Bible Explorer

Tuklasin › Para sa mga peregrino › Ang Banal na Lupain sa loob ng isang linggo › Simbahan ng Pagkapangulo ni San Pedro

Ang Banal na Lupain sa loob ng isang linggo · Hinto 19 · Araw 6

Simbahan ng Pagkapangulo ni San Pedro

Sa Bibliya

Pagkatapos ng Muling Pagkabuhay, tumayo si Jesus sa dalampasigan sa madaling-araw; nakahuli ang mga alagad ng napakaraming isda, kumain kasama niya sa tabi ng nagbabagang uling, at tatlong beses niyang tinanong si Pedro, “Mahal mo ba ako?”

Juan 21:4–17Nang magbubukang liwayway na, tumayo si Jesus sa dalampasigan, ngunit hindi nakikilala ng mga alagad na iyon ay si Jesus. At sinabi ni Jesus sa kanila, “Mga kabataan, mayroon ba kayong kahit anumang makakain? Sumagot sila sa kaniya, “Wala.” Sinabi niya sa kanila, “Ihagis ninyo ang lambat sa kanang bahagi ng bangka at mayroon kayong mahuhuli.” Kaya inihagis nga nila ang kanilang lambat, ngunit hindi na nila ito mahatak dahil sa dami ng mga isda. Pagkatapos sinabi kay Pedro ng alagad na minamahal ni Jesus, “Ang Panginoon iyon.” Nang marinig ni Simon Pedro na siya ang Panginoon, sinuot niya ang kaniya damit panlabas (dahil siya ay bahagyang nakahubad), at tumalon sa dagat. Ang ibang mga alagad ay sumakay sa bangka (dahil sila ay hindi naman malayo mula sa lupa, humigit kumulang, mga dalawang daang kubit), at kanilang hinihila ang lambat na puno ng isda. Nang makaahon sila sa lupa, may nakita sila nagbabagang uling at may isdang nakalagay sa ibabaw nito, at may tinapay. Sinabi sa kanila ni Jesus, “Magdala kayo ng ilang mga isda na kahuhuli ninyo pa lamang.” Umakyat si Simon Pedro at hinatak ang lambat sa lupa, puno ng malalaking isda, 153 ang mga ito, kahit napakarami ng mga ito, ang lambat ay hindi napunit. Sinabi ni Jesus sa kanila, “Halikayo at mag-almusal.” Wala sa mga alagad ang nagtangkang magtanong sa kaniya na, “Sino ka?” Alam nila na siya ang Panginoon. Lumapit si Jesus, kinuha ang tinapay, at ibinigay ito sa kanila, ganoon din ang isda. Ito ang ikatlong beses na pinakita ni Jesus ang kaniyang sarili sa mga alagad pagkatapos niyang bumangon mula sa patay. Pagkatapos nilang mag-agahan, sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, “Simon anak ni Juan, mas mahal mo ba ako kaysa sa mga ito?” Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Oo, Panginoon; alam mo na mahal kita.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Pakainin mo ang aking mga tupang bata.” Sa pangalawang pagkakataon, sinabi niya muli sa kaniya, “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako? Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Oo, Panginoon, alam mo na mahal kita.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Alagaan mo ang aking mga tupa”. Sinabi ni Jesus sa ikatlong pagkakataon, “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” Nalungkot si Pedro dahil sinabi sa kanya ni Jesus ng ikatlong beses, “Mahal mo ba ako?” Sinabi niya sa kaniya, “Panginoon, alam mo ang lahat ng mga bagay; alam mo na mahal kita.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Pakainin mo ang aking tupa”.

Tradisyon

Ayon sa tradisyon, ang patag na bato sa kapilya, na tinatawag na Mensa Christi (ang Mesa ni Cristo), ang pinaghainan ni Jesus ng pagkain para sa mga alagad.

Narito ngayon

Isang maliit na kapilyang itim na basalto mula 1933 sa gilid ng tubig, sa lugar ng isang mas matandang simbahan; may mga baitang na inukit sa bato pababa sa lawa.

Sa mata ng mga sinaunang peregrino

At malapit doon ay may isang lugar sa ibaba ng burol sa tabi ng dagat ng Tiberias, at sa lugar na iyon nagpakita si Cristo sa kaniyang mga alagad sa ikatlong pagkakataon matapos ang muling pagkabuhay … at nakita nila sa tabi ng lambat ang apoy at tinapay, at isdang inihaw doon … doon ay may simbahang itinayo sa pangalan ng mga banal na apostol.Abad Daniel, 1106–1108 · aming salin

Bago bumiyahe, tingnan ang payo sa paglalakbay ng inyong bansa. Nagbabago ang oras at mga patakaran ng mga lugar — tingnan ang kanilang opisyal na pahina.

Mga balangkas ng lupa: Natural Earth (pampublikong domain).