16May digmaan sa pagitan nila Asa at Baasa na hari ng Israel, sa buong buhay nila.
17Mapangahas na kumilos si Baasa na hari ng Israel laban sa Juda at itinayo ang Rama, para mapigilan niya ang sinuman na makapasok o makalabas sa lupain ni Asa hari ng Juda.
18Kaya kinuha ni Asa ang lahat ng mga pilak at ginto sa taguan ng mga kayamanan ng templo at ng palasyo ng hari. Inabot niya ito sa kamay ng kaniyang mga lingkod at inutusan silang dalhin ito kay Ben Hadad, anak ni Tabrimon anak ni Hezion, ang hari ng Aram na nakatira sa Damasco.
19Sinabi niya, “Magkaroon tayo ng kasunduan, na tulad ng kasunduan na mayroon ang mga ama natin. Tingnan mo, pinadalhan kita ng mga pilak at ginto. Putulin mo na ang kasunduan mo kay Baasa na Hari ng Israel, para hayaan na niya ako.”
20Nakinig si Ben Hadad kay Haring Asa at ipinadala ang mga pinuno ng kaniyang mga hukbo, at kanilang sinalakay ang mga lungsod sa Israel. Sinalakay nila ang Ijon, Dan, Abel Bet Maaca, at ang buong Cineret, kasama ng lahat ng lupain ng Neftali.
21Nang marinig ito ni Haring Baasa, itinigil niya ang pagtayo ng Rama at bumalik sa Tirza.
22At gumawa ng proklamasyon para sa buong Juda si Haring Asa. Walang sinuman ang hindi sakop nito. Dinala nila ang lahat ng mga troso at mga bato na ginagamit ni Haring Baasa para itayo ang Rama. Ginamit ni Haring Asa ang mga ito para itayo ang Geba ng Benjamin at Mizpah.