Bible Explorer Kunin ang app

Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Hunyo 2027 › Hunyo 20

Kalendaryong Katoliko

Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Hunyo 20, 2027

Linggo · Ika-12 linggo sa Karaniwang Panahon

Mga kapistahan at mga santo

Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon

Linggo · Kulay ng liturhiya: berde

Mga pagbasa sa araw na ito

Unang Pagbasa

Job 38:1, 8–11

1Pagkatapos tinawag ni Yahweh si Job sa malakas na bagyo at sinabi, 8Sino ang nagsara ng dagat gamit ang pinto kapag bumubulwak ito, na parang lumabas sa sinapupunan - 9nang ginawa ko ang mga ulap bilang damit nito, at makapal na kadiliman bilang mga bigkis nito? 10Iyon ay noong nilagyan ko ng tanda ang hangganan ng dagat, at naglagay ako ng mga rehas at mga pinto, 11at nang sinabi ko dito, 'Maari kang pumunta hanggang dito, pero hanggang dito lamang; dito ko ilalagay ang hangganan ng pagmamalaki ng iyong mga alon.'

Salmong Tugunan

Awit 107:23–26, 28–31

23Naglakbay ang iba sa dagat sa barko at nagnegosyo sa ibang bansa. 24Nakita nila ang mga gawa ni Yahweh at kaniyang kababalaghan sa mga dagat. 25Dahil ipinag-utos niya at ginising ang hangin ng bagyo na nagpaalon sa karagatan. 26Umabot ito sa himpapawid; bumaba sila sa pinakamalalim na lugar. Ang kanilang mga buhay ay nalusaw ng pagkabalisa. 28At tumawag sila kay Yahweh sa kanilang problema at inalis niya sila sa kanilang pagkabalisa. 29Pinayapa niya ang bagyo at pinatahimik ang mga alon. 30Nagdiwang sila dahil kumalma ang dagat at dinala niya sila sa nais nilang daungan. 31Nawa papupurihan ng mga taong iyon si Yahweh dahil sa kaniyang katapatan sa tipan at dahil sa mga kamangha-manghang bagay na kaniyang ginawa para sa sangkatauhan!

Ikalawang Pagbasa

2 Cor 5:14–17

14Dahil ang pagmamahal ni Cristo ang nag-uudyok sa amin, sapagkat kami ay sigurado dito: na mayroong isang tao na namatay para sa lahat, kaya ang lahat ay namatay. 15At namatay si Cristo para sa lahat, upang ang mga nabubuhay ay hindi na mamuhay para sa kanilang mga sarili. Sa halip dapat silang mamuhay para sa kaniya na namatay at muling nabuhay. 16At dahil dito, mula ngayon, hindi na natin hahatulan ang sinuman ayon sa batayan ng tao, kahit na noong simula ay ganoon din ang ating pagtingin kay Cristo. Ngunit ngayon hindi na tayo tumitingin sa kanino man sa ganitong paraan. 17Sapagkat kung sinuman ang kay Cristo, siya ay isang bagong nilalang. Ang luma ay lumipas na. Tingnan, sila ay naging bago na.

Ebanghelyo

Mar 4:35–41

35Kinagabihan, nang araw ding iyon, sinabi niya sa kanila, “Tumawid tayo sa kabilang dako.” 36Kaya iniwan nila ang maraming tao na isinama nila si Jesus dahil nakasakay na siya sa bangka. Mayroon ding ibang mga bangkang sumama sa kaniya. 37Nagkaroon ng matinding unos at hinampas ng mga alon ang bangka kaya halos mapuno na ito ng tubig. 38Ngunit si Jesus naman ay nasa dulo ng bangka at natutulog sa unan. Ginising nila si Jesus at sinabi, “Guro, hindi ba kayo nababahala na malapit na tayong mamatay? 39At gumising siya at sinaway ang hangin at sinabi sa dagat, “Pumayapa ka, tigil.” Tumigil ang hangin, at nagkaroon ng labis na kapayapaan. 40At sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo natatakot? Wala pa rin ba kayong pananampalataya?” 41Lubha silang natakot at sinabi nila sa isa't isa, “Sino ba talaga siya, dahil maging ang hangin at ang dagat ay sumusunod sa kaniya?”

Mga santo ng Hunyo 20

Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo B, taon ng karaniwang araw I.

Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan