Tuklasin › Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi › Pagtuturo
Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi · Pagtuturo
Paglapastangan sa Espiritu
Mat 12:31–32 · Mar 3:28–30 · Luc 12:10
Mat 12:31–3231Kung gayon ay sinasabi ko sa inyo, ang lahat ng kasalanan at kalapastangan sa tao ay mapapatawad. Ngunit ang lahat ng kalapastanganan sa Espiritu ay hindi mapapatawad.
32Sinumang magbigkas ng anumang salita laban sa Anak ng Tao, siya ay mapapatawad. Ngunit sinumang magsasalita laban sa Banal na Espiritu, siya ay hindi mapapatawad, maging dito sa mundo o sa darating.
Mar 3:28–3028Totoo itong sinasabi ko sa inyo, ang lahat ng mga kasalanan ng mga anak ng tao ay mapapatawad, maging ang lahat ng mga kalapastanganang sinasabi nila,
29ngunit ang sinumang lumalapastangan laban sa Banal na Espiritu ay hindi kailanman magkakaroon ng kapatawaran, ngunit mayroong walang hanggang kasalanan.”
30Sinabi ito ni Jesus dahil sinasabi nilang, “Mayroon siyang maruming espiritu.”
Luc 12:1010Ang bawat taong magsasabi ng salita laban sa Anak ng Tao, ito ay patatawarin, ngunit ang lumapastangan sa Banal na Espiritu, ay hindi patatawarin.
May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.
Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY