Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Si Solomon
Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Si Solomon
Sinimulan ang pagtatayo ng templo
1 Hari 6:1–3 · 2 Cro 3:1–4
1 Hari 6:1–31Kaya inumpisahan itayo ni Solomon ang templo ni Yahweh. Ito ay nangyari sa ika-480 taon pagkatapos lumabas ng lupain ng Ehipto ang bayan ng Israel, sa ika-apat na taon ng paghahari ni Solomon sa buong Israel, sa buwan ng Ziv, na ikalawang buwan.
2Ang templo na itinayo ni Haring Solomon para kay Yahweh ay may animnapung kubit na haba, dalawampung kubit na lawak, at tatlumpong kubit na taas.
3Ang portiko sa harapan ng pangunahing bulwagan ng templo ay dalawampung kubit ang haba, kasing lapad ng templo, at sampung kubit na lalim sa harapan ng templo.
2 Cro 3:1–41At sinimulang ipatayo ni Solomon ang tahanan ni Yahweh sa Jerusalem sa Bundok ng Moria, kung saan nagpakita si Yahweh kay David na kaniyang ama. Inihanda niya ang lugar na binalak ni David para rito sa giikan ni Ornan na Jebuseo.
2Sinimulan niyang ipatayo sa ikalawang araw ng ikalawang buwan, sa ika-apat na taon ng kaniyang paghahari.
3At ganito ang mga sukat ng pundasyong inilatag ni Solomon para sa tahanan ng Diyos. Gamit ang sinaunang paraan ng siko, ang haba ay animnapung siko at ang lapad ay dalawampung siko.
4Dalawampung siko ang haba ng portiko sa harapan ng tahanan, kapantay ng lapad ng mga gusali. Dalawampung siko rin ang taas nito at binalot ni Solomon ang loob nito ng purong ginto.
May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.
Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY