Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Nobyembre 2026 › Nobyembre 12
Kalendaryong Katoliko
Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Nobyembre 12, 2026
Huwebes · Ika-32 linggo sa Karaniwang Panahon
Mga kapistahan at mga santo
Huwebes ng ika-32 linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita · Kulay ng liturhiya: pula
San Josafat, obispo at martir · Paggunita
Mga pagbasa sa araw na ito
Unang Pagbasa
7Sapagkat ako'y lubhang nagagalak at nagiginhawaan sa iyong pag-ibig, dahil ang mga puso ng mga mananampalataya ay pumayapa sa pamamagitan mo, kapatid. 8Kaya kahit na mayroon akong lahat ng katapangan kay Cristo na utusan ka kung ano ang dapat mong gawin, 9sa halip dahil sa pag-ibig, ako ay nakikiusap sa iyo- ako, si Pablo, isang matandang lalaki, at ngayon isang bilanggo para kay Cristo Jesus. 10Ako ay nakikiusap sa iyo tungkol sa aking anak na si Onesimo, ako'y naging ama niya sa aking pagkakagapos. 11Dahil minsan siyang walang pakinabang sa iyo, pero ngayon ay kapaki-pakinabang na sa iyo at sa akin. 12Pinadala ko siya—ang aking puso—muli sa iyo. 13Nais ko sanang manatili siya sa aking piling, upang siya ang maglingkod sa akin kahalili mo, habang ako ay naka-tanikala alang-alang sa ebanghelyo. 14Ngunit ayaw kong gumawa ng anumang bagay na wala ang iyong pahintulot. Ginawa ko ito para anumang mabuting gawain ay mula sa sarili mong kagustuhan at hindi dahil pinilit kita. 15Marahil ang dahilan kaya siya nahiwalay sa iyo sandali, ay upang siya ay matanggap mong muli magpakailanman. 16Hindi bilang isang alipin, ngunit higit sa pagiging isang alipin, bilang minamahal na kapatid—lalo na sa akin, at lalo pa para sa iyo, kapwa sa laman at sa Panginoon. 17At sa gayon kung ako ay tinuturing mong katuwang, tatanggapin mo siya katulad ng pangtanggap mo sa akin. 18Pero kung siya man ay nagkamali sa iyo sa anumang paraan o anuman ang utang sa iyo, sa akin mo iyon singillin. 19Ako, si Pablo, sinulat ko ito sa pamamagitan ng aking sariling kamay: ako ang magbabayad sa iyo. Hindi ko na binabanggit sa iyo na utang mo sa akin ang iyong buhay. 20Oo, kapatid, hayaan mo akong magkaroon ng ilang kagalakan sa Panginoon mula sa iyo; pasiglahin mo ang aking puso kay Kristo.
Salmong Tugunan
7Siya ang nagpapatupad ng katarungan sa mga inaapi at nagbibigay ng pagkain sa nagugutom. Pinapalaya ni Yahweh ang mga bilanggo; 8minumulat ni Yahweh ang mga mata ng bulag; ibinabangon ni Yahweh ang mga nalulugmok; iniibig ni Yahweh ang mga matutuwid. 9Inaalagaan ni Yahweh ang mga dayuhan sa lupain; kaniyang pinapasan ang mga walang ama at mga balo, pero siya ang sumasalungat sa masasama. 10Si Yahweh na iyong Diyos, ang maghahari magpakailanman, Sion, para sa lahat ng henerasyon. Purihin si Yahweh.
Ebanghelyo
20Nang naitanong sa kaniya ng mga Pariseo kung kailan darating ang kaharian ng Diyos, sinagot sila ni Jesus at sinabi, “Ang kaharian ng Diyos ay hindi isang bagay na mapagmamasdan. Ni hindi nila sasabihin, 21'Tumingin kayo rito!' o, 'Tumingin kayo roon!' dahil ang kaharian ng Diyos ay nasa inyo.” 22Sinabi ni Jesus sa mga alagad, “Darating ang mga araw na nanaisin ninyong makita ang isa sa mga araw ng Anak ng Tao, ngunit hindi ninyo ito makikita. 23Sasabihin nila sa inyo, 'Tingnan ninyo, naroon!' o, 'Tingnan ninyo, narito!' Ngunit huwag kayong pumunta, ni sumunod sa kanila, 24sapagkat gaya ng paglitaw ng kidlat kapag ito ay kumislap buhat sa isang panig ng kalangitan tungo sa ibang panig ng kalangitan, gayon din naman ang Anak ng Tao sa kaniyang araw. 25Ngunit kailangan muna niyang magdusa ng labis at itakwil ng salinlahing ito.
Mga santo ng araw
- San Josafat, obispo at martir
Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo A, taon ng karaniwang araw II.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan