Simula › Ang sinasabi ng Bibliya › Pag-iisa
Damdamin
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Pag-iisa
Ang mga talatang pinakamadalas balikan ng mga mambabasa para sa paksang ito (15), sinipi nang buo mula sa Tagalog Unlocked Literal Bible.
Isa 41:10
Huwag kang matakot, sapagkat ako ay kasama mo. Huwag kang mabalisa, sapagkat ako ang iyong Diyos. Pagtitibayin kita, at tutulungan kita, at aalalayan kita sa pamamagitan ng aking kanang kamay ng aking marapat na tagumpay.Gen 2:18
Pagkatapos sinabi ni Yahweh na Diyos, “Hindi mabuti na ang lalaki ay nag-iisa. Gagawa ako ng katuwang na babagay para sa kanya.”Heb 13:5
Dapat ang paraan ng inyong pamumuhay ay maging malaya mula sa labis na pagmamahal sa pera. Masiyahan sa mga bagay na mayroon kayo, sapagkat sinabi mismo ng Diyos,” Hindi kita iiwan ni pababayaan man.”Deut 31:6
Magpakatatag at magpakatapang, huwag matakot, at huwag matakot sa kanila; sapagkat si Yahweh na inyong Diyos, ang siyang sasama sa inyo; hindi niya kayo bibiguin ni pababayaan.”Awit 27:10
Kahit na pabayaan ako ng aking ama o ng aking ina, si Yahweh ang mag-aaruga sa akin.Awit 68:5–6
Ang ama ng mga walang ama, ang hukom ng mga balo, ay Diyos sa banal na lugar kung saan siya nananahan. Inilalagay ng Diyos ang mga nalulungkot na magkaroon ng mga pamilya; pinalalaya niya ang mga bilanggo na nag-aawitan; pero maninirahan sa tigang na lupa ang mga suwail.Mat 28:20
Turuan sila na sumunod sa lahat ng mga iniutos ko sa inyo. At pakinggan ninyo, Ako ay laging nasa inyo, maging sa katapusan ng mundo.”Awit 23:4
Kahit na lumakad ako sa gitna ng napakadilim na anino ng lambak, hindi ko katatakutan ang kapahamakan dahil ikaw ang kasama ko; ang iyong pamalo at iyong tungkod ang nagpapayapa sa akin.Awit 46:1
Ang Diyos ang ating kublihan at kalakasan, ang handang tumulong kapag may kaguluhan.Mang 4:9–10
Ang gawain ng dalawang tao ay mas mabuti kaysa sa isa; sabay silang makikinabang sa isang mainam na kabayaran sa kanilang gawain. Kapag nabuwal ang isa, maaaring ibangon ng isa ang kaniyang kaibigan. Subalit, kalungkutan ang sumusunod sa nag-iisa kapag nabuwal siya kung walang magbabangon sa kaniya.Jos 1:9
Hindi ba iniutos ko sa iyo? Maging malakas at matapang! Huwag matakot. Huwag matakot. Kasama mo si Yahweh na iyong Diyos saan ka man pupunta.”Kaw 18:1
Sinumang ihinihiwalay ang kaniyang sarili ay naghahangad ng sariling kagustuhan at siya ay nakikipagtalo sa lahat ng kaisipang may katuturan.Heb 13:6
Dapat tayo ay masiyahan upang masabi natin ng may katapangan,” Ang Panginoon ang tutulong sa akin hindi ako matatakot Ano ang magagawa ng sinuman sa akin.Awit 34:18
Si Yahweh ay malapit sa mga wasak ang puso, at inililigtas niya ang mga nadurog ang espiritu.Juan 14:18
Hindi ko kayo iiwanan nang nag-iisa. Babalik ako sa inyo.Ito ang mga talatang madalas balikan ng mga mambabasa sa paksang ito — hindi isang aral tungkol dito. Basahin ang bawat isa sa kabanata nito.
Mga pinagkunan
Ang mga talata ng bawat paksa at ang pagkakasunod-sunod nila: datos ng mga paksa ng OpenBible.info, ayon sa boto ng mga mambabasa: OpenBible.info · CC BY 4.0
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0