Simula › Ang sinasabi ng Bibliya › Kalungkutan at depresyon
Damdamin
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Kalungkutan at depresyon
Ang mga talatang pinakamadalas balikan ng mga mambabasa para sa paksang ito (15), sinipi nang buo mula sa Tagalog Unlocked Literal Bible.
Kung napakabigat, huwag mong harapin ito nang mag-isa: kausapin ang taong pinagkakatiwalaan mo, isang pari o pastor, o isang doktor.
Awit 34:18
Si Yahweh ay malapit sa mga wasak ang puso, at inililigtas niya ang mga nadurog ang espiritu.Sant 1:2–4
Ituring ninyong kagalakan ito mga kapatid, kung nakakaranas kayo ng ibat-ibang kaguluhan, dahil nalalaman ninyo na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay nagdudulot ng pagtitiis. Hayaan ang pagtitiis na tapusin ang kaniyang gawa, upang kayo ay ganap na lumago, na walang kakulangan.Fil 4:7
At ang kapayapaan ng Diyos na humihigit sa lahat ng pang-unawa, ang mag-iingat sa inyong mga puso at isipan kay Cristo Jesus.Sant 5:13
Mayroon bang nagdurusa sa inyo? Dapat siyang manalangin.Mat 5:4
Pinagpala ang mga nagdadalamhati sapagkat sila ay aaliwin.Pah 21:4
Papahirin niya ang bawat luha mula sa kanilang mga mata, wala nang kamatayan, o pagdadalamhati, o pag-iyak, o sakit. Ang naunang mga bagay ay lumipas na.2 Cor 7:6
Ngunit ang Diyos, na nagbibigay kaaliwan sa mga pinanghihinaan ng loob, ay nagbigay kaaliwan sa amin sa pamamagitan ng pagdating ni Tito.Awit 30:5
Dahil ang kaniyang galit ay isang saglit lamang; pero ang kaniyang pabor ay panghabangbuhay. Ang pag-iyak ay dumarating sa gabi, pero ang kagalakan ay dumarating sa umaga.Awit 55:22
Ilagay mo ang iyong pasanin kay Yahweh, at ikaw ay kaniyang aalalayan; hindi niya papayagang sumuray- suray sa paglalakad ang taong matuwid.Kaw 12:25
Ang pangamba sa puso ng tao ay nagpapabigat sa kaniya, ngunit nagpapagalak ang mabuting salita.Juan 14:1
Huwag ninyong hayaan mabalisa ang inyong puso. Manampalataya kayo sa Diyos; manampalataya rin kayo sa akin.2 Cor 1:3–4
Nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay mapapurihan. Siya ang Ama ng mga awa at ang Diyos ng lahat ng kaalliwan. Ang Diyos ang nagbibigay ng kaginhawaan sa atin sa lahat ng ating mga pagdurusa, upang mabigyan natin ng kaaliwan ang lahat ng nagdurusa. Makakapagbigay tayo ng aliw sa iba kung paano tayo binigyang aliw ng Diyos.Awit 147:3
Ibinabalik niya ang mga taong dinala sa ibang bayan. Pinalalakas niya ulit ang mga pinanghihinaan ng loob at pinagagaling ang kanilang mga sugat.Awit 23:4
Kahit na lumakad ako sa gitna ng napakadilim na anino ng lambak, hindi ko katatakutan ang kapahamakan dahil ikaw ang kasama ko; ang iyong pamalo at iyong tungkod ang nagpapayapa sa akin.2 Cor 12:9
At sinabi niya sa akin, “Ang aking biyaya ay sapat sa iyo, sapagkat ang kapangyarihan ay nagiging ganap sa kahinaan.” Kung kaya mas mabuti pang ipagmayabang ko ang tungkol sa aking kahinaan, upang ang kapangyarihan ni Cristo ay manahan sa akin.Ito ang mga talatang madalas balikan ng mga mambabasa sa paksang ito — hindi isang aral tungkol dito. Basahin ang bawat isa sa kabanata nito.
Mga pinagkunan
Ang mga talata ng bawat paksa at ang pagkakasunod-sunod nila: datos ng mga paksa ng OpenBible.info, ayon sa boto ng mga mambabasa: OpenBible.info · CC BY 4.0
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0