Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Mayo 2027 › Mayo 25
Kalendaryong Katoliko
Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Mayo 25, 2027
Martes · Ikawalong linggo sa Karaniwang Panahon
Mga kapistahan at mga santo
Martes ng ikawalong linggo sa Karaniwang Panahon
Malayang Paggunita · Kulay ng liturhiya: berde
San Beda, Kagalang-galang, pari at pantas ng Simbahan · Malayang Paggunita
San Gregorio VII, papa · Malayang Paggunita
Santa Maria Magdalena de Pazzi, dalaga · Malayang Paggunita
Mga pagbasa sa araw na ito
Unang Pagbasa
Wala sa saling ito
Salmong Tugunan
5“Tipunin ang mga matatapat sa akin, ang mga nakipagtipan sa akin sa pamamagitan ng pag-aalay.” 6Ipahahayag ng kalangitan ang kaniyang katuwiran, dahil ang Diyos mismo ay hukom. Selah 7“Makinig, aking bayan, at ako ay magsasalita; ako ang Diyos, ang inyong Diyos. 8Hindi ko kayo susumbatan dahil sa inyong mga alay; ang sinunog ninyong mga handog ay laging nasa aking harapan. 14Maghandog kayo sa Diyos ng alay ng pasasalamat, at tuparin ninyo ang inyong mga banal na panata sa Kataas-taasan. 23Sinumang naghahandog ng alay ng pasasalamat ay nagpupuri sa akin, at sa sinumang nagpaplano ng kaniyang landas sa tamang paraan, ipakikita ko sa kaniya ang pagliligtas ng Diyos.”
Ebanghelyo
28Nagsimulang magsalita sa kaniya si Pedro, “Tingnan mo, iniwan namin ang lahat at sumunod sa iyo.” 29Sinabi ni Jesus, “Totoo ang sinasabi ko sa inyo, walang sinuman ang nang-iwan ng bahay, mga kapatid, ina, ama, mga anak, o mga lupain alang-alang sa akin at alang-alang sa mabuting balita, 30ang hindi makatatanggap ng isandaang ulit pa ng mga ito sa mundo ngayon: mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak at mga lupain na may mga pag-uusig, at sa mundong paparating, ang buhay na walang hanggan. 31Ngunit marami ang nauuna na mahuhuli at ang nahuhuli ay mauuna.”
Mga santo ng araw
- San Beda, Kagalang-galang, pari at pantas ng Simbahan
- San Gregorio VII, papa
- Santa Maria Magdalena de Pazzi, dalaga
Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo B, taon ng karaniwang araw I.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan