Bible Explorer Kunin ang app

Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Abril 2027 › Abril 12

Kalendaryong Katoliko

Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Abril 12, 2027

Lunes · Ikatlong linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga kapistahan at mga santo

Lunes ng ikatlong linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Karaniwang araw · Kulay ng liturhiya: puti

Mga pagbasa sa araw na ito

Unang Pagbasa

Gawa 6:8–15

8Ngayon si Esteban, na puspos ng biyaya at kapangyarihan, ay gumagawa ng mga kamanghamanghang bagay at mga palatandaan sa gitna ng mga tao. 9Ngunit may ilang mga tao na kabilang sa sinagoga na tinawag na ang sinagoga ng mga Taong Pinalaya, ng mga Cireneo, at ng mga Alejandrino, at ilang mga taga Cilicia, at taga Asya. Nakikipagtalo ang mga taong ito kay Esteban. 10Ngunit hindi nila kayang sumagot laban sa karunungan at sa Espiritu kung paano nagsalita si Esteban. 11Pagkatapos palihim nilang hinikayat ang ilang mga lalaki upang sabihin, ''Narinig naming nagsalita si Esteban ng mga salitang paglapastangan laban kay Moises at laban sa Diyos.'' 12Inudyukan nila ang mga tao, ang mga matatanda, at ang mga eskriba, at hinarap nila si Esteban, sinunggaban siya, at dinala sa konseho. 13Nagdala sila ng mga bulaang saksi, na nagsabi, “Hindi tumitigil ang lalaking ito sa pagbigkas sa mga salitang laban sa banal na dakong ito at sa kautusan. 14Sapagkat narinig namin siya na nagsasabing sisirain ni Jesus ng Nazaret ang lugar na ito at papalitan ang kaugalian na ipinasa sa atin ni Moises.'' 15Ang lahat ng nakaupo sa konseho ay nakatutok ang kanilang mga mata sa kaniya at nakita nilang ang kaniyang mukha ay katulad ng sa mukha ng anghel.

Salmong Tugunan

Awit 119:23–24, 26–27, 29–30

23Kahit na pinagpaplanuhan ako ng masama at sinisiraan ng mga namumuno, pinag-iisipan nang mabuti ng lingkod mo ang iyong mga alituntunin. 24Ang mga utos mo sa tipan ang kasiyahan ko, at ito ang aking mga tagapayo. 26Sinabi ko sa iyo ang aking mga kaparaanan at tinugon mo ako; ituro mo sa akin ang iyong mga alituntunin. 27Ipaunawa mo sa akin ang mga kaparaanan ng mga tagubilin mo, para mapag-isipan ko nang mabuti ang mga kamangha-manghang katuruan mo. 29Ilayo mo ako sa landas ng pandaraya; magiliw mong ituro sa akin ang iyong batas. 30Pinili ko ang landas ng katapatan; lagi kong ginagawa ang matuwid mong mga utos.

Ebanghelyo

Juan 6:22–29

22Kinabukasn, nakita ng karamihang nakatayo sa kabilang ibayo ng dagat na walang ibang bangka doon maliban sa isa at si Jesus ay hindi sumakay doon na kasama ang kaniyang mga alagad, kundi ang kaniyang mga alagad lamang. 23(Subalit, may ilang mga bangka na nanggaling mula sa Tiberias malapit sa lugar kung saan nila kinain ang tinapay pagkatapos makapagpasalamat ang Panginoon.) 24Nang matuklasan ng karamihan na si Jesus o ang kaniyang mga alagad ay wala doon, sila sila rin ay sumakay sa mga bangka at nagpunta sa Capernaum at hinahanap si Jesus. 25Pagkatapos nila siyang matagpuan sa kabila ng lawa, sinabi nila sa kaniya, “Rabi, kailan ka nagpunta dito? 26Sumagot si Jesus sa kanila, sinasabi, “Tunay nga, hinanap ninyo ako, hindi dahil nakakita kayo ng mga tanda, ngunit dahil nakakain kayo ng ilang tinapay at kayo ay nabusog. 27Tumigil kayo sa pagtrabaho para sa pagkaing nasisira, ngunit pagtrabahuhan ang pagkaing mananatili pang habang-buhay na ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat inilagay ng Diyos Ama ang kaniyang tatak sa kaniya. 28Pagkatapos sinabi nila sa kaniya, “Ano ang dapat naming gawin, upang magawa namin ang mga gawain ng Diyos?” 29Sumagot si Jesus, “Ito ay ang gawa ng Diyos: na kayo ay sumampalataya sa kaniyang isinugo.

Mga santo ng Abril 12

Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo B, taon ng karaniwang araw I.

Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan