Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Disyembre 2027 › Disyembre 11
Kalendaryong Katoliko
Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Disyembre 11, 2027
Sabado · Ikalawang linggo ng Adbiyento
Mga kapistahan at mga santo
Sabado ng ikalawang linggo ng Adbiyento
Malayang Paggunita · Kulay ng liturhiya: lila
San Damaso I, papa · Malayang Paggunita
Mga pagbasa sa araw na ito
Unang Pagbasa
Wala sa saling ito
Salmong Tugunan
1Bigyang pansin mo, Pastol ng Israel, ikaw na nangunguna kay Jose tulad ng isang kawan; ikaw na nakaupo sa ibabaw ng kerubin, magliwanag ka sa amin! 2Sa paningin ni Efraim at Benjamin at Manases, palakasin mo ang iyong kapangyarihan; lumapit ka at iligtas kami. 14Bumalik ka, Diyos ng mga hukbo; pagmasdan mo mula sa langit at pansinin at alagaan ang puno ng ubas na ito. 15Ito ang ugat na itinanim ng iyong kanang kamay, ang usbong na pinalago mo 17Nawa ang iyong kamay ay maipatong sa taong iyong kanang kamay, sa anak ng tao na pinalakas mo para sa iyong sarili. 18Sa gayon hindi kami tatalikod mula sa iyo; pasiglahin mo kami, at tatawag kami sa iyong pangalan.
Ebanghelyo
10Tinanong siya ng kaniyang mga alagad, na sinasabi, “Bakit sinasabi ng mga eskriba na kailangan daw munang dumating si Elias?” 11Sumagot si Jesus at sinabi, “Totoo na darating si Elias at aayusin ang lahat ng mga bagay. 12Ngunit sinasabi ko sa inyo, si Elias ay dumating na, ngunit siya ay hindi nila nakilala. Sa halip, ginawa nila ang nais nilang gawin sa kaniya. Sa gayon ding paraan, ang Anak ng Tao ay magdurusa rin sa kanilang mga kamay.” 13At naintindihan ng mga alagad na ang tinutukoy niya ay si Juan na Tagapagbautismo.
Mga santo ng araw
- San Damaso I, papa
Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo C, taon ng karaniwang araw II.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan