Bible Explorer

Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Mula kay Hezekias hanggang kay Josias

Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Mula kay Hezekias hanggang kay Josias

Pinanibago ni Josias ang tipan

2 Hari 23:1–3 · 2 Cro 34:29–32

2 Mga Hari

2 Hari 23:1–3

1Kaya nagpadala ng mga sugo ang hari na tinipon sa kaniya lahat ng mga nakatatandang pinuno ng Juda at ng Jerusalem.

2Pagkatapos pumunta ang hari sa tahanan ni Yahweh, at kasama niya ang lahat ng mga lalaki ng Juda at lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem, at ang mga pari, mga propeta, at lahat ng mga tao, mula sa hamak hanggang sa dakila. Pagkatapos binasa niya sa kanilang pandinig lahat ng mga salita ng aklat ng tipan na natagpuan sa tahanan ni Yahweh.

3Tumayo ang hari sa tabi ng haligi at gumawa ng tipan sa harap ni Yahweh, na susunod kay Yahweh, at susundin ang kaniyang mga utos, mga batas ng tipan, at mga tuntunin, nang kaniyang buong puso at buong kaluluwa, para pagtibayin ang mga salita ng tipang ito na nakasulat sa aklat na ito. Kaya sumang-ayon ang lahat ng mga tao na panindigan ang tipan.

2 Mga Cronica

2 Cro 34:29–32

29Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero ang hari at tinipon ang lahat ng mga nakatatanda ng Juda at Jerusalem.

30Pagkatapos ay umakyat ang hari sa tahanan ni Yahweh, at ang lahat ng mga tao sa Juda at ang mga naninirahan sa Jerusalem, ang mga pari, ang mga Levita, at ang lahat ng tao mula sa mga dakila hanggang sa mga hamak. Binasa niya sa kanila ang lahat ng salita ng Aklat ng Kautusan na natagpuan sa tahanan ni Yahweh.

31Tumayo ang hari sa kaniyang lugar at nakipagtipan sa harap ni Yahweh, na susunod siya kay Yahweh, at susundin niya ang kaniyang mga kautusan, ang kaniyang tipan ng katapatan, at ang kaniyang mga batas nang buong puso at kaluluwa, na susundin niya ang mga salita ng kasunduan na nakasulat sa aklat na ito.

32Pinanumpa niya ang lahat ng taong matatagpuan Jerusalem at Benjamin na sumunod sa kasunduan. Ang mga mamamayan ng Jerusalem ay sumunod sa kasunduan ng Diyos, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY