Bible Explorer Kunin ang app

Simula › Mga tanyag na talata ng Bibliya › Mga Taga-Roma 16:17

Talata ng Bibliya · ULB

Mga Taga-Roma 16:17

Ngayon hinihikayat ko kayo, mga kapatid, na isipin ninyo ang mga taong nagiging dahilan ng pagkababaha-bahagi at pagkakatisod. Lumalagpas sila sa mga turong inyong napag-aralan. Talikuran ninyo sila.

Basahin ang buong kabanata: Mga Taga-Roma 16

Sa konteksto

14Batiin ninyo sina Asincrito, Flegonte, Hermes, Patrobas, Hemas at ang mga kapatid na kasama nila.

15Batiin ninyo sina Filologo at Julia, Nereo at ang kaniyang kapatid na babae, at si Olimpas, at lahat ng mga mananampalataya na kasama nila.

16Batiin ninyo ang isa't isa sa pamamagitan ng banal na halik. Lahat ng mga iglesiya ni Cristo ay binabati kayo.

17Ngayon hinihikayat ko kayo, mga kapatid, na isipin ninyo ang mga taong nagiging dahilan ng pagkababaha-bahagi at pagkakatisod. Lumalagpas sila sa mga turong inyong napag-aralan. Talikuran ninyo sila.

18Sapagkat ang mga taong tulad nito ay hindi naglilingkod sa ating Panginoong Cristo, kundi ang sarili nilang hangarin. Sa pamamagitan ng kanilang kaaya-aya at mga kalugod-lugod na pananalita nililinlang nila ang mga puso ng mga walang malay.

19Sapagkat ang inyong halimbawa ng pagsunod ay umabot na sa lahat. Kaya nagagalak ako sa inyo, ngunit gusto kong maging matalino kayo tungkol sa mga bagay na mabuti, at walang kamalayan sa kasamaan.

20Hindi magtatagal, ang Diyos ng kapayapaan ay dudurugin si Satanas sa ilalim ng inyong mga paa. Nawa ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyo.

Mga Taga-Roma 16

Sa Ingles

Berean Standard BibleRomans 16:17Now I urge you, brothers, to watch out for those who create divisions and obstacles that are contrary to the teaching you have learned. Turn away from them.

Mga kaugnay na sanggunian

Ang mga siping pinakamadalas iugnay ng mga mambabasa sa talatang ito.

Jud 1:19Ang mga taong ito ay dahilan ng pagkaba-bahagi, pinamumunuan ng makamundong pagnanasa, at wala sa kanila ang Espiritu.
2 Tes 3:6Ngayon inuutusan namin kayo, mga kapatid, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na lumayo kayo sa mga taong tamad sa pamumuhay at hindi ayon sa mga kaugalian na inyong tinanggap mula sa amin.
1 Tim 6:3–5Kung mayroong magtuturo ng kakaiba at hindi tinanggap ang ating tapat na tagubilin, na ang mga Salita ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kung hindi nila tanggapin ang katuruan na nagdadala sa pagiging maka-diyos. Ang taong ito ay mapagmataas at walang nalalaman. Sa halip, sakit na niya ang manuligsa at makipagtalo tungkol sa mga salita. Ang mga salitang ito ay humahantong sa pagkainggit, pagtatalo, mga insulto, mga masamang akala, at patuloy na pag-aawayan sa pagitan ng mga taong baluktot ang mga pag-iisip. Tumalikod sila sa katotohanan. Iniisip nila na ang pagiging maka-diyos ay isang paraan upang yumaman.”
2 Tim 3:5Magkukunwari silang mga maka-diyos ngunit itatanggi nila ang kapangyarihan nito. Layuan mo ang mga taong ito.
Col 2:8Tiyakin ninyong walang huhuli sa inyo sa pamamagitan ng pilosopiya at ang walang kabuluhang pagmamayabang ayon sa tradisyon ng mga tao, ayon sa mga elemento ng mundo, at hindi naaayon kay Cristo.
Tito 3:10Itanggi ang sinumang nagdudulot ng pagkahati-hati sa inyo, pagkatapos ng isa o dalawang babala,
2 Juan 1:7–11Sapagkat maraming manlilinlang ang naglipana sa mundo, at hindi nila ipinapahayag na si Jesu-Cristo ay dumating sa laman. Ito ay ang manlilinlang at ang anticristo. Tingnan ang inyong mga sarili, upang hindi ninyo mawala ang mga bagay na pinagtrabahuhan nating lahat, pero nang sa gayon kayo ay maaaring makatanggap ng buong gantimpala. Kung sinuman ang nauuna at hindi nananatili sa katuruan ni Cristo ay walang Diyos. Siya na nananatili sa katuruan ay nasa kanya pareho ang Ama at ang Anak. Kung sinuman ang lumapit sa inyo at hindi dala ang katuruang ito, huwag ninyo siyang tanggapin sa inyong bahay at huwag ninyo siyang batiin. Sapagkat ang sinumang bumabati sa kaniya ay nakikisali sa kaniyang mga masasamang gawa.
2 Tes 3:14–15Kung mayroon mang hindi sumusunod sa mga salita na aming isinulat, tandaan ninyo siya at huwag kayong makisama sa kaniya upang siya ay mahiya. Huwag ninyo siyang ituring na kaaway, ngunit pagsabihan ninyo siya bilang isang kapatid.

Mga pinagkunan: OpenBible.info, CC BY 4.0 · Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan