Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Disyembre 2027 › Disyembre 29
Kalendaryong Orthodox · Disyembre 16 (lumang kalendaryo)
Mga pagbasang Ortodokso — Disyembre 29, 2027
Miyerkules · Ika-28 linggo pagkatapos ng Pentekostes · Tono 2
Mga kapistahan at mga santo
Propeta Hagai (500 BC)
Pag-aayuno ng Pasko
Pag-aayuno: lutong pagkain na walang langis
Ito ay ayon sa panuntunan ng monasteryo. Sa parokya, ang sukat ng pag-aayuno ay itinatakda kasama ng kumpesor, ayon sa kalusugan, edad at kalagayan.
Mga pagbasa sa araw na ito
Sulat
9Gawin mo ang iyong makakaya upang makarating agad sa akin. 10Sapagkat iniwan ako ni Demas. Iniibig niya ang kasalukuyang mundong ito at pumunta sa Tesalonica. Pumunta si Cresente sa Galacia, at pumunta si Tito sa Dalmacia. 11Si Lucas lamang ang kasama ko. Dalhin mo si Marcos at isama mo dahil malaki ang naitutulong niya sa akin sa gawain. 12Pinapunta ko si Tiquico sa Efeso. 13Dalhin mo kapag pupunta ka dito ang balabal na iniwan ko sa Troas kasama si Carpus at ang mga aklat, lalo na ang mga sulatan. 14Si Alejandro na panday ay nagpakita ng maraming masasamang gawa laban sa akin. Ang Panginoon ang maniningil sa kaniya ayon sa kaniyang mga gawa. 15Bantayan mo din ang iyong sarili laban sa kaniya, sapagkat labis niyang sinasalungat ang ating mga salita. 16Sa una kong pagtatanggol ay walang nanatili sa akin. Sa halip, iniwan ako ng lahat. Hindi sana ito maibilang laban sa kanila. 17Ngunit nanatili ang Panginoon sa akin at ako ay pinalakas upang sa pamamagitan ko, ang pagpapahayag ay ganap na matupad at upang marinig ng lahat ng mga Gentil. Sinagip ako mula sa bibig ng leon. 18Sasagipin ako ng Panginoon sa bawat masasamang gawa at ililigtas ako para sa kaniyang kaharian sa langit. Sa kaniya ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen. 19Batiin mo si Priscila, si Aquila at ang sambahayan ni Onesiforo. 20Nanatili si Erasto sa Corinto ngunit iniwan ko si Tropimo na may sakit sa Mileto. 21Gawin mo ang iyong makakaya na makarating bago ang taglamig. Binabati kayo ni Eubulo, gayundin si Pudente, Lino, Claudia at lahat ng mga kapatid. 22Sumainyo nawa ang Panginoon sa Espiritu. Ang biyaya nawa ay sumainyo.
Ebanghelyo
30Binalaan sila ni Jesus na huwag ipagsabi sa kahit kanino ang tungkol sa kaniya. 31At nagsimula siyang magturo sa kanila na ang Anak ng Tao ay kailangang magdusa ng maraming bagay, at hindi tatanggapin ng mga nakatatanda, ng mga punong pari at ng mga eskriba, at ipapapatay, at muling babangon matapos ang tatlong araw. 32Malinaw niya itong sinabi. At dinala siya ni Pedro sa isang tabi at nagsimula siyang pagsabihan. 33Ngunit lumingon si Jesus at tumingin sa kaniyang mga alagad at sinaway niya si Pedro at sinabi, “Layuan mo ako Satanas! Hindi mo pinahahalagahan ang mga bagay tungkol sa Diyos ngunit pinahahalagahan mo ang mga bagay tungkol sa mga tao.” 34Pagkatapos tinawag niya ang maraming tao, kasama ng kaniyang mga alagad, at sinabi niya sa kanila, “Kung sinuman ang nagnanais sumunod sa akin, kailangan niyang ikaila ang kaniyang sarili, pasanin ang kaniyang krus at sumunod sa akin.
Mga santo ng araw
- Paring Martir Vladimir, pari (1918)
- Mga Paring Martir Arcadio, Obispo ng Bezhetsk, Elias, Pablo, Teodosio, Vladimir at Alejandro, mga pari, at Kagalang-galang na Martir Macario (1937)
- Paring Martir Pedro, pari (1937)
- Martir Marino (ika-3 siglo)
- Pinagpalang Reyna Teofania (893-894)
- Kagalang-galang na Sofia ng Suzdal (1542)
Ang mga petsa ay ayon sa kalendaryong Juliano ng Simbahang Ruso (gaya ng mga Simbahang Serbiyo at Heorhiyano at ng Bundok Athos): ang Disyembre 16 sa kalendaryo ng simbahan ay Disyembre 29 sa sibil na kalendaryo. Ipinagdiriwang ng mga Simbahan sa bagong kalendaryo (Gresya, Romania, Bulgaria, Ukraine…) ang mga di-nagagalaw na kapistahan at ang mga santo sa mismong petsang sibil, 13 araw na mas maaga, at iba ang ilan sa kanilang mga pagbasa; pareho ang Pasko ng Pagkabuhay at ang mga araw na nakasalalay rito.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan