Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Setyembre 2027 › Setyembre 22
Kalendaryong Orthodox · Setyembre 9 (lumang kalendaryo)
Mga pagbasang Ortodokso — Setyembre 22, 2027
Miyerkules · Ika-14 linggo pagkatapos ng Pentekostes · Tono 4
Mga kapistahan at mga santo
Pagkatapos ng Kapistahan ng Kapanganakan ng Kabanal-banalang Ina ng Diyos
Araw ng pag-aayuno
Pag-aayuno: may langis
Ito ay ayon sa panuntunan ng monasteryo. Sa parokya, ang sukat ng pag-aayuno ay itinatakda kasama ng kumpesor, ayon sa kalusugan, edad at kalagayan.
Mga pagbasa sa araw na ito
Sulat
3Sinasabi ko ito sa inyo dahil kayo ay naghahanap ng katibayan na si Cristo ay nagsasalita sa pamamagitan ko. Hindi siya mahina patungkol sa inyo. Sa halip, siya ay makapangyarihan sa inyo. 4Sapagkat siya ay naipako sa kahinaan ngunit siya ay buhay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Sapagka't kami rin ay mahina ngunit kami ay mabubuhay kasama niya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos na nasa inyo. 5Suriin ninyo ang inyong sarili upang makita ninyo kung kayo ay namumuhay sa pananampalataya. Subukin ninyo ang inyong mga sarili. Hindi ba ninyo napagtanto na si Jesu-Cristo ay nasa inyo? Siya ay nasa inyo maliban kung kayo ay hindi pinagtibay. 6At ako ay nakatitiyak na kami ay makikita ninyong pinagtibay. 7Ngayon kami ay nananalangin sa Diyos na sana kayo ay hindi gumawa ng kahit anong mali. Hindi ko pinapanalangin na kami ay lumabas na parang nakapasa sa pagsubok, sa halip, dalangin ko na sana gawin ninyo kung ano ang tama, kahit na parang hindi kami pumasa sa pagsubok. 8Sapagka't hindi namin maaring gawin ang kahit anong laban sa katotohanan, ngunit para lamang sa katotohanan. 9Sapagkat kami ay nagagalak kung kami ay mahina at kayo ay malakas. Dalangin din namin na kayo ay maging ganap. 10Sinulat ko ang mga bagay na ito habang ako ay malayo sa inyo upang kung ako ay kasama na ninyo hindi ko na kailangang maging malupit sa inyo. Ayaw kong gamitin ang kapangyarihan na ibinigay sa akin ng Panginoon upang pagtibayin kayo at hindi upang kayo ay sirain. 11Sa wakas, mga kapatid, kayo ay magalak! Gumawa para sa panunumbalik, maging masigla, magkaisa kayo, mamuhay ng may kapayapaan. At ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan ay mapapasainyo. 12Batiin ninyo ang isa't isa ng banal na halik. 13Lahat ng mananampalataya ay binabati kayo. 14Nawa ang biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo, ang pag-ibig ng Diyos at ang pakikisama ng Banal na Espiritu ay sumainyo.
Ebanghelyo
35Kinagabihan, nang araw ding iyon, sinabi niya sa kanila, “Tumawid tayo sa kabilang dako.” 36Kaya iniwan nila ang maraming tao na isinama nila si Jesus dahil nakasakay na siya sa bangka. Mayroon ding ibang mga bangkang sumama sa kaniya. 37Nagkaroon ng matinding unos at hinampas ng mga alon ang bangka kaya halos mapuno na ito ng tubig. 38Ngunit si Jesus naman ay nasa dulo ng bangka at natutulog sa unan. Ginising nila si Jesus at sinabi, “Guro, hindi ba kayo nababahala na malapit na tayong mamatay? 39At gumising siya at sinaway ang hangin at sinabi sa dagat, “Pumayapa ka, tigil.” Tumigil ang hangin, at nagkaroon ng labis na kapayapaan. 40At sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo natatakot? Wala pa rin ba kayong pananampalataya?” 41Lubha silang natakot at sinabi nila sa isa't isa, “Sino ba talaga siya, dahil maging ang hangin at ang dagat ay sumusunod sa kaniya?”
Mga santo ng araw
- Ang mga Matuwid na Ninuno ng Diyos na sina Joaquin at Ana
- Martir Severiano (320)
- Kagalang-galang na Jose, Igumen ng Volokolamsk, Manggagawa ng Himala (1515)
- Pagkatagpo at paglilipat ng mga relikya ni Banal na Hirarka Teodosio, Arsobispo ng Chernihiv (1896)
- Mga Paring Martir Gregorio na pari at Alejandro na diyakono (1918)
- Mga Paring Martir Zacarias, Arsobispo ng Voronezh, Basilio, Sergio, Jose at Alexis, mga pari, Demetrio na diyakono, at Martir Basilio (1937)
- Kagalang-galang na Martir Andronico (1938)
- Paring Martir Alejandro, pari (1942)
- Mga Martir Cariton at Strator (Estratonico) (ika-3 siglo)
- Kagalang-galang na Teofanes, Kumpesor (c. 300)
- Paggunita sa Ikatlong Ekumenikong Konseho (431)
- Pinagpalang Nicetas sa Constantinopla (ika-12 siglo)
- Kagalang-galang na Onofre ng Vorona (1789)
Ang mga petsa ay ayon sa kalendaryong Juliano ng Simbahang Ruso (gaya ng mga Simbahang Serbiyo at Heorhiyano at ng Bundok Athos): ang Setyembre 9 sa kalendaryo ng simbahan ay Setyembre 22 sa sibil na kalendaryo. Ipinagdiriwang ng mga Simbahan sa bagong kalendaryo (Gresya, Romania, Bulgaria, Ukraine…) ang mga di-nagagalaw na kapistahan at ang mga santo sa mismong petsang sibil, 13 araw na mas maaga, at iba ang ilan sa kanilang mga pagbasa; pareho ang Pasko ng Pagkabuhay at ang mga araw na nakasalalay rito.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan