Bible Explorer

Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Ang mga hari ng Juda

Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Ang mga hari ng Juda

Binalaan ni Micaias si Ahab

1 Hari 22:1–35 · 2 Cro 18:1–34

1 Mga Hari

1 Hari 22:1–35

1Lumipas ang tatlong taon na walang digmaan sa pagitan ng Aram at Israel.

2Pagkatapos nangyari ito sa ikatlong taon, si Jehoshafat hari ng Judah ay pumunta sa hari ng Israel.

3Ngayon sinabi ng hari ng Israel sa kaniyang mga lingkod, “Alam ba ninyo na sa atin ang Ramot Galaad, pero wala tayong ginagawa para makuha ito mula sa kamay ng hari ng Aram?”

4Kaya sinabi niya kay Jehoshafat, “Sasama ka ba sa akin sa pakikidigma sa Ramot Galaad?” Sumagot si Jehoshafat sa hari ng Israel, “Ako ay tulad mo, ang aking bayan ay tulad ng iyong bayan, at aking mga kabayo ay tulad ng iyong mga kabayo.

5Sinabi ni Jehoshafat sa hari ng Israel, “Pakiusap humingi ka ng gabay mula sa salita ni Yahweh kung ano ang dapat mong unang gawin.”

6Pagkatapos pinagtipon-tipon ng hari ng Israel ang mga propeta, na apat na daang mga lalaki, at sinabi sa kanila, “Dapat ba akong pumunta sa Ramot Galaad para makipaglaban, o hindi dapat?” Sinabi nila, “Lumusob tayo, dahil ilalagay ito ng Panginoon sa kamay ng hari.”

7Pero sinabi ni Jehoshafat “Wala na bang iba pang propeta ni Yahweh kung saan maaaring tayo makakuha ng payo?”

8Sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Mayroon pang isang tao na maaari tayong manghingi ng payo mula kay Yahweh para tulungan tayo, si Micaya anak ni Imla, pero ayoko sa kaniya dahil hindi siya nagpropesiya ng kahit anong magandang bagay tungkol sa akin, kundi mga kahirapan lamang.” Pero sinabi ni Jehoshafat, “Nawa'y hindi ito sabihin ng hari”

9Pagkatapos ang hari ng Israel ay tumawag ng opisyal at nag-utos na “Ngayon din ay dalhin si Micaya anak ni Imla.”

10Ngayon si Ahab na hari ng Israel at si Jehoshafat na hari ng Juda ay nakaupo sa kanilang trono, nakasuot ng kanilang kasuotang pang hari, sa isang malawak na lugar sa tarangkahan ng Samaria, at lahat ng mga propeta ay nagsasabi ng hula sa kanilang harapan.

11Gumawa si Zedekias anak na lalaki ni Caanana ng mga sungay na bakal at sinabi, “Ito ang sinasabi ni Yahweh: 'Sa pamamagitan ng mga ito mapapaatras ninyo ang mga Arameo hanggang sila ay maubos.”

12At pareho ang ipinahayag ng lahat ng mga propeta na sinasabi, “Lusubin natin ang Ramot Galaad at mananalo, dahil ibinigay ito ni Yahweh sa kamay ng hari.”

13Ang mensahero na nagpunta para tawagin si Micaya ay sinabi sa kaniya, “Ngayon masdan mo, ang mga salita ng mga propeta ay naghahayag ng magagandang bagay sa hari sa iisang bibig. Hayaan ang iyong mga salita ay maging tulad ng isa sa kanila at magsabi ng magagandang bagay.”

14Sumagot si Micaya, “Habang nabubuhay si Yahweh, ito ang sinasabi niya sa akin na aking sasabihin.”

15Nang lumapit siya sa hari, sinabi sa kaniya ng hari, “Micaya, dapat ba kaming pumunta sa Ramot Galaad upang makipaglaban, o hindi?' Sumagot si Micaya, “Lumusob tayo at manalo. Ilalagay ito ni Yahweh sa kamay ng hari.”

16Pagtapos sinabi sa kaniya ng hari, “Gaano karaming beses ko ba dapat ipag-utos sa iyo na katotohanan lamang ang sasabihin sa akin sa pangalan ni Yahweh?”

17Kaya sinabi ni Micaya, “Nakita ko ang lahat ng mga Israelita na nagkalat sa mga kabundukan, tulad ng mga tupa na walang pastol, at sinabi ito ni Yahweh, 'Walang pastol ang mga ito. Pabakilin ang bawat tao sa kanilang mga tahanan ng payapa.”'

18Kaya sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na hindi siya magsasabi ng magandang pahayag tungkol sa akin, puro kapahamakan lamang?”

19Pagkatapos sinabi ni Micaya, “Gayuman pakinggan ang salita ni Yahweh: Nakita ko si Yahweh na nakaupo sa kaniyang trono, at lahat ng hukbo sa langit ay nakatayo sa tabi niya sa kaniyang kanang kamay at sa kaniyang kaliwa.

20Sinabi ni Yahweh, 'Sino ang mag-uudyok kay Ahab, para siya ay maaaring lumusob at matalo sa Ramot-Galaad?' at may isang sumagot sa ganitong paraan, at sumagot ang isa pa sa ganoong paraan.

21Pagkatapos isang espiritu ang lumapit, tumayo sa harapan ni Yahweh, at sinabi, 'Ako ang mag-uudyok sa kaniya.' Sinabi sa kaniya ni Yahweh, 'Paano?'

22Sumagot ang espiritu, 'Lalabas ako at magiging isang mapanlinlang na espiritu sa bibig ng lahat ng kaniyang mga propeta.' Sumagot si Yahweh, 'Uudyukan mo siya, at ikaw rin ay magtatagumpay. Pumunta ka na ngayon at gawin iyon.'

23Ngayon masdan mo, inilagay ni Yahweh ang mapanlinlang na espiritu sa lahat ng bibig nitong mga propeta mong ito, at si Yahweh ay naghanda ng pagkawasak para sa iyo.”

24Pagkatapos si Zedekias anak na lalaki ni Cananaa, ay umakyat, sinampal si Micaya sa pisngi, at sinabi, “Aling daan ang tinahak ng Espiritu ni Yahweh para umalis sa akin upang magsalita sa iyo?”

25Sumagot si Micaya, “Masdan ito, malalaman mo sa araw na iyon, kapag tumakbo ka papunta sa isang kaloob-loobang kwarto para magtago.”

26Sinabi ng hari ng Israel sa kaniyang lingkod, “Hulihin si Micaya at dalhin siya kay Amon, ang gobernador sa lungsod, at kay Joas, aking anak na lalaki. Sabihin sa kaniya,

27'Sinabi ng hari, ilagay ang lalaking ito sa bilangguan at pakainin ng kaunting tinapay at kaunting tubig, hanggang sa makarating akong ligtas.'”

28Pagkatapos sinabi ni Micaya. “Kung makakabalik ka ng ligtas, hindi nangusap sa akin si Yahweh,” at dinagdag pa niya, “Pakinggan niyo ito, lahat kayong mga tao.”

29Kaya si Ahab, ang hari ng Israel, at Jehoshafat, ang hari ng Juda, ay pumunta sa Ramot Galaad.

30Sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Magbabalatkayo ako at pupunta sa isang labanan, pero isuot mo ang iyong pangharing kasuotan.” Kaya nagbalatkayo ang hari at nagpunta sa labanan.

31Ngayon inutusan ng hari ng Aram ang tatlumpu't dalawang mga kapitan ng mga karwaheng pandigma, na nagsasabi, “Huwag niyong lusubin ang hindi mahalaga o mahalagang mga kawal. Sa halip, ang hari ng Israel lamang ang lusubin ninyo.”

32Nang makita ng mga kapitan ng mga karwaheng pandigma si Jehoshafat sinabi nila, “Siguradong iyon ang hari ng Israel.” Lumiko sila at nilusob siya, kaya sumigaw si Jehoshafat.

33Nang makita ng mga pinuno ng mga karwaheng pandigma na hindi iyon ang hari ng Israel, huminto sila sa pagtugis sa kaniya.

34Ngunit isang lalaki ang basta nalang nagpalipad ng kaniyang palaso at tinamaan ang hari ng Israel sa pagitan ng dugtungan ng kaniyang mga baluti. Pagkatapos sinabi ni Ahab sa nagpapatakbo ng kaniyang karwaheng pandigma, “Umikot at dalhin ako palabas sa labanang ito, dahil lubha akong sugatan.”

35Lalong sumidhi ang labanan nang araw na iyon, at ang hari ay nanatili sa kaniyang karwaheng pandigma laban sa mga Arameo. Namatay siya ng gabing iyon. dumaloy ang dugo sa kaniyang sugat hanggang sa ilalim ng kaniyang karwaheng pandigma.

2 Mga Cronica

2 Cro 18:1–34

1Ngayon, nagkaroon ng maraming kayamanan at karangalan si Jehoshafat. Umanib siya kay Ahab sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isa sa kaniyang pamilya sa anak na babae ni Ahab.

2Pagkatapos ng ilang taon, bumaba siya sa Samaria kung nasaan si Ahab. Nagkatay si Ahab ng maraming tupa at mga baka para sa kaniya at para sa mga taong kasama niya. Hinikayat din siya ni Ahab na lusubin ang Ramot-gilead kasama niya.

3Sinabi ni Ahab, na hari ng Israel, kay Jehoshafat, na hari ng Juda, “Sasama ka ba sa akin sa Ramot-gilead?” Sumagot si Jehoshafat sa kaniya, “Ako ay gaya mo at ang aking mga tao ay gaya ng iyong mga tao, sasamahan namin kayo sa digmaan.”

4Sinabi ni Jehoshafat sa hari ng Israel, “Pakiusap alamin mo muna ang salita ni Yahweh para sa kasagutan.”

5Pagkatapos, tinipon ng hari ng Israel ang mga propeta, apat na raang lalaki, at sinabi sa kanila, “Dapat ba tayong pumunta sa Ramot-gilead upang makipagdigma o hindi dapat?” Sinabi nila, “Sumalakay kayo, sapagkat ibibigay ng Diyos sa hari ang tagumpay.”

6Ngunit sinabi ni Jehoshafat, “Wala na bang ibang propeta ni Yahweh dito na maaari nating hingian ng payo?

7Sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Mayroon pang isang tao na maaari nating hingian ng payo ni Yahweh, si Micaias na anak ni Imla ngunit kinamumuhian ko siya dahil kahit kailan ay hindi siya nagpahayag ng magandang propesiya tungkol sa akin kundi mga paghihirap lamang.” Ngunit sinabi ni Jehoshafat, “Huwag naman sanang sabihin ng hari iyan.”

8Pagkatapos, tinawag ng hari ng Israel ang isang opisyal at iniutos, “Dalhin mo dito si Micaias na anak ni Imla, ngayon din.”

9Ngayon ang hari ng Israel at si Jehoshafat na hari ng Juda ay nakaupo sa kani-kanilang trono, suot ang kanilang damit na panghari, sa lantad na lugar sa pasukan ng tarangkahan ng Samaria, at lahat ng propeta ay nagpapahayag ng propesiya sa harap nila.

10Si Zedekias na anak ni Quenaana ay gumawa ng mga sungay na bakal at sinabi, “Sinabi ni Yahweh ito: 'Sa pamamagitan nito itutulak mo ang mga taga-Aram hanggang sa sila ay maubos.'”

11At pareho ang ipinahayag ng lahat ng propeta, sinasabi, “Salakayin ninyo ang Ramot-gilead at magtagumpay, sapagkat ibinigay ito ni Yahweh sa kamay ng hari.”

12Ang mensahero na pumunta upang tawagin si Micaias ay nagsalita sa kaniya, sinasabi, “Ngayon tingnan mo, ang mga salita ng mga propeta ay naghahayag ng mabubuting bagay sa hari na iisa ang sinasabi. Pakiusap hayaan mong ang iyong salita ay maging tulad ng salita ng isa sa kanila at sabihin mo ang mabubuting bagay.”

13Sumagot si Micaias, “Sa ngalan ni Yahweh na buhay magpakailanman, ang sinasabi ng Diyos ang aking sasabihin.”

14Nang dumating siya sa hari, sinabi ng hari sa kaniya, “Micaias, dapat ba kaming pumunta sa Ramot-gilead upang makipagdigma o hindi?” Sumagot si Micaias sa kaniya, “Sumalakay kayo at maging matagumpay! Sapagkat ito ay magiging malaking tagumpay.”

15Pagkatapos, sinabi ng hari sa kaniya, “Ilang beses ba kitang dapat utusan na mangakong wala kang ibang sasabihin sa akin kundi ang katotohanan sa ngalan ni Yahweh?”

16Kaya sinabi ni Micaias, “Nakita ko ang lahat ng Israel na nagkalat sa mga bundok gaya ng tupa na walang pastol, at sinabi ni Yahweh, 'Ang mga ito ay walang pastol. Hayaang umuwi ang bawat tao sa kaniyang bahay ng payapa.'”

17Kaya sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Hindi ba sinabi ko sa iyo na hindi siya maghahayag ng magandang propesiya tungkol sa akin, kundi kapahamakan lamang?”

18Pagkatapos ay sinabi ni Micaias, “Kaya dapat pakinggan ninyong lahat ang salita ni Yahweh: Nakita ko si Yahweh na nakaupo sa kaniyang trono, at lahat ng hukbo ng langit ay nakatayo sa kaniyang kanang kamay at sa kaniyang kaliwa.

19Sinabi ni Yahweh, “Sino ang mag-uudyok kay Ahab na hari ng Israel upang siya ay pumunta at bumagsak sa Ramot-gilead?' At sumagot ang isa sa ganitong paraan, at ang isa pa ay sumagot sa ganoong paraan.

20Pagkatapos ay pumunta sa harap ang espiritu, tumayo sa harap ni Yahweh at sinabi, 'Ako ang mag-uudyok sa kaniya.' Sinabi ni Yahweh sa kaniya, 'Paano?'

21Sumagot ang espiritu, 'Lalabas ako at magiging isang sinungaling na espiritu sa bibig ng lahat ng kaniyang mga propeta.' Sumagot si Yahweh, 'Ikaw ang mag-uudyok sa kaniya at magtatagumpay ka. Pumunta ka na ngayon at gawin mo.'

22Ngayon tingnan mo, naglagay si Yahweh ng sinungaling na espiritu sa bibig ng mga propeta mo, at iniutos ni Yahweh ang kapahamakan para sa iyo.”

23Pagkatapos, lumapit si Zedekias na anak ni Quenaana at sinampal sa pisngi si Micaias, at sinabi, “Saan dumaan ang Espiritu ni Yahweh na umalis mula sa akin upang magsalita sa iyo?”

24Sinabi ni Micaias, “Tingnan mo, malalaman mo iyan sa araw na ikaw ay tatakbo sa pinakaloob na silid upang magtago.”

25Sinabi ng hari ng Israel sa ilang utusan, “Kayong mga tao, hulihin ninyo si Micaias at dalhin kay Ammon, na gobernador ng lungsod, at kay Joas na aking anak.

26Sasabihin ninyo sa kaniya, 'Sinabi ng hari, Ikulong mo ang lalaking ito at pakainin siya ng kaunting tinapay at kaunting tubig lamang, hanggang sa makabalik ako nang ligtas.'”

27Pagkatapos ay sinabi ni Micaias, “Kung babalik ka nang ligtas, kung gayon ay hindi nagsalita si Yahweh sa pamamagitan ko.” At idinagdag niya, “Makinig kayo rito, lahat kayong mga tao.”

28Kaya si Ahab, ang hari ng Israel, at si Jehoshafat, ang hari ng Juda, ay nakipaglaban sa Ramot-gilead.

29Sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Magbabalatkayo ako at pupunta sa labanan, ngunit isuot mo ang iyong damit na panghari.” Kaya nagbalatkayo ang hari ng Israel, at pumunta sa labanan.

30Nagutos ang hari ng Aram sa mga kapitan ng kaniyang karwahe, sinasabi, “Huwag ninyong salakayin ang mga hindi mahalaga o mahalagang kawal. Sa halip, salakayin lamang ninyo ang hari ng Israel.”

31At nangyari, nang nakita ng mga kapitan ng karwahe si Jehoshafat, sinabi nila, “Iyon ang hari ng Israel.” Umikot sila upang salakayin siya, ngunit sumigaw si Jehoshafat, at tinulungan siya ni Yahweh. Pinaalis sila ni Yahweh palayo sa kaniya.

32At nangyari, nang nakita ng mga kapitan ng karwahe na hindi iyon ang hari ng Israel, tumigil sila sa paghahabol sa kaniya.

33Ngunit may isang taong humatak sa kaniyang pana nang sapalaran at tinamaan ang hari ng Israel, sa pagitan ng pinagdugtungan ng kaniyang baluti. Pagkatapos ay sinabi ni Ahab sa nagpapatakbo ng kaniyang karwahe, “Lumiko ka at dalhin mo ako palayo sa labanan, sapagkat malubha akong nasugatan.”

34Lumala ang labanan sa araw na iyon, at ang hari ng Israel ay nanatili sa kaniyang karwahe na nakaharap sa mga taga-Aram hanggang gabi. Nang lumulubog na ang araw, namatay siya.

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY