Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Setyembre 2027 › Setyembre 12
Kalendaryong Orthodox · Agosto 30 (lumang kalendaryo)
Mga pagbasang Ortodokso — Setyembre 12, 2027
Linggo · Tono 3
Mga kapistahan at mga santo
Ika-12 Linggo pagkatapos ng Pentekostes
Pag-aayuno
Walang pag-aayuno
Ito ay ayon sa panuntunan ng monasteryo. Sa parokya, ang sukat ng pag-aayuno ay itinatakda kasama ng kumpesor, ayon sa kalusugan, edad at kalagayan.
Mga pagbasa sa araw na ito
Unang Ebanghelyo ng Panalangin sa Umaga
16Ngunit ang labing-isa na mga alagad ay pumunta sa Galilea, sa bundok na kung saan itinuro ni Jesus sa kanila. 17Nang siya ay nakita nila, sinamba nila siya, ngunit ang iba ay nag-alinlangan. 18Pumunta si Jesus sa kanila at nagsalita sa kanila at sinabi, “Ibinigay sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. 19Humayo kayo at gawing mga alagad ang lahat ng mga bansa. Bautismuhan sila sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu. 20Turuan sila na sumunod sa lahat ng mga iniutos ko sa inyo. At pakinggan ninyo, Ako ay laging nasa inyo, maging sa katapusan ng mundo.”
Sulat
1Ngayon aking pina-aalala sa inyo, mga kapatid, ang ebanghelyo na aking ipinangaral sa inyo, na inyong tinanggap at tinatayuan. 2Sa pamamagitan ng ebanghelyong ito kayo ay naligtas, kung kayo ay hahawak na mabuti sa mga salita na aking ipinangaral sa inyo, maliban lang kung kayo ay naniwala ng walang kabuluhan. 3Sapagkat binigay ko sa inyo ang pinakamahalaga na aking tinanggap: na si Cristo ay namatay alang-alang sa ating mga kasalanan ayon sa mga kasulatan, 4na siya ay inilibing, at siya ay nabuhay noong ikatlong araw ayon sa mga kasulatan. 5At na siya ay nagpakita kay Cefas, at pagkatapos sa Labindalawa. 6Pagkatapos siya ay nagpakita sa mahigit limandaan na mga kapatid ng paminsan. Karamihan sa kanila ay buhay pa, ngunit ang ilan ay natulog na. 7At pagkatapos siya ay nagpakita kay Santiago, at sa lahat ng mga apostol. 8Kahulihulihan sa lahat, siya ay nagpakita sa akin, katulad ng isang sanggol na ipinanganak na hindi pa napapanahon. Sapagkat ako ang pinakahamak sa lahat ng mga apostol. Ako ay hindi karapat-dapat na tawaging apostol, 9sapagkat inusig ko ang iglesya ng Diyos. 10Ngunit sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos ako ay naging ako, at ang kaniyang biyaya sa akin ay hindi nawalan ng kabuluhan. Sa halip, ako ay mas nagtrabaho ng higit sa kanila. Ngunit hindi ako iyon, kundi ang biyaya ng Diyos na nasa akin. 11Kaya kahit na ako o sila man, kami ay nangaral at naniwala kayo.
Ebanghelyo
16Masdan ito, isang lalaki ang lumapit kay Jesus at sinabi, “Guro, ano ang mabuting bagay na kinakailangan kong gawin upang ako ay magkaroon ng buhay na walang hanggan?” 17Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Bakit mo ako tinatanong tungkol sa kung ano ang mabuti? Isa lang ang mabuti, ngunit kung nais mong pumasok sa buhay, tuparin mo ang mga kautusan.” 18At sinabi ng lalaki sa kaniya, “Alin sa mga kautusan? Sinabi ni Jesus, “Huwag kang pumatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnakaw, huwag kang magsinungaling sa iyong pagsaksi, 19igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, at ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamamhal mo sa iyong sarili. 20At sinabi ng binatang lalaki sa kaniya, ang lahat nang ito ay sinunod ko. Ano pa ba ang kailangan ko? 21Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kung nais mong maging ganap, humayo ka at ipagbili mo ang iyong ari-arian at ibigay sa mahihirap, at magkakaroon ka ng yaman sa langit. At halika, sumunod ka sa akin.” 22Subalit ng marinig ng binatang lalaki ang sinabi ni Jesus, umalis siya na malungkot, sapagkat siya ay may napakaraming mga ari-arian. 23Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo, mahirap makapasok ang isang mayaman sa kaharian ng langit. 24Muling sinasabi ko sa inyo, madali pa sa isang kamelyo ang pumasok sa butas ng karayom kaysa sa isang mayaman na makapasok sa kaharian ng Diyos.” 25Nang mapakinggan ito ng mga alagad, sila ay namangha at sinabi, “Sino kung gayon ang maaaring maligtas?” 26Tumingin sa kanila si Jesus at sinabi, “Sa mga tao ito ay imposible ngunit sa Diyos, lahat ay posible.”
Mga santo ng araw
- Mga Banal na Hirarka Alejandro (340), Juan (595) at Pablo ang Bago (784), mga Patriyarka ng Constantinopla
- Kagalang-galang na Alejandro ng Svir (1533)
- Paglilipat ng mga relikya ni Tapat na Prinsipe Alejandro Nevsky (1724)
- Pagkatagpo sa mga relikya ni Tapat na Prinsipe Daniel ng Moscow (1652)
- Paring Martir Pedro, pari (1918)
- Paring Martir Pablo, pari, Kagalang-galang na Martir Elisabet at Martir Teodoro (1937)
- Kagalang-galang na Martir Ignacio (1938)
- Banal na Pedro, Kumpesor, pari (1972)
- Kagalang-galang na Cristobal ang Romano (ika-6 siglo)
- Kagalang-galang na Fantino, Manggagawa ng Himala, sa Tesalonica (ika-9–10 siglo)
- Pagtitipon ng mga Banal na Hirarka ng Serbia: mga Arsobispo Sabas I (1237), Arsenio I (1266), Sabas II (1269), Eustacio I (c. 1285), Jacobo (1292), Nicodemo (1325) at Daniel (1338); mga Patriyarka Joanicio II (1354), Efren II (pagkatapos ng 1395), Espiridion (1388), Macario (1574) at Gabriel I (1659); at Gregorio na obispo
Ang mga petsa ay ayon sa kalendaryong Juliano ng Simbahang Ruso (gaya ng mga Simbahang Serbiyo at Heorhiyano at ng Bundok Athos): ang Agosto 30 sa kalendaryo ng simbahan ay Setyembre 12 sa sibil na kalendaryo. Ipinagdiriwang ng mga Simbahan sa bagong kalendaryo (Gresya, Romania, Bulgaria, Ukraine…) ang mga di-nagagalaw na kapistahan at ang mga santo sa mismong petsang sibil, 13 araw na mas maaga, at iba ang ilan sa kanilang mga pagbasa; pareho ang Pasko ng Pagkabuhay at ang mga araw na nakasalalay rito.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan