Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Hulyo 2027 › Hulyo 17
Kalendaryong Katoliko
Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Hulyo 17, 2027
Sabado · Ika-15 linggo sa Karaniwang Panahon
Mga kapistahan at mga santo
Sabado ng ika-15 linggo sa Karaniwang Panahon
Malayang Paggunita · Kulay ng liturhiya: berde
Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado · Malayang Paggunita
Mga pagbasa sa araw na ito
Unang Pagbasa
37Naglakbay ang mga Israelita mula sa Rameses hanggang Sucot. Ang kanilang bilang ay 600,000 na mga lalaki, dagdag pa rito ang mga babae at mga bata. 38Isang halu-halong pangkat ng hindi Israelita ay sumama rin sa kanila, kasama ang kanilang mga alagang hayop at mga kawan, isang malaking bilang ng mga baka. 39Naghurno sila ng tinapay na walang lebadura sa ilalim ng masa na dinala nila mula sa Ehipto. Ito ay walang lebadura dahil sila ay pinalayas sa Ehipto at hindi maaaring ipagpaliban ang paghahanda ng pagkain. 40Ang mga Israelita ay nanirahan sa Ehipto sa loob ng 430 na taon. 41Matapos ang 430 na taon, sa araw ding iyon, lahat ng mga armadong grupo ni Yahweh ay umalis palabas mula sa lupain ng Ehipto. 42Ito ay isang gabing dapat manatiling gising, para ilabas sila ni Yahweh mula sa lupain ng Ehipto. Ito ay gabi ni Yahweh na dapat ipagdiwang ng lahat ng mga Israelita sa lahat ng salinlahi ng kanilang bayan.
Salmong Tugunan
1O, magpasalamat kay Yahweh; dahil siya ay mabuti, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman. 23siyang umalala sa atin at tumulong sa ating kahihiyan, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay nananatili magpakailanman— 24at siyang nagbigay sa atin ng katagumpayan sa ating mga kaaway, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay nananatili magpakailanman— 10na siyang pumatay sa mga panganay na anak ng Ehipto, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman— 11at naglabas sa Israel mula sa kanila, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman— 12na may malakas na kamay at nakataas na braso, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman— 13na siyang naghati sa dagat na Pula dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman— 14at nagawang padaanin ang Israelita sa kalagitnaan nito, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman— 15pero ipinatapon ang Paraon at ang kaniyang hukbo sa dagat na Pula, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
Ebanghelyo
14Ngunit lumabas ang mga Pariseo at nagsabwatan laban sa kaniya. Naghahanap sila ng paraan kung paano siya maipapatay. 15Nang mapansin ito ni Jesus, lumayo siya doon. Maraming tao ang sumunod sa kaniya, at pinagaling niya silang lahat. 16Sila ay pinagbilinan niya na huwag ipapaalam sa iba ang tungkol sa kaniya, 17ito ay upang magkatotoo ang sinabi sa pamamagitan ni Isaias na propeta, na nagsasabi, 18“Tingnan ninyo, ang aking lingkod na aking pinili; ang aking pinakamamahal, na siyang lubos na kinalulugdan ng aking kaluluwa. Ilalagay ko sa kaniya ang aking Espiritu, at ihahayag niya ang paghuhukom sa mga Gentil. 19Hindi siya magpupumilit o makikipagsigawan ng malakas, ni walang sinumang makaririnig ng kaniyang tinig sa mga lansangan. 20Hindi niya babaliin ang anumang tambong marupok; hindi rin niya papatayin ang kahit na anong umuusok na pabilo, hanggang maipadala niya ang paghuhukom sa katagumpayan. 21At ang mga Gentil ay magkakaroon ng pananalig sa kaniyang pangalan.”
Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo B, taon ng karaniwang araw I.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan