15Hinugis ni Hiram ang dalawang poste ng tanso, bawat isa ay labing walong kubit ang taas at labing dalawang kubit ang palibot.
16Siya ay gumawa ng dalawang kapitel ng makintab na tanso para ilagay sa taas ng poste. Ang taas ng bawat kapitel ay limang siko.
17May mga mahahaba't makitid na mga metal na nilmabat at mga tinirintas na mga tanikala para sa mga kapitel na ginawang mga palamuti sa taas ng mga haligi, pito sa bawat kapitel.
18Kaya si Hiram ay gumawa ng dalawang hanay ng mga granada sa paligid ng bawat poste para palamutian ang kanilang mga kapitel.
19Ang mga kapitel sa itaas ng poste ng portiko ay may palamuti ng mga liryo, apat na kubit ang taas.
20Kasama din ang kapitel sa dalawang haligi, malapit sa kanilang tuktok, ay nakapalibot ang dalawang daang nakahanay na granada.
21Kaniyang itinayo ang mga poste sa portiko ng templo. Ang poste sa kanan ay pinangalanang Jakin, at ang poste sa kaliwa ay Boaz.
22Sa itaas ng mga haligi ay mga palamuti tulad ng mga liryo. Ang paghuhugis ng mga haligi ay natapos sa ganitong paraan.