Bible Explorer Kunin ang app

Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Agosto 2027 › Agosto 18

Kalendaryong Katoliko

Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Agosto 18, 2027

Miyerkules · Ika-20 linggo sa Karaniwang Panahon

Mga kapistahan at mga santo

Miyerkules ng ika-20 linggo sa Karaniwang Panahon

Karaniwang araw · Kulay ng liturhiya: berde

Mga pagbasa sa araw na ito

Unang Pagbasa

Huk 9:6–15

6Nagsama-samang dumating lahat ng mga pinuno ng Shekem at Betmilo at nagtungo sila at ginawang hari si Abimelec, sa tabi ng kahoy na puno malapit sa haliging nasa Shekem. 7Nang sabihan si Jotam tungkol dito, pumunta siya at tumayo sa tuktok ng Bundok Gerizim. Sumigaw siya at sinabi sa kanila, “Makinig kayo sa akin, kayong mga pinuno ng Shekem, para pakinggan kayo ng Diyos. 8Minsang lumabas ang mga puno para magpahid sa isang hari sa ibabaw nila. At sinabi nila sa puno ng olibo, 'Maghari ka sa amin.' 9Pero sinabi ng puno ng olibo sa kanila, 'Dapat ko bang bitawan ang aking langis, na ginagamit para parangalan ang mga diyos at sangkatauhan, para umalis ako pabalik, para lang umuyog sa ibabaw ng ibang mga puno?' 10Sinabi ng mga puno sa puno ng igos, 'Halika at maghari sa amin.' 11Pero sinabi ng puno ng igos sa kanila, 'Dapat ko bang bitawan ang aking tamis at aking maayos na bunga, para lang makabalik ako at umuyog sa ibabaw ng ibang mga puno?' 12Sinabi ng mga puno sa puno ng ubas, 'Halika at maghari sa amin.' 13Sinabi ng puno ng ubas sa kanila, 'Dapat ko bang bitawan ang aking bagong alak, na nagpapaligaya sa mga diyos at sangkatauhan, at bumalik at umuyog sa ibabaw ng ibang mga puno?' 14Pagkatapos sinabi ng lahat ng mga puno sa palumpong na tinik, 'Halika at maghari sa amin.' 15Sinabi ng palumpong na tinik sa mga puno, 'Kung tunay na gusto ninyong pahiran ako bilang hari sa inyo, sa gayon pumunta sa akin at maging ligtas sa ilalim ng aking lilim. Kung hindi, hayaang lumabas ang apoy sa palumpong na tinik at hayaan itong sumunog sa mga sedar ng Lebanon.'

Salmong Tugunan

Awit 21:1–6

1Nagagalak ang hari sa iyong lakas, Yahweh! Labis siyang nagagalak sa kaligtasan na iyong ibinibigay! 2Ibinigay mo sa kaniya ang inaasam ng kaniyang puso at hindi mo pinigilan ang kahilingan ng kaniyang mga labi. Selah 3Dahil dinadalhan mo siya ng mayamang mga pagpapala; inilagay mo sa kaniyang ulo ang pinakadalisay na gintong korona. 4Humihiling siya sa iyo ng buhay; ibinigay mo ito sa kaniya; binigyan mo siya ng mahabang buhay magpakailanman. 5Ang kaniyang kaluwalhatian ay dakila dahil sa iyong tagumpay; iginawad mo sa kaniya ang kaningningan at pagiging maharlika. 6Dahil pinagkalooban mo siya ng mga pangmatagalang pagpapala; hinayaan mo siyang magalak nang may kasiyahan sa iyong presensya.

Ebanghelyo

Mat 20:1–16

1Sapagkat ang kaharian ng langit ay tulad sa isang nagmamay-ari ng lupain, na lumabas ng maagang-maaga upang umupa ng mga manggagawa para sa kaniyang ubasan. 2Pagkatapos niyang makipagsundo sa mga manggagawa sa isang denaryo sa isang araw, pinapunta niya sila sa kaniyang ubasan. 3Lumabas siya muli sa dakong alas nuwebe noong umagang iyon at nakita niya ang ibang mga manggagawa na nakatayong walang ginagawa sa pamilihan. 4Sinabi niya sa kanila, 'Pumunta rin kayo sa ubasan, at kung ano ang nararapat sa inyo ay ibibigay ko.' At sila ay pumunta upang magtrabaho. 5Lumabas siyang muli nang mag-aalas dose ng tanghali at muli nang mag-aalas tres ng hapaon, at ganoon din ang ginawa niya. 6At sa isa pang pagkakataon nang mag-aalas singko ng hapon, siya ay lumabas at nakatagpo ng iba pang nakatayong walang ginagawa. Sinabi niya sa kanila, 'Bakit kayo nakatayo rito na walang ginagawa sa maghapon?' 7Sinabi nila sa kaniya, 'Sapagka't wala ni isang umupa sa amin,' Sinabi niya sa kanila, 'Kayo rin ay pumunta sa ubasan.' 8At nang sumapit ang gabi, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kaniyang tagapangasiwa, 'Tawagin ang mga manggagawa at ibigay ang kanilang sahod, mula sa nahuli hanggang sa nauna.' 9At nang ang mga manggagawa na inupahan nang mag-aalas singko ay dumating, bawat isa sa kanila ay tumanggap ng isang denaryo. 10At nang ang mga naunang manggagawa ay dumating, inisip nila na higit na marami ang kanilang tatanggapin, subalit bawat isa sa kanila ay tumanggap rin ng tig-iisang denaryo. 11At nang matanggap nila ang kanilang mga sahod, sila ay nagreklamo tungkol sa may-ari ng ubasan. 12Sabi nila, 'Ang mga huling manggagawang ito ay isang oras lang na nagtrabaho, ngunit ipinantay mo sila sa amin, sa amin na nagdala ng pasan sa buong araw at sa nakakasunog na init.' 13Subalit sumagot ang may-ari ng ubasan at nagsabi sa isa sa kanila, 'Kaibigan, wala akong nagawang mali sa iyo, Hindi ba't nagkasundo tayo sa isang denaryo? 14Tanggapin mo ang para sa iyo at humayo ka. Kagalakan ko ang magbigay sa mga nahuling mga manggagawa na inupahan katulad ng sa inyo. 15Hindi ba marapat sa akin na gawin kung ano ang nais kong gawin sa aking mga pag-aari?' O ang iyong mata ay masama dahil ako ay mabuti? 16Kaya nga ang nauuna ay nahuhuli at ang nahuhuli ay nauuna.”

Mga santo ng Agosto 18

Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo B, taon ng karaniwang araw I.

Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan