Bible Explorer

Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Ang mga hari ng Juda

Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Ang mga hari ng Juda

Ang pagkamatay ni Asa

1 Hari 15:23–24 · 2 Cro 16:11–14

1 Mga Hari

1 Hari 15:23–24

23At sa iba pang mga bagay tungkol kay Asa, ang kaniyang kadakilaan, ang lahat ng kaniyang ginawa, ang lahat ng mga lungsod na kaniyang itinayo, hindi ba naisulat ang mga ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda? Pero nang siya ay tumanda na, nagkaroon siya ng sakit sa paa.

24At si Asa ay nahimlay kasama ang kaniyang mga ninuno at inilibing sa lungsod ni David na kaniyang ama. Si Jehosafat na kaniyang anak ang naging hari kapalit niya.

2 Mga Cronica

2 Cro 16:11–14

11Ang lahat ng mga ginawa ni Asa mula sa umpisa hanggang sa wakas, tingnan ninyo, nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel.

12Sa ikatatlumpu't siyam na taon ng kaniyang paghahari, si Asa ay nagkaroon ng sakit sa paa; napakalubha ng kaniyang sakit. Gayunpaman, hindi siya humingi ng tulong kay Yahweh, kundi sa mga manggagamot lamang.

13Namatay si Asa kasama ang kaniyang mga ninuno; namatay siya nang ikaapatnapu't isang taon ng kaniyang paghahari.

14Inilibing nila siya sa kaniyang sariling libingan, na ipinahukay niya sa lungsod ni David para sa kaniyang. Inilagay siya sa kabaong na puno ng mababangong amoy at iba't ibang uri ng pabango na inihanda ng mga taong mahusay gumawa ng pabango. Pagkatapos, gumawa sila ng napakalaking apoy bilang parangal sa kaniya.

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY