Bible Explorer

Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Sina Saul at David

Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Sina Saul at David

Ang pagkamatay ni Saul

1 Sam 31:1–13 · 1 Cro 10:1–14

1 Samuel

1 Sam 31:1–13

1Ngayon nakipaglaban ang mga Filisteo laban sa Israel. Nagsitakas ang mga kalalakihan ng Israel mula sa harap ng mga Filisteo at patay na bumagsak sa bundok Gilboa.

2Tinugis ng malapitan ng mga Filisteo si Saul at ang kanyang anak na mga lalaki. Napatay ng mga Filisteo si Jonatan, Abinadab, at Malquisua, at ang kanyang mga anak na lalaki.

3Nagpatuloy ang matinding labanan laban kay Saul, at nasukol siya ng mga mamamana. Siya ay nakaranas ng malubhang sugat dahil sa kanila.

4Pagkatapos sinabi ni Saul sa kanyang tagadala ng baluti, “Hugutin mo ang iyong espada at isaksak mo ito sa akin. Kung hindi, darating itong hindi mga tuli at lalapastanganin ako.” Ngunit ayaw gawin ng kanyang tagadala ng baluti, dahil takot na takot siya. Kaya kinuha ni Saul ang kanyang sariling espada at pinatay nito ang kanyang sarili.

5Nang nakita ng tagadala ng baluti na patay na si Saul, gayon din pinatay niya ang kanyang sarili ng kanyang sariling espada at namatay nagmagkasama.

6Kaya namatay si Saul, ang kanyang tatlong anak na lalaki, at kanyang tagadala ng baluti— sama-samang namatay ang mga kalalakihang ito nang araw na iyon.

7Habang nasa kabilang bahagi ng lambak ang mga kalalakihan ng Israel, at sa mga nasa ibayo ng Jordan, nakita nila na nagsitakas ang mga kalalakihan ng Israel, at nang si Saul at ang kanyang mga anak na lalaki ay patay na, iniwan nila ang kanilang mga lungsod at nagsitakas, at dumating ang mga Filisteo at nanirahan sa lugar nila.

8Dumating ang sumunod na araw, nang dumating ang mga Filisteo upang tanggalin ang mga patay, na nakita nila si Saul at ang kanyang tatlong anak na lalaki na patay na sa Bundok Gilboa.

9Pinutol nila ang kanyang ulo at tinanggal ang kanyang mga pananggang baluti, at nagpadala ng mga mensahero sa lupain ng mga Filisteo sa lahat ng dako upang dalhin ang balita sa kanilang diyus-diyosan sa templo at sa mga tao.

10Inilagay nila ang kanyang baluti sa loob ng templo ni Astare, at ang kanilang itinali ang kanyang katawan sa pader ng lungsod sa Bethsan.

11Nang nabalitaan ng mga nakatira sa Jabes Galaad kung ano ang ginawa ng mga Filisteo kay Saul,

12tumayo ang lahat ng mandirigmang mga kalalakihan at lumakad ng magdamag at kinuha ang katawan ni Saul at ang mga katawan ng kanyang mga anak na lalaki mula sa pader ng Bethsan. Pumunta sila sa Jabesh at doon nila sinunog ang mga ito.

13Pagkatapos kinuha nila ang kanilang mga buto at inilibing ang mga ito sa ilalim ng isang puno ng tamarisko sa Jabes, at nag-ayuno sa loob ng pitong araw.

1 Mga Cronica

1 Cro 10:1–14

1At ngayon, nakipaglaban ang mga Filisteo laban sa Israel. Tumakas ang bawat Israelita mula sa mga Filisteo at pinatay sa Bundok ng Gilboa.

2Nagpatuloy ang mga Filisteo sa pagtugis kay Saul at sa kaniyang mga anak na lalaki. Pinatay ng mga Filisteo ang kaniyang mga anak na lalaki na sina Jonatan, Abinadab at Melquisua.

3Naging matindi ang digmaan laban kay Saul at inabutan siya ng mga mamamana. Lubha siyang nasugatan dahil sa mga mamamana.

4Pagkatapos nito, sinabi ni Saul sa tagadala ng kaniyang mga baluti. “Hugutin mo ang iyong tabak at isaksak mo ito sa akin. Kung hindi, darating ang mga hindi tuli at aabusuhin ako”. Ngunit ayaw gawin ng tagadala ng kaniyang mga baluti, sapagkat siya ay takot na takot. Kaya hinugot ni Saul ang sariling tabak at sinaksak ang kaniyang sarili.

5Nang makita ng tagadala ng kaniyang mga baluti na patay na si Saul, itinusok rin niya ang tabak sa kaniyang sarili at namatay.

6Kaya namatay si Saul at ang kaniyang tatlong anak na lalaki, kaya ang lahat ng kaniyang sambahayan ay magkakasamang namatay.

7Nang makita ng bawat Israelitang nasa lambak na tumakas sila, at patay na si Saul at ang kaniyang mga anak, iniwan nila ang kanilang mga lungsod at nagsitakas sila. At dumating ang mga Filisteo at nanirahan doon.

8At nangyari nga kinabukasan, nang dumating ang mga Filisteo upang pagnakawan ang mga patay, natagpuan nilang patay si Saul at ang kaniyang mga anak na lalaki sa Bundok ng Gilboa.

9Hinubaran nila si Saul, pinugutan siya ng ulo at kinuha ang kaniyang baluti. Nagpadala sila ng mga mensahero sa buong Filistia upang ikalat ang balita sa kanilang mga diyus-diyosan at sa lahat ng tao.

10Inilagay nila ang kaniyang baluti sa templo ng kanilang mga diyus-diyosan at isinabit ang kaniyang ulo sa templo ni Dagon.

11Nang marinig ng mga taga-Jabes-Gilead ang lahat ng ginawa ng mga Filisteo kay Saul,

12pumunta ang lahat ng kanilang mandirigma at kinuha ang katawan ni Saul maging ang kaniyang mga anak at dinala nila ang mga ito sa Jabes. Inilibing nila ang kanilang mga buto sa ilalim ng puno ng ensina at nag-ayuno sila ng pitong araw.

13Namatay si Saul dahil hindi siya naging tapat kay Yahweh. Hindi siya sumunod sa mga tagubilin ni Yahweh, sa halip, humingi siya ng payo sa taong nakikipag-usap sa patay.

14Hindi siya humingi ng patnubay mula kay Yahweh, kaya pinatay siya ni Yahweh at ibinigay ang kaniyang kaharian kay David na anak na lalaki ni Jesse.

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY