Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Enero 2027 › Enero 2
Kalendaryong Katoliko
Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Enero 2, 2027
Sabado · Panahon ng Pasko
Mga kapistahan at mga santo
Enero 2
Paggunita · Kulay ng liturhiya: puti
San Basilio Magno at San Gregorio Nacianceno, mga obispo at pantas ng Simbahan · Paggunita
Mga pagbasa sa araw na ito
Unang Pagbasa
22Sino ang sinungaling kundi siyang ikinakaila na si Jesus ay ang Cristo? Ang taong ito ang antikristo, dahil sa kinakaila niya ang Ama at ang Anak. 23Walang sinuman ang kumakaila sa Anak ay nasa kaniya ang Ama. Ang sinumang kumikilala sa Anak ay nasa kaniya rin ang Ama. 24At para sa inyo, hayaang ang mga narinig ninyo mula sa simula ay manatili sa inyo. Kung ano ang narinig ninyo mula sa simula ay nanatili sa inyo, kayo rin ay mananatili sa Anak at sa Ama. 25At ito ang pangakong ibinigay niya sa atin: buhay na walang hanggan. 26Isinulat ko sa inyo ang mga ito tungkol sa mga iyon na maaaring umakay sa inyo sa ligaw na landas. 27At para sa inyo, ang basbas na natanggap ninyo mula sa kanya ay nanatili sa inyo, at hindi ninyo kailangan ang sinuman upang turuan kayo. Pero habang ang kanyang pagbabasbas ay nagtuturo sa inyo ng tungkol sa lahat ng bagay, at totoo at hindi isang kasinungalingan, at kahit na ito ay nagturo sa inyo, manatili kayo sa kanya. 28At ngayon, mga minamahal kong anak, manatili kayo sa kanya, upang kapag siya ay magpakita, tayo ay magkakaroon nang lakas ng loob at hindi mahihiya sa kanyang harapan sa kanyang pagdating.
Salmong Tugunan
1O, umawit kay Yahweh ng bagong awitin, dahil gumawa siya ng mga kahanga-hangang mga bagay; ang kanyang kanang kamay at ang kanyang banal na bisig, ay nagbibigay sa atin ng tagumpay. 2Inihayag ni Yahweh ang kanyang kaligtasan; hayagan niyang ipinakita ang kanyang katarungan sa lahat ng mga bansa. 3Inaalala niya ang kaniyang tipan ng kagandahang loob at katapatan para sa sambahayan ng Israel; lahat ng mga hangganan ng daigdig ay makikita ang katagumpayan ng ating Diyos. 4Sumigaw kay Yahweh ng may kagalakan, buong daigdig; isambulat sa awit at umawit ng may kagalakan, umawit ng mga papuri.
Ebanghelyo
19Ngayon ito ang patotoo ni Juan nang ang mga Judio ay nagpadala sa kaniya ng mga pari at mga Levita mula sa Jerusalem para tanungin siyang, “Sino ka?” 20Malaya niyang inilahad, at hindi ikinaila, ngunit tumugon, “Hindi ako ang Cristo.” 21Kaya siya ay tinanong nila, “Ano ka kung gayon? Ikaw ba si Elias?” Sabi niya, “Hindi ako.” Sabi nila, “Ikaw ba ang propeta?” Sumagot siya, “Hindi.” 22Pagkatapos ay sinabi nila sa kaniya, “Sino ka, upang may maibigay kaming sagot sa mga nagsugo sa amin? Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?” 23Sinabi niya, “Ako ang boses ng isang sumisigaw sa ilang: 'Gawin ninyong tuwid ang daraanan ng Panginoon,' gaya nang sinabi ni Isaias na propeta.” 24Ngayong mayroong mga isinugo duon mula sa mga Pariseo. Tinanong nila siya at sinabi sa kaniya, 25“Kung ganoon bakit ka nagbabautismo kung hindi ikaw ang Cristo, ni hindi si Elias, ni hindi ang propeta?” 26Tumugon si Juan sa kanila sinasabi, “Nagbabautismo ako ng tubig. Subalit, sa kalagitnaan ninyo ay nakatayo ang isang hindi ninyo nakikilala. 27Siya ang darating kasunod ko. Hindi ako karapat-dapat na magtanggal ng tali ng kaniyang sandalyas.” 28Ang mga bagay na ito ay nangyari sa Bethania sa kabilang ibayo nang Jordan, kung saan si Juan ay nagbabautismo.
Mga santo ng araw
- San Basilio Magno at San Gregorio Nacianceno, mga obispo at pantas ng Simbahan
Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo B, taon ng karaniwang araw I.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan