Bible Explorer

Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Ang mga hari ng Juda

Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Ang mga hari ng Juda

Ang paghahari ni Jehoshafat

1 Hari 22:41–50 · 2 Cro 20:31–37; 21:1

1 Mga Hari

1 Hari 22:41–50

41Pagkatapos si Jehoshafat anak na lalaki ni Asa ay nagsimulang maghari sa Juda sa ikaapat na taon ni Ahab hari ng Israel.

42Si Jehoshafat ay tatlumpu't limang taon nang magsimula siyang maghari, at namuno siya sa Jerusalem nang dalawampu't limang taon. Ayuba ang pangalan ng kaniyang ina, na anak na babae ni Silhi.

43Lumakad siya sa kaparaanan ni Asa, kaniyang ama; hindi niya sila tinalikuran; ginawa niya kung ano ang tama sa paningin ni Yahweh. Gayunman, ang mga dambana ay hindi parin inalis. Patuloy na nag-aalay at nagsusunog ng mga insenso ang mga tao sa mga dambana.

44Nakipagkasundo si Jehoshafat sa hari ng Israel.

45Para sa ibang bagay na ukol kay Jehoshafat, at ang kalakasan na kaniyang ipinakita, at kung paano niya pinagtagumpayan ang digmaan, hindi ba ang mga ito ay nasusulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda?

46Inalis niya mula sa lupain ang mga natirang mga lalaki at babaeng bayaran sa sagradong lugar na nanatili sa mga araw ng kaniya Amang si Asa.

47Walang hari sa Edom, pero isang pumapangalawa ang namuno doon.

48Gumawa ng pangkaragatang barko si Jehoshafat; Pupunta sila sa Ofir para sa ginto, pero hindi sila natuloy dahil ang mga barko ay nawasak sa Ezion Geber.

49Pagkatapos sinabi ni Ahazias anak na lalaki ni Ahab kay Jehoshafat, “Hayaan ang aking mga lingkod na maglayag kasama ng iyong mga lingkod sa mga barko.” Pero hindi ito pinayagan ni Jehoshafat.

50Natulog si Jehoshafat kasama ng kaniyang mga ninuno at inilibing kasama nila sa lungsod ni David, na kaniyang ninuno; si Jehoram ang kaniyang anak na lalaki ang naging hari kapalit niya.

2 Mga Cronica

2 Cro 20:31–37; 21:1

20:31Si Jehoshafat ang naghari sa Juda: siya ay nasa tatlumput' limang taong gulang nang siya ay nagsimulang maghari, at naghari siya sa Jerusalem sa loob ng dalawamput' limang taon. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Azuba, ang babaeng anak ni Silhi.

20:32Lumakad siya sa mga kaparaanan ni Asa, ang kaniyang ama; hindi niya tinalikuran ang mga ito; ginawa niya kung ano ang tama sa paningin ni Yahweh.

20:33Gayunman, ang mga altar ay hindi pa inaalis o ni hindi pa itinuon ng mga tao ang kanilang mga puso sa Diyos ng kanilang mga ninuno.

20:34Para sa iba pang mga bagay tungkol kay Jehoshafat, mula una at hanggang sa huli, tingnan, nakasulat ito sa kasaysayan ni Jehu na lalaking anak ni Hanani, na nakatala sa Aklat ng mga Hari ng Israel.

20:35Pagkatapos nito, si Jehoshafat, ang hari ng Juda ay nakipagkasundo kay Ahazias, ang hari ng Israel, na nagsasagawa ng labis na kasamaan.

20:36Nakipagkasundo siya sa kaniya upang gumawa ng mga barkong pangkaragatan. Ginawa nila ang mga barko sa Ezion-geber.

20:37At si Eliezer, ang lalaking anak ni Dodavahu sa Maresa ay nagpahayag ng propesiya laban kay Jehoshafat; sinabi niya, “Dahil nakipagkasundo ka kay Ahazias, winasak ni Yahweh ang inyong mga ginawa.” Winasak ang mga barko kaya hindi sila nakapaglayag.

21:1Si Jehoshafat ay namahinga kasama ang kaniyang mga ninuno at inilibing kasama nila sa lungsod ni David; si Jehoram, na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY