si Yahweh sa Zion.

Salmong Tugunan

Awit 97:1–2, 5–6, 11–12

1Naghahari si Yahweh; hayaang magalak ang daigdig; hayaang matuwa ang maraming kapuluan. 2Pumapalibot sa kanya ang mga ulap at kadiliman. Katuwiran at katarungan ang saligan ng kanyang trono. 5Ang mga bundok ay natutunaw gaya ng kandila sa harapan ni Yahweh, ang Panginoon ng buong daigdig. 6Ipinapahayag ng kalangitan ang kanyang katarungan, at nakikita ng lahat ng mga bansa ang kanyang kaluwalhatian. 11Ang liwanag ay itinatanim para sa mga matuwid at katuwaan para sa mga may matapat na puso. 12Magalak kay Yahweh, kayong matutuwid; at magbigay ng pasasalamat sa kanyang banal na pangalan.

Ebanghelyo

Luc 11:27–28

27Nangyari na, habang sinasabi niya ang mga bagay na ito, may isang babae na sumigaw sa gitna ng napakaraming tao at nagsabi sa kaniya, “Pinagpala ang sinapupunan na nagsilang sa iyo at ang nagpasuso sa iyo.” 28Ngunit sinabi niya, “Higit pa na pinagpala ang mga nakarinig ng salita ng Diyos at iningatan ito.”

Mga santo ng araw

Mga santo ng Oktubre 9

Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo B, taon ng karaniwang araw I.

Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan